KABANATA 24: BANGIN
BANGIN BY PAUL PABLONAGING mababaw ang tulog ko at pilit naalala ang mga nangyari kaninang madaling araw. Hindi ko rin alam kung paano kami nakarating sa ganoong sitwasyon. Hindi ko sigurado kung dala ng tensyon? Caught in the moment? O parehas namin gustong gawin iyon?
Noong marinig ko na tumutunog ang door knob ng kuwarto ay mabilis akong nagtalukbong ng kumot. Malamang ay may duplicate si Noah ng susi ng kuwarto. Bumukas ang pinto ay lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sa ilalim ng kumot ay napahawak ako sa labi ko.
Mali 'to. Hindi dapat nangyari iyon.
"Kelvin." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Noah. Saglit akong nabato sa aking puwesto pero hindi pa rin ako gumalaw para isipin niya na natutulog pa rin ako. "Kelvs." Tawag niya ulit.
Ilang segundo naging tahimik ang paligid pero ramdam ko na nasa loob siya ng kuwarto. Tangina, 'yong mga kababalaghang nangyayari talaga na 'yan ay nakasisira ng pagkakaibigan, eh. Para bang nagkaroon ng instant wall sa pagitan naming dalawa ni Noah.
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Noah. "I am sorry, Kelvs." Hindi pa rin ako kumilos pero gusto ko nang lumingon at tanungin kung ano 'yon, kung bakit niya ako hinalikan.
Pero hindi pa ako handa sa mga maririnig ko. Baka sa akin ay may meaning 'yon tapos sa kaniya ay nadala lang siya ng sitwasyon. "Please kausapin mo ako kapag handa ka na." Tumunog ang duffle bag niya at lumabas na siya ng condo. Mukhang may training o laro siya ngayong araw. Kung ano man 'yon ay wala akong pakialam.
Naiwan ako mag-isa. Tinanggal ko ang kumot. Tangina, ang init.
Nakatulala lang ako sa kisame. "Puta, Kelvin. Anong nangyari? Bakit ka humalik pabalik? Ibig sabihin gusto mo 'yong nangyari." Monologo ko at napasipa-sipa ako.
Mabilis akong nagbihis at naghanap ng coffee shop na tatambayan ngayong araw. Nagdala ako ng isang libro para mabasa. Para bang ayoko munang mag-stay buong araw sa apartment dahil patuloy ko lang maaalala ang mga nangyari.
Buti nga hindi ako pinaalis ng barista dahil mula 11AM hanggang 4PM ay nakatambay ako sa cafe nila, isang kape lang ang in-order ko.
Mula alas kuwatro naman hanggang alas-sais ng hapon ay nag-jogging ako para lang mawala sa isip ko 'yong mga naganap kaninang madaling araw. Pero hindi, eh! Sariwang-sariwa sa utak ko kung paano hinigit ni Noah ang ulo ko at hinalikan. Naalala ko 'yong buong pangyayari at sa kung paano ako humalik pabalik sa kaniya.
"Tang ina, nababaliw na ako." Umupo ako panandalian sa side walk at napasabunot sa sarili ko.
Napatingin sa akin ang ilang nagja-jog. Napaubo ako at nagpatuloy sa pagtakbo na parang walang nangyari.
Bago bumalik sa apartment ay tumambay ako sa minute burger para kumain. Usually I only stay here for thirty minutes, para lang um-order pero ngayon ay nakadalawang oras yata ako rito. Maging si Ate ay takang-taka at hinahanap pa nga sa akin si Noah dahil lagi daw kaming magkasama kapag o-order dito.
Badtrip, pinaalala pa.
***
ILANG araw naging ganoon ang cycle ko. Sinigurado kong full-pack ang schedule ko. Uuwi lang ako sa condo para matulog, kahit pag-aaral ko ay tumatambay ako sa study hall ng condo.
Hindi ko naman ipagkakaila na nami-miss ko 'yong movie night naming dalawa, o kaya naman magkasama mag-gym, gagala sa kung saan. Pero paano? Habang tumatagal na hindi kami nag-uusap ni Noah ay parang lumalaki ang wall sa pagitan namin.
Buntong-hininga ako pumasok sa classroom. Katatapos ko lang mag-student assistant kay Miss Cheska, may mga pina-check-an lang siyang mga papers ng freshmen at mga word document na pina-type.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...