Kabanata 11: Outlaws

489 40 9
                                    

KABANATA 11: OUTLAWS
OUTLAWS BY NAMELESS KIDS

SINONG mag-aakala na mapapasama ako ni Noah na mag-jogging ng ganitong 5:30AM ngayong araw? Kasalanan ko rin naman kasi noong mga nakaraang araw ay nagtatanong ako kung may maganda bang lugar na pagja-jogging-an sa area namin dahil sa paningin ko ay punong-puno ito ng polusyon.

Aba ang loko ay sinabi na may park daw malapit sa unit at isasama niya daw ako minsan. Hindi ko naman akalain na ngayong araw 'yon.

"Pahinga muna... two minutes." Sabi ko at umupo sa gilid ng side walk. Uminom ako sa tumbler ng tubig.

Huminto si Noah pero tumatakbo pa rin siya sa kaniyang puwesto. "Sus, sa lahat nang nagwo-workout ay ikaw ang pinaka-weak shit, Kelvs. Wala pa tayong fifteen minutes tumatakbo, oh." Reklamo niya sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at bahagya siyang natawa. "Hindi uso sa 'yo 'yong beginner trail muna? Gusto mo 5 kilometers agad tatakbuhin natin? Bro, sana sinaksak mo na lang ako."

Lately ay lagi rin kaming magkasama ni Noah at maayos naman pala talaga siya kausap, sadyang pangit lang talaga ang first impression ko sa kaniya. Masyado na siyang malungkot sa kakahabol sa jowa niyang ilang araw na siyang 'di pinapansin. Samahan mo pang pressure siya sa training para sa UAAP.

Sa akin man lang ay mapahinga man lang siya kahit papaano. Napapahinga nga siya.. lintek, ako naman ang napapagod! Physical activities ang puro gustong gawin! Puwede naman maglaro na lang kami ng uno sa condo unit.

"Mauna ka na. Habol na lang ako." Asa siya, sa oras na mauna siya sa akin ay maglalakad talaga ako pabalik ng unit. Sa gym kasi namin sa condo, aircon. Dito, outdoor run talaga.

"Sus maniwala sa 'yo." Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtakbo sa kaniya puwesto. "Tara na, Kelvs, 9AM pa klase mo. Magpe-prepare ka pa."

Napabuga ako ng hangin at tumayo. Sandali akong nag-stretching at tumakbo na kaming dalawa.

Mukhang naawa naman sa akin si Noah dahil 3 kilometers lang ang tinakbo namin ngayong araw. Next time na lang daw kami maglimang kilometro kapag sanay na ang katawan ko. Asa siya.

Huminto kami sa lugawan malapit sa Sun Residence. Um-order ako ng LTB samantalang siya naman ay goto.

"Oooh e 'di malakas ang business ninyo sa Palawan?" Tanong niya habang kumakain kami. Naikuwento ko kasi sa kaniya ang business namin sa El Nido.

"Ngayon, malakas siguro kasi summer vacation. Huling usap namin ni mama ay nagdagdag sila ng staff kasi kinukulang na sa man power." Bakit ba dobleng sarap ang kahit anong pagkain kapag pagod ka?

"E 'di mayaman pamilya ninyo," Kumunot ang noo ko at umiling. "All along akala ko ay parang scholar ka lang na nataon mag-aral sa Ardano University. You are giving a vibe na estudyanteng subsob sa pag-aaral."

"Talagang subsob ako sa pag-aaral, ayokong mabigo sila Mama dahil sa Manila pa nila ako pinag-aral." Sabi ko sa kaniya. "At saka, hindi mayaman ang pamilya namin. May kaya lang. Magkaiba 'yon." Depensa ko. Kung mayaman ang pamilya ko e 'di sana hindi ako nakikipag-condo sharing, hindi ako nag-student assistant, at hindi ako nag-apply ng scholarship.

"I think you will be a successful business owner in the future." He said at mabilis niyang naubos ang goto. Lintek, may hinahabol na oras ba 'to? Nakaka-pressure kaya bilang isang slow eater.

"Eh, dapat lang."

"Ano bang plano mong business?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko pa man din alam kung anong klaseng business ang gusto ko. First year college pa lang naman ako, ayokong masyadong i-pressure pa ang sarili ko sa mga ganoong bagay.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon