Been waiting to use this song for this story 🥹
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.
______
KABANATA 25: BAGO MAHULI ANG LAHAT
BAGO MAHULI ANG LAHAT BY NEVER THE STRANGERSNAKATAMBAY ako sa veranda nila Tito Vince at pinagmamasdan ang globo ng MOA na tanaw na tanaw mula rito. Pangalawang araw ko na rito at ramdam ko naman din na maging sila ay nagtataka na kung bakit hindi pa ako umuuwi sa unit. Nakatanggap din ako ng mga text at tatlong missed call mula kay Noah.
Hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi ko pa alam kung handa ba akong harapin kung ano man ang nararamdaman ko para sa kaniya... but definitely, hindi na kaibigan ang tingin ko kay Noah.
"Ang hirap naman." Bulong ko sa sarili ko at dinadama ang malamig na hangin.
Pumunta sa veranda si Tito Vince at may hawak siyang chocolate drink sa magkabila niyang kamay. He offered the other one to me. "Salamat, Tito." Nakangiti kong bigkas.
Umupo sa katabing upuan si Tito Vince. "Wala ka pang balak bumalik sa unit ninyo?" Tanong ni Tito Vince sa akin at napatingin ako sa kaniya. "Hindi naman namin ikaw pinaalis dito, puwedeng-puwede kang mag-stay dito sa kahit kailan mo gustuhin. Ang unusual lang Caloy na ilang araw ka na nandito. Samantalang dati ay excited na excited ka pang makauwi."
Hindi ako nakasagot at humigop ng milo.
"Nag-away kayo ng roommate mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi po." Mabilis kong depensa dahil hindi naman talaga kami nag-away o nagkasagutan. "Parang tampuhan lang po. Hindi ko pa siya kayang harapin, Tito."
"Alam mo, Caloy. Kung gusto mong umalis naman din doon ay puwede ka namin ihanap ng Tito Drew mo ng ibang condo na malapit sa school mo. Iyon ay kung hindi mo na talaga siya kayang harapin at makita. Gusto mo ba?"
Bumuntong hininga ako. "Hindi naman po sa ganoon Tito, ayoko naman itapon 'yong mga pinagsamahan naming dalawa ni Noah dahil lang sa nangyari. Siya lang naman ang nakakaintindi sa ugali ko."
Tito Vince smiled, a genuine smile. "Hindi mo siya kayang mawala sa buhay mo." Malumanay niyang sabi. "Hindi ko na tatanungin kung ano ang nangyari pero ramdam ko naman na pinahahalagahan mo 'yang si Noah. Lagi kaya kitang napapansin na nakatingin lang sa cellphone mo at parang naghihintay lang ng chat galing sa kaniya."
Growing up ay isa sa mga Tito Vince sa napagsasabihan ko ng problema. Hindi niya ako hinusgahan o pinagalitan kapag nakagagawa ako ng mali. He is just there, listening to my story at pinapangaralan ako pagkatapos.
"Natatakot ako, Tito, sa mahigit isang taon naming magkasama sa iisang bubong ay pakiramdam ko ay iba na 'tong nararamdaman ko sa kaniya." Pag-amin ko.
"Natatakot ka? Bakit?" Nalilitong tanong ni Tito.
"Pakiramdam ko ay mali 'to, Tito. I mean, nakikita ko naman kayo ni Tito Drew na masaya— totoong masaya. Pero mali 'to."Nag-aalala kong paliwanag sa kaniya at mata sa matang tiningnan si Tito Vince. "Paano si Papa? Ano na lang ang sasabihin ni Papa?"
"Caloy..." Hinawakan ni Tito Vince ang kamay ko. "Walang mali sa nararamdaman mo." Malumanay ngunit may diin na sabi ni Tito Vince. "Walang mali sa pagmamahal. Nagkataon nga lang na sa parehong sekswalidad ka nagkagusto.""Alam mo, bata ka pa lang Caloy ay nakita ko na kung paano mo gustong maging proud ang mga magulang mo. Naalala mo noong isinali ka ng Mama mo sa school debate no'ng grade 7 ka? Alam kong ayaw mo no'n pero ginawa mo pa rin." Bahagya akong natawa kasi naalala ko na pinipilosopo ko na lang ang kalaban ko no'n kasi napipikon na ako. Sarap tadyakan.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...