KABANATA 12: 153
153 BY DIONELAPAGKARATING namin sa Hill House Dining ay medyo maraming tao sa lugar. Ano pa bang i-e-expect namin, friday night kung kaya't maraming timg ang mga tao.
Mukhang madalas na nga rito si Noah dahil binati na siya ng mga staff pagkapasok pa lang namin. Nakasunod lang ako sa kaniya habang kinukuhanan ng video ang lugar. Sayang din, pang-upload din sa IG. Para naman makita nila Mama na mukhang makulay ang buhay ko rito sa Manila.
"Steve, mayroon pang puwesto sa garden area?" Tanong ni Noah sa isang staff na mukhang naging kaibigan niya na rin.
"Check ko kung may puwesto pa. Wait lang kayo." Sabi noong Steve sa amin
Naiwan kami ulit ni Noah na dalawa. "Saan mo 'to na-discover na lugar? Ang ganda rito." May mga cafe din naman sa El Nido pero mas kakaibang experience ito dahil mula rito ay matatanaw ang City lights ng Metro Manila. Ang ganda pagmasdan sa gabi pero saksakan naman ng polusyon ang lugar na iyan.
"When you maximize the power of social media, you will discover hidden gem places." Pagmamayabang niya sa akin at itinaas baba pa ni yabang ang kaniyang kilay.
Itinuro ko ang punuang cafe. "Mukha bang hidden gem 'to? Sinong pinagloloko mo?" Natawa si Noah sa sinabi ko.
"Well, it became popular na lang lately. Pero I discovered this place last sem lang din. Christmas Vacation. Wala ka." Kuwento niya at binalikan kami ni Steve. "There's puwesto pa?" He asked.
Tanginang burgis 'to. Minsan napaka-conyo.
"Sakto, may katatapos lang kumain and pinalinis ko na 'yong table." Steve informed us at naglakad kami papunta sa garden area. Kung maganda na ang view sa loob ay mas maganda ang view dito sa garden area. Mas ramdam namin ang ambiance ng Antipolo dahil sa lamig ng hangin. Parang campsite ang hitsura ng garden area nila na may overlooking ng Metro Manila
Umupo kaming dalawa sa isang table. Hindi ko muna pinansin si Noah dahil busy akong video-han ang lugar. Wala naman din akong balak isama siya sa story ko. 'Yong view lang naman ang gusto kong makita ng friends ko saka 'yong pagkain kapag nagka-clout ako sa social media.
"Nice place, right?" Mayabang niyang tanong sa akin. "You should thank me na dinala kita rito sa favorite spot ko sa Antipolo."
"Ulol mo, ikaw ang kumaladkad sa akin dito." Bumalik na ako sa puwesto namin at umupo sa tapat niya. "Pero mabalik tayo, hindi ka umuwi noong Christmas Vacation?" Tanong ko. Sabi ko pa naman kanila Tito Vince ay nagbakasyon ang roommate ko, kung alam ko lang ay baka isinama ko na siya sa Christmas Eve celebration namin nila Tito.
"My family had a vacation in Australia during that time. Hindi na rin ako sumunod dahil una, patapos na ang sem, pangalawa ay tambak ako ng plates. Just a waste of money lang." Kuwento niya sa akin habang naghahanap ng mao-order sa menu. "Ikaw, umuwi kang El Nido during Christmas break?" Balik niyang tanong sa akin.
"Hindi rin. Nakituloy ako sa mga kamag-anak ko na nakatira rito sa Manila." Kuwento ko na lang din. Hinayaan ko si Noah ang um-order ng pagkain basta kako ay Caramel Macchiato ang kape ko. He just ordered pasta, mainit na sabaw, at side dishes.
"Tangina mo ang dami mong in-order. Usapan natin ay kape lang, bakit parang mag-bu-buffet ka na rito." Sabi ko sa kaniya. "Subukan mo talaga akong singilin, bente pesos lang maiaabot ko sa 'yo." Pamasahe na lang kasi dapat sa jeep 'yon kanina pauwi ng condo.
"You can walk naman pauwi ng Espana." he chuckled.
"Kapag ginawa mo 'yon, gusto mong bumalik tayong dalawa sa cold war. Hanggang pag-graduate ay hindi kita papansinin na animal ka." Banta ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...