Kabanata 8: Habits

467 37 0
                                    

KABANATA 8: HABITS
HABITS BY NAMELESS KIDS

PARANG last semester lang ay wala kami ganoon interaction na dalawa ng gagong si Noah na 'to. Ang pinaka-core memory ko pa sa kaniya ay 'yong sinukahan niya ako, tinulugan niya ako, at ako ang naglinis ng mga kalat niya ng madaling araw. Tapos heto kaming dalawa ngayon na dahil sa pinsan niya ay magkasama na nasa inuman.

"Gaano na kayo ka-close na dalawa? Ang tagal ninyo ng roommate, gaano na kalalim ang pagkakakilala ninyo sa isa't isa?" Bato ng tanong sa amin ni Darius at uminom ng gin. He just turned 18 ngayong taon lang kung kaya't legal na siyang uminom.

"We barely know each other." Si Noah ang sumagot sa tanong ni Darius habang kumakain siya ng tsitsirya sa lamesa,

"Mas madami pa tayong napag-usapan dalawa kaysa diyan sa pinsan mo." dugtong ko naman at uminom din ng timpladong gin.

Ang sarap lang ng panahon sa ganitong klase na random conversation. Malakas ang ulan sa labas, may netflix movie na paingay sa unit, at may alak. Siguradong masarap ang tulog ko mamaya nito.

"Totoo ba? Anim na buwan na kayong magkasama ay hindi man lang kayo nag-uusap?" tanong niya.

"He hates me." Si Noah.

"He don't want to be friend with me." Ako.

Sabay kaming sumagot sa tanong ni Darius at nagkatinginan. Napasinghal ako at napailing. "Anong I hate you amputa. Ikaw ang may ayaw sa akin una pa lang."

"Saan galing 'yang galit na 'yan? Remember when we met at the gym, I tried to have a proper conversation with you pero hindi mo ako sinasagot ng maayos." Depensa niya naman din.

Nakatingin lang sa amin si Darius habang nagbabatuhan kami ng mga salita ni Noah.

"Paano naman kita sasagutin ng maayos no'n, binigyan mo ako ng perwisyo noong linggong 'yon? Remember lasing ka, ako naglinis ng suka mo hanggang alas-kwatro ng madaling araw para lang hindi kumapit 'yong amoy dito sa unit."

"And I said sorry, remember?" Balik niyang tanong sa akin. "That's the reason nga kung bakit sinabi ko sa 'yo ang tungkol kay Eya at Ronn. I thought you will thank me after but I hear nothing from you."

"Guys, chill." Sumingit na sa usapan si Darius. "Tangina bakit naglalabas kayo ng mga sama ng loob ninyo samantalang chill inuman lang naman 'to." Natatawa niya pang dugtong.

Kalahating baso pa 'yong timpladong gin sa tapat ko pero mabilis ko itong ininom sa inis ko kay Noah. Pero salamat na rin sa pinsan niyang daldalito dahil napag-usapan namin ang mga tungkol doon out-of-nowhere. Akalain mo 'yon, may lihim pa lang inis sa akin ang gago.

Naubos namin ang unang gin at kitang-kita nang namumula ang dalawang gagong magpinsan. Mga weakshit. Ang daming kuwento ni Darius na natatawa na lang kaming dalawa ni Noah at ikinuwento niya rin kung gaano siya ka-fan ni Lauv at siya lang daw ang artist na gusto niyang makita na mag-perform ng live.

Inaapuyan ko na 'yong pangalawang gin at parang tanga si Darius na pumapalakpak sa tuwing ginagawa ko iyon. "Where did you learn that?" Curious na tanong ni Noah.

"E 'di sa mga tanggero sa probinsya." Sagot ko sa kaniya. "Wala bang ganito sa mga bar na pinupuntahan mo?"

"Mayroon but they are conducted by professionals so it's safe."

"Sus. Nagbabayad ka ng mahal para sa ganoon." Naiiling kong sabi at inapuyan na ulit ang walang laman na bote ng gin at mabilis na inilagay sa pitcher para ipanghalo.

"At saka culinary student 'yang Kelvin, soon to be professional na nagtitimpla ng gin bilog 'yan." Natatawang sabi ni Darius. "Di ba, p're?" Natawa na ako dahil mukhang tinamaan na siya ng alak.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon