Kabanata 19: Dilaw

442 40 12
                                    

KABANATA 19: DILAW
DILAW BY MAKI

"KAILANGAN ba talaga natin gawin 'to?" Tanong sa akin ni Noah habang isa-isa niyang pinupulot ang mga papel niyang nakakalat sa sahig at inilalagay sa plastik. "This is tiring, nakatutulog pa naman tayo rito."

"Nakakatulog ka sa lagay na 'to?" Pinulot ko ang boxer niya at ibinato sa kaniya. "Puro kalat 'tong unit na 'to Noah. Ang sakit sa mata sa tuwing uuwi ako." Nagpatuloy ako sa pagwawalis at grabe, parang puwede kang gumawa ng sand castle sa dami ng alikabok na nawalis ko.

The two of us are having a general cleaning dito sa unit. Hindi ko na nga alam kung kailan ko huling beses na ginawa ito dahil noong sumunod din na linggo no'n ay puno na ulit ng kalat, all thanks to my roommate.

"This is absurd, sa bahay nga ay hindi ko ginagawa 'to." Mahina niyang bulong.

"Huy, wala ka sa bahay ninyo, ah. This is the perfect time para naman matuto ka ng house chores. Hindi 'yong pinaninindigan mo 'yang organized mess mo." I quoted his word.

"That is really an organized mess." he justified at seryoso ko lang siyang tiningnan. "Okay, hindi na ako papalag."

Una naming nilinis ang kuwarto at pinalitan namin ng kurtina ang bintana. Mas maaliwalas na ito sa pagkakataong ito. Napailing na lang ako noong may makuha akong mga test paper ni Noah na ang bababa ng score.

"15 over 75." Pagbasa ko sa lukot na test paper at tiningnan siya. Saglit siyang napatigil at bagot akong tiningnan. Ngumisi ako. "10 over 50."

"Stop judging me by my score. It's calculus!" Depensa niya. "Hindi mo ba alam na it's rare to have a double digit score sa Engineering. Just be proud that I passed the subject."

"Okay." Binigyan ko siyang malokong ngiti.

"What is that smile?" Iritable niyang tanong.

"Okay na nga kako 'di ba?"

"Eh itong drawing mo nga..." Bigla niyang hinablot ang nakatuping papel sa ibabaw ng desk ko. It was my drawing sa previous sem sa NSTP. Teka, bakit nakalabas 'yan!? Nakatago 'yan sa drawer, ah! "Hindi ko naman hinusgahan kahit puro stick man ang nakalagay."

"Bitiwan mo 'yan!" Inis akong naglakad sa kaniya papalapit. "Dadagukan talaga kita."

"Oh really?" He asked in provocative tone. "As far as I remember, I am taller than you."

"Ay walang magagawa 'yang tangkad mo kapag nabira kita." Akala niya yata ay masisindak niya ako. Inagaw ko sa kaniya ang papel at nilukot ko iyon para maitapon sa basurahan. "Pakialamero. Magpunas ka na nga lang ng sahig."

"Utusero." Bulong niya.

Pakiramdam ko ay tumanda ako ng limang taon dahil sa stress ko kay Noah. Parang bata kung maglinis.

Sunod naming binanatan ang mga hugasin niya na nasa lababo. Apparently, hindi nga siya sanay maghugas dahil basta niya lang itong hinuhugasan at sinasabon. Dinemo ko pa sa kaniya kung paano.

Ang sagot ba naman ay magkaiba daw kami ng style sa paghuhugas ng pinggan. Lintek na 'to.

He is the one who is washing the plates habang ako ang nagpupunas bago ilagay sa rack. Mahina niya akong tinutunggo na parang nasa basketball game siya.

"Isa." Pagbilang ko ulit. "Kapag ginantihan kita, iyak ka talaga sa 'kin." Banta ko.

He just chuckled na parang tuwang-tuwa pa na nabubuwisit niya ako. Binasa niya ako ng tubig mula sa gripo. "Galit ka agad."

"Talaga." Ipinunas ko sa mukha niya 'yong basahan. Tanginang 'to, kuhang-kuha ang pikon ko.

Tinawanan niya lang ako at binasa. Ang ending ay parehas kaming basa sa paghuhugas lang ng pinggan at ilang minuto bago namin natapos ang mga hugasin. Parang gago kasi, ang isip bata. Good thing naman na siya ang nagpunas ng nabasang sahig dahil kung ako pa ang gagawa... baka kuhanin ko na lang 'yong kutsilyo sa drawer at itusok sa ulo niya.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon