Kabanata 7: Raining in Manila

466 40 2
                                    

KABANATA 7: RAINING IN MANILA
RAINING IN MANILA (AMBON VERSION) BY LOLA AMOUR

NASA loob ng unit si Darius habang umiikot ang paningin niya sa paligid. Para bang jina-judge niya na ang mga gamit namin sa unit pero mabuti na lang talaga ay naglinis ako bago gumawa ng assignment kanina.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko dahil puwede ko naman i-alok sa kaniya 'yong gummy bear na kinakain ko kapag gumagawa ng assignment. Kaso... iyon nga lang ang maiaalok ko dahil hindi naman ako nagluto ng kahit anong solid na pagkain ngayong araw.

"Ay hindi na, nag-Jollibee ako bago ako pumunta rito." Mabuti naman.

Saka, bisita 'to ni Noah pero bakit parang responsibilidad ko ang isa pang mokong na 'to? Napahinga ako ng malalim. "Text o tawagan mo na lang si Noah, sabihin mo ay nandito ka na. Gawa lang ako ng assignment sa loob." I informed him bago ako pumasok ng kuwarto.

Hinayan ko lang din bukas ang pinto dahil baka mamaya ay may mga kailangan siya para madali ko lang din siya maririnig.

Nabigla ako noong sumandal sa pinto ng kuwarto si Darius. "Anong pangalan mo pala, bro?" tanong niya sa akin.

"Kelvin." I answered.

"Oooh, Engineering student ka rin?"

"Hospitality Management pero specialization ko ay Culinary Arts." Sagot ko sa tanong niya. Kung ano 'yong ikinatahimik ng pinsan niya ay iyon naman ang ikinadaldal ni Darius.

"Ah, gusto mo maging chef?" tanong niya.

"Hmm... I want to manage a restaurant." Sagot ko kasi iyon naman talaga ang pinaka-goal ko, pero siyempre, kailangan ko pa rin muna magtrabaho sa kusina bago ako makapagpatayo ng sarili kong business.

"Ah, Grade 12 student kasi ako. Iyan din sana 'yong path na gusto kong kuhanin pagka-graduate ko. Mahirap na course?" tanong niya sa akin. In-accomodate ko naman 'yong mga tanong niya dahil bihira lang naman ako makakilala ng mga taong may same interes sa mga bagay-bagay.

Maayos kausap si Darius dahil magaling siya mag-handle ng conversation. Sabi niya ay nandito siya para manood ng Concert ni Lauv sa MOA. Tinanong niya nga ako kung fan ako pero sinagot ko na lang na casual listener lang ako dahil na-introduce lang si Lauv sa akin sa isang netflix movie na natapos ko. Kanta niya kasi ang soundtrack sa movie.

Mas nauna ko pang naka-close itong si Darius kaysa sa lintek niyang pinsan.

"Kumusta naman bilang roommate si Noah? Binibigyan ka ba ng sakit ng ulo?" Tanong niya, hindi na siya nakatiis dahil hinatak niya na ang swivel chair sa study area ni Noah.

Makalat sa gamit. Madalang maghugas ng pinagkainan. May mga pagkain siya na na-e-expire na lang sa ref. Madalas wala. Minsan uuwing lasing.

"Sakto lang." Malamang hindi ko sinabi lahat ng masasamang bagay dahil magpinsan pa rin silang dalawa. Paniguradong kakampihan niya ang pinsan niyang balahura sa gamit.

Bahagyang natawa si Darius. "Mukhang iba ang ibig sabihin ng sakto lang na 'yan, ah." Napailing na lang ako. " But you know, I kinda expected him to be a sakit ng ulo. He is very sheltered back home at may sarili siyang kuwarto and this is the first time that he will share a space with somebody na hindi niya pa kakilala."

"Parehas lang naman kami." Sagot ko dahil ngayon lang ako nalayo sa mga magulang ko na ilang daang kilometro ang layo sa akin. Pero hindi naman excuse ang pagiging sheltered para maging masinop sa gamit.

"Nahihiya lang si Noah pero marami siyang love na kayang ibigay. Madalas lang siyang ma-misinterpret ng ibang tao." Tumayo siya at sumilip sa kama ni Noah. "Nakikita mo 'yong teddy bear doon sa kama niya? He is planning to give that to his girlfriend, to think na four months pa lang sila."

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon