KABANATA 2: NA NA NA
NA NA NA BY BINIKATATAPOS ng klase namin sa Fundamentals of Food Service Operation. Hindi ko pa nga masabi na isang klase ang naganap dahil in-explain lang sa amin ang course syllabus, pinirmahan ang COR, tapos ay pinayagan na kaming makalabas ng classroom. Ganito ba talaga kaluwag sa college? Two hours ang klase namin sa subject na ito pero natapos lang ng 25 minutes!
Anong gagawin ko sa mahigit isang oras kong vacant hour? Halos limang araw na akong pumapasok sa Ardano pero wala pa akong natututunan. Pero tinanong ko si Kuya kung ganito ba talaga sa college, ang sagot niya naman na maluwag talaga kapag first week pa lang ng school at patayan na ang susunod na mga linggo. Nanakot pa si Tanga.
"Kelvin," Tawag sa akin ni Valeen. Katabi ko since first day dahil may pagkamadaldal din siya. Parehas kaming hilig umupo sa front seat ng klase para magpabibo at makilala agad ng mga professors. "Sama ka, tatambay kami sa library?"
I checked the time at maaga pa nga. "Akyat akong second floor. Titingin ako sa board baka may mga teacher na naghahanap ng Student assistant, apply sana ako. Pero sunod ako sa inyo after." Paliwanag ko sa kaniya at nag-b'bye naman sila sa akin.
Balak ko sanang mag-apply ng side job kahit papaano para may extra money rin ako, hindi 'yong puro hingi na lang ng allowance kanila Mama. Ang mahal-mahal ng gamit kapag culinary student ka lalo na 'yong mga materials.
Naiwan akong mag-isa at umakyat sa ikalawang palapag. Kagaya ng inaasahan puno ng announcement lang ang bulletin board hanggang mapatingin ako sa kabilang dulo. Dito nakalista ang mga professors na naghahanap ng Sudent assistant at una kong namataan si Miss Francheska. Agad kong sinave ang number niya para ma-contact siya.
"Mag-a-apply kang SA?" Nabigla ako noong may isang boses akong marinig mula sa kanan ko. Napatingin ako sa kaniya. She has this curly wave hair at angat na angat ang pagiging mestiza niya. Nakasuot ito ng dress na hindi naman kabastos-bastos sa mata. Bilugan ang mata nito at matangos ang ilong, napansin ko rin ang mga malilit na freckles niya sa pisngi na bumagay sa ngiti niya. Sa tingin ko ay may lahi ang tao na 'to.
"A-Ako ba ang kausap mo?" tanong ko dahil hindi talaga ako sigurado kung ako ang kinausap niya. Although, kaming dalawa lang naman ang nasa harap ng bulletin board. Ang tanga ko.
"Sorry, ang FC ko." Mahina siyang natawa at ang hinahon ng mga galaw niya. "My name is Eya. Magkaklase tayo, 1-A, BSHM din course ko." she explained.
"Eya?" tanong ko dahil hindi ko talaga siya makilala. Halos ilang araw ko pa lang naman kasi nakikita ang mukha ng mga kaklase ko at hindi ko naman sila matatandaan lahat, unless sa front row din sila madalas umupo.
"Ah hindi ako masyadong napapansin kasi nasa bandang likod ako. Nakikita lang kita dahil lagi kang umuupo sa front then malapit sa teacher's desk." Kulang na lang ay sabihin niya sa akin na ako 'yong sipsip na estudyante na nasa unahan.
Well, isa 'yon sa mga natutunan ko noong senior high ako! Kapag kilala ka ng teacher o professor ay mas liliit ang chance mo na bumagsak ka dahil maaawa sa 'yo. Proven and tested.
"Ah hello, Kelvin." I introduced myself, ipinunas ko pa sa laylayan ng damit ko 'yong kamay ko bago siya kinamayan. Pasmado, eh.
"Althea." She smiled to me. "Pero Eya na lang dahil masyadong girly ang Eya." parehas kaming bahagyang natawa. "Kay Miss Cheska ka mag-a-apply?" Tanong niya.
"Oo, kailangan lang extra money. Alam mo na, mahal materials natin."
"True. Pero mabait 'yan, si Miss Cheska, siya 'yong nag-assist sa akin noong nag-enroll ako. She is nice." Paliwanag niya sa akin at napatango-tango ako.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...