Kananata 17: Deliks

464 47 9
                                    

KABANATA 17: DELIKS
DELIKS BY JOHN ROA

HINATID na namin si Darius sa sakayan ng UV papuntang Puerto Prinsesa dahil doon ang flight niya. Tatlong araw lang kasi ang bakasyon niya rito sa El Nido pero halata naman sa pagiging tan ng balat niya na nag-enjoy siya sa bakasyong ito.

"Tanginang 'yan, back to normal na naman ako." Mabigat siyang napabuntong hininga at napailing kaming dalawa ni Noah. "Gusto ko pang mag-stay, ang dami ko pang isla na gustong puntahan."

"Isla o 'yong gabi-gabi mong pagba-bar ang mami-miss mo?" Naiiling kong tanong sa kaniya.

"Both." Sagot ng kupal.

Sinamahan namin si Darius hanggang sa mapuno ang UV at umandar ito. Limang oras na naman ang iindahin niya sa biyahe niya pabalik sa Puerto Prinsesa. Sakit sa puwet no'n.

Napatingin ako kay Noah. "Ikaw, wala ka pang balak umuwi? Napapagod na akong asikasuhin ka."

"Oh come on, I know you are enjoying my company here in El Nido, Kelvs." Mayabang niyang sabi.

"Kapal ng mukha mo. Perwisyo ka nga sa akin dito." Iniabot ko ang susi ng motor sa kaniya dahil siya ang mag-da-drive pauwi sa bahay.

Feeling lokal na lokal nga ang mokong dahil kahapon ay nag-motor mag-isa. Good for me dahil nakatulog ako ng hapon.

Ipinagsawalang-kibo ko 'yong naramdaman ko noong nakaraang araw. Paano kasi si bobo may safe space-safe space pang sinasabi. As a person who has a very blunt personality ay malaking compliment iyon para sa akin.

Iyon lang 'yon.

Nakarating kami sa bahay at nadatnan namin si Mama na nagwawalis. "Naihatid ninyo na 'yong kaibigan ninyo?" Tanong ni Mama.

"Opo, 'Ma. Biyahe na pa-Puerto Prinsesa." Sagot ko.

"Ay anak, tinatanong ni Tito Goyo mo kung anong gusto mo sa birthday mo?"

"Simpleng kainan lang, 'ma. Saka kung magbibigay man ng regalo kamo ay basta ay magagamit ko madalas." Kakaasikaso ko sa mga mokong ay hindi ko na napansin ang nalalapit kong birthday. Sa bagay, hindi naman din ito ganoon ka-espesyal. Habang tumatagal ay gusto kong sine-celebrate na lang ito ng mas simple.

"Birthday mo?" Curious na tanong ni Noah.

"Oo, birthday niyang si Caloy sa August 20. Hanggang kailan ka ba rito, Noah?" Tanong ni Mama sa katabi ko.

"Hanggang 17 lang po." Sagot niya. Napatingin ako kay Noah at na-guilty naman ako na hindi ko sinabi na malapit na ang birthday ko. Eh, kasalanan niya! Hindi naman siya nagtatanong.

"Sayang at hindi ka namin makasasama sa pag-celebrate ng birthday nitong si Caloy." Malungkot na sabi ni Mama.

Napakamot ako sa batok. "Ma, okay lang po 'yon kailangan din bumalik nitong si Noah sa Manila. At saka, birthday lang 'yan."

Naglakad ako papasok ng bahay. Pumasok ako sa kuwarto at binuksan ang aircon. Sa wakas, napreskuhan din ang katawan sa tagal kong nasa labas.

Sumunod si Noah sa akin at umupo sa kama na nasa lapag. "You didn't say that it's your birthday this upcoming 20th." Seryoso niyang sabi.

"Sus, Hindi naman nabi-bring up." Sagot ko at nag-scroll sa tiktok.

"Pero flight ko sa 17. I will not be able to celebrate it with you." Napatigil ako at napatingin sa kaniya. Maging siya ay ilang segundong napatahimik bago itinuloy ang kaniyang sinasabi. "Siyempre, you are with me during my down moments. I just want to be present in your special day."

"Hindi naman special day 'yon. Simpleng kainan lang 'yon dito sa bahay kasama ang mga kamag-anak tapos iyon na. Nairaos na ang birthday." Paliwanag ko sa kaniya. Bakit ba bini-big deal niya 'yon? Ako nga mismo ay wala naman akong pake. Sapakin ko ulo nito, eh.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon