KABANATA 13: GABI
GABI BY NAMELESS KIDSNAKATAMBAY ako sa gilid ng pool sa may baba. Pinagmamasdan ko ang mga batang nagsi-swimming habang nakababad ang paa ko sa tubig. Kauuwi ko lang galing sa school at naisipan kong tumambay dito dahil sa sobrang init ng panahon. Bakit ba kasi ganitong panahon ang second sem namin?
"Madaming turista ngayon diyan, 'Ma?" Tanong ko habang kausap ko sila ni Papa sa cellphone.
"Halos buong araw na kami nag-a-asikaso ng guest ng papa mo. Kailan mo ba balak umuwi rito sa El Nido? Nami-miss ka na ng mga kapatid mo." Ngiting-ngiti na sabi ni mama sa akin.
Sa totoo lang ay ilang beses ko na bang tinangka na umuwi na lang ng El Nido at doon na lang mag-aral. Hindi ko na mabilang. Nakakapagod kasi ang Manila especially mag-isa lang ako. Oo, nandito rin sa area sila Tito Vince pero nakakahiya na lagi silang istorbohin.
"Mama, pa-midterms pa lang kami this sem. Siguro ay baka sa June pa ako makakauwi. Nag-book na rin ako ng flight kanina. Sayang 'yong seat sale." Paliwanag ko at nilalaro-laro ang tubig ng pool.
"Ha? Saan ka kumuha ng pambayad sa flight? Hindi ka nagsasabi sa amin ng Papa mo. Baka tinitipid mo 'yong sarili mo diyan sa pagkain." Nagbago ang ekspresyon ni Mama at napuno siya ng pag-aalala.
"Sa Sideline ko, 'Ma. Saka seat sale. Magkano lang din naman binayaran ko sa one way trip." Paliwanag ko. Iyon naman din ang purpose kung bakit ako nag-Student assistant para sa mga ganitong gastos at maging mga materials/ingredients sa pagluluto.
Saglit pa kaming nagkumustahan at bandang alas-sais na noong naisipan kong pumanhik sa taas. Pagpasok ko sa unit 24-C ay wala pa rin hanggang ngayon si Noah.
"Kumusta na kaya 'yong pag-uusap nilang dalawa?" Tanong ko sa sarili ko. "Kapag iyan nabilog na naman ni Sarah, isang malaking tanga na talaga siya sa paningin ko."
Binuksan ko ang TV at naghanap sa netflix ng bagong panonoorin. I ended up watching movie entitled Ocean 8. So far ay maganda naman ang movie at unexpected ng mga cast na nandito. Nagulat nga ako noong lumabas si Rihanna, tangina umaarte pala 'to?
Umaandar ang oras at nangangalahati ko na ang movie. Bumukas ang pinto ng unit at napatingin ako sa kaniya. Noong makita ko ang lugmok na lugmok na ekspresyon ni Noah ay napatayo na ako at tinanong siya. "Anong naging direksyon ng pag-uusap ninyo?"
I usually do not care sa nararamdaman ng ibang tao (unless pamilya ko sila) pero dahil nasa iisang bubong nga kaming dalawa at maayos naman ang pakikitungo niya sa akin these past months ay nagkaroon na ako ng pake sa kaniya.
Mabigat na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. Malungkot siyang ngumiti sa akin at naglakad papalapit sa direksyon ko. Mahigpit niya akong niyakap at ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.
"Officially, it's over. Tapos na ang paghahabol ko ng ilang linggo." Sabi niya sa malambot na tono. "We broke up."
Tanging ingay lang ng palabas ang nanaig sa paligid sa loob ng ilang segundo. Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin dahil kailangan niya rin naman ito. I patted his back. "That's the goal naman kung bakit kayo nagkita, hindi ba?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
"Hmm..." He answered at hindi pa rin inaalis ang ulo niya sa balikat ko.
Tangina akala niya yata ay hindi mabigat.
"Ang mahalaga naman ay nagising ka na. No more chasing game. Nakuha mo na 'yong closure na kailangan mo para mas makapag-focus ka sa maraming bagay." Sabi ko sa kaniya. Kung babalikan niya pa talaga 'yong Sarah na 'yon ay baka masabihan ko lang siya ng bobo. Wala pa namang preno ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...