Kabanata 32: Alam

360 39 6
                                    

KABANATA 32: ALAM
ALAM BY SARAH GERONIMO

ARAW ng sabado at maaga pa lang ay binuksan ko na ang TV, naimbitahan kasi si Noah sa isang morning talk show para ikuwento ang mga nangyari kahapon sa laro. Ayaw nga dapat ni Noah dahil kagabi lang siya tinawagan kung puwede siya pero ako na rin ang nag-push sa kaniya. kailangan niyang i-build up ang pangalan niya kung gusto niyang lumaro sa PBA.

Ang senaryo magtuturo si Noah ng mga basketball tricks sa mga host at may cooking segment. Anong alam niyan magluto? Bahala siya diyan kung mapahiya siya.

"So, Noah Faustino, as the captain of the Golden Bears. Anong nararamdaman mo na matapos ang ilang taon ay nagawa ulit makapasok sa semifinals ng Ardano University?" Tanong noong host. Ako naman ay kumakain ng almusal at tutok sa mukha ni Noah.

"Well, every season of the game, the goal talaga is to win. Siyempre I am happy that we broke the curse of Ardano University na laging isa sa mga unang team na nalalaglag sa competition. But there's a little bit of regret because we almost made it to the finals. But yeah, that's how competition works." Paliwanag ni Noah. Napaka-conyo kahit kailan.

"There will be always next year." Sabi nung Host na si Pablo.

"Next year will be my last year." Noah chuckled. Oo nga pala, graduating na kami next year. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay hindi kami nagkikibuan na dalawa pero ngayon.... Kahit saan yata nang lupalop ng Pilipinas ay masusundan namin ang isa't isa basta may pera.

Sumunod na segment ang cooking segment. Obviously ay walang alam si Noah at sinusunod niya lang ang instruction nung host.

"So, Noah, maiba tayo sa basketball. Let's go with something more personal. Since isa ka sa mga umiingay na pangalan sa UAAP ngayong taon, ang tanong ng taong bayan ay may nagpapasaya na ba sa isang Faustino?" The female host asked. Siya rin 'yong host na nasa showbiz balita tuwing gabi kaya ganiyan ang mga tanungan.

"Uhm, yes. Somebody is making me happy right now." Walang preno niyang sagot. "But of course I want everything to be private as much as possible."

"And we respect that." The host answered.

Matapos ang part ni Noah sa talk show ay gumayak na ako para dumaan sa school. Gusto ko lang din mabisita 'yong mga professor namin this last semester. Makasipsip man lang.

Mabilis lang akong nagbihis at nagsuot lang ako ng stripes na polo short na loose pants. Madalas ay sinasabihan ako ni Noah na ang baduy ko pumorma. Akala mo kung sinong ang galing, eh siya rin naman! Ang lakas maka-tito ng mga sinusuot niyang damit.

Pababa na ako sa condo noong makatanggap ako ng chat mula kay Noah.

Noah:
Kelvs, Did you watch ba?

Do I look dumb during the interview sesh?

Me:
Arte.

Pero napanood ko. Maayos naman ang mga sagutan mo. And the camera didn't gave you justice, mas pogi ka sa personal.

Noah:
Napopogian ka sa akin?

Me:
Puwede na pagtiyagaan.

Noah:
Do you have agenda today? Tomorrow ay balik Boracay ka na agad.

Me:
Dadaan lang ako sa Ardano. Nakaka-miss lang ang school environment. Tapos dadaan kay Miss Cheska.

Noah:
Will pick you up there

Me:
Saan tayo pupunta?

Noah:
Somewhere.

Me:
Mama mo somewhere.

Sumakay na ako ng jeep. Magcha-chat naman si Noah kung sakaling nasa Ardano na rin siya. Nakaka-miss din palang makipagsiksikan sa public transportation dito sa Manila. Pati 'yong polusyon ng espanya ay na-miss ko rin.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon