Kabanata 29: Akin Ka

421 47 9
                                    

KABANATA 29: AKIN KA
AKIN KA BY ZACK TABUDLO

BUONG biyahe namin papunta sa Caticlan Airport ay magkatabi kaming dalawa ni Dom. We both just have a random conversation regarding sa business, mga recent na natutunan namin lutuin, at kung ano ang expectation namin sa internship na ito. Si Dom lang din naman ang kakilala ko sa mga estudyante na parte ng program na ito.

Ngayon pa lang ay nararamdaman ko an agad ang inis ni Noah dahil noong minsan nag-inuman kaing dalawa ay umamin ito na nagseselos siya kay Dom. Ang sabi niya lang ay lagi niya raw kaming nakikita ni Dom na magkasama kapag nasa Ardano University at magkasama kami bumibili ng mga ginagamit sa mga klase.

Pero sa totoo lang, hindi naman kami laging magkasama ni Dom. Irregular student siya buong second sem. Minsan lang namin siya makasama nila Valeen unless mga group project. Kung magkita man kami ni Dom sa labas ay sadyang coincidence lang iyon. Ngayon nga lang naging regular student si Dominic dahil nakahabol na siya at nag-summer class din siya.

Wala naman din dapat pagselosan si Noah kay Dom dahil sa pagkakaalam ko ay may nililigawan ito na taga-UP.

"Saan 'yong restaurant na pagtatrabahuhan mo?" Tanong ni Dom sa akin.

"Station 2. Malamit sa D-Mall talaga." Sagot ko. "Ikaw ba?" Tanong ko.

"Station 3 ako." He answered. "Akala ko nga ay kasama mo si Noah na mag-internship dito. Lagi ko kayong nakikita magkasama, eh." Biro niya.

"Si buntot 'yon, eh." Pabiro ko ring sagot. "Pero hindi naman din siya puwedeng lumayo dahil malapit na ang laro nila. Tapos sa isang firm siya sa QC nag-internship."

"Oooh, Will you not watch his game?" Dom asked.

"Paano ko makanonood, nandito ako sa Boracay." Sagot ko na lang sa kaniya. Pero pinag-iisipan ko pa rin naman na bumalik ng Manila kahit isang weekend lang para lang manood ng laro niya. Magastos man pero extra effort na lang din para makasuporta sa kaniya.

"Sa bagay." Sagot niya na lamang. "Do you want to roam around the area later? Sabi naman ni Sir Dela Cruz ay wala pa tayong gagawin ngayong araw and next monday pa ang simula ng internship natin."

"Puwede naman."

Nasa bangka na kami papunta sa Boracay at nakaramdam ako ng excitement dahil bata pa yata ako noong huling nakapunta ako rito. Sa pagkakatanda ko ay ni-rehabilitate itong Boracay kung kaya't mas maayos siya. Habang papalapit ang Bangka sa isla ay pa-asul na nang pa-asul ang kulay ng dagat.

The view itself is breathtaking. May ibang ganda ang Boracay na wala sa El Nido. Vise versa din naman, may ganda ang El Nido na wala sa Boracay.

Pagkarating namin sa mismong isla ay may kaniya-kaniyang tricycle ang sumundo sa amin para ihatid kami sa mga restaurant kung saan kami mag-internship. Kasama ko sa Tricycle si Klent na mag-internship din sa Sunbright Bistro. He is also culinary student. Galing sa kabilang section.

Inihinto kami ng tricycle sa tapat ng D-Mall and the driver instructed us kung paano kami makararating sa Sunbright Bistro. Isa lang ang napansin ko sa Boracay... para akong nasa somewhere asian country habang naglalakad kami sa D-Mall. Puro Koreano, Chinese, Japanese nationalities ang nakikita namin.

Ibang-iba sa lugar namin dahil sa El Nido ay very diverse ang nationalities ang makikita doon. Dito ay para akong nasa China o Korea. Turistang-turista ang datingan naming dalawa ni Klent dahil parehas namin pini-picture-an ang mga nadadaanan namin sa D Mall. Hindi naman namin hinusgahan ang isa't isa na ignorante at mukhagn tanga dahil Boracay pa rin naman ito. Isa sa mga top tourist spot sa Pinas.

Narating namin ni Klent ang ang Sunbright Bistro at angat na angat ito sa mga katabi nitong establisyimento. Matingkad na dilaw ang pader nito at malalaki ang glass window nito kung kaya't matatanaw sa loob ang cafe vibes ng lugar. May mga turista ring kumakain sa loob. "Angas nitong pag-intern-an natin." Sabi ni Klent sa akin.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon