KABANATA 28: HIWAGA
HIWAGA BY NICA DEL ROSARIOMABILIS lang na lumipas ang mga araw at buwan. Patapos na agad kami sa ikalawang semester ng second year. Parang dati lang ay bagong environment sa akin ang Ardano University pero ngayon ay na-i-stress agad ako kahit nasa gate pa lang ako. Puro na lang din kasi luto, bake, anything related about management, tapos ay isama pa ang mga minor subjects na pabida sa mga projects.
Chinat ko si Noah dahil sabay daw kaming uuwi ngayong araw. Ilang araw din stress ang mokong na ito dahil pahirap na raw nang pahirap ang mga plates nila at puspusan na ulit ang training nila sa basketball para sa next season ng UAAP. Kahit naman pang-inis ko sa kaniya na lagi silang nalalaglag sa unang bahagi ng tournament ay lowkey ay gusto ko naman silang manalo o kung hindi palarin manalo ay kahit man lang pumasok sa Semifinals.
Me:
Nasaan ka na ba? Nasa gym na ko.Noah:
Shower room. Will be there in few minutes.Umupo lang ako sa isa sa mga bleachers at nagpalamig sa aircon ng indoor gym. Pinanonood ko lang ang ibang estudyante na trip-trip na naglalaro ng volleyball sa gym. Maya-maya pa ay lumabas na si Noah. He is wearing a black dryfit shirt at jersey shorts ng team nila, naglalakad lang siya habang nakasukbit sa kanang balikat niya ang duffle bag niya. Basa pa ang kaniyang buhok na halatang nagmadali maligo.
Hinanap niya ako and he immediately walked towards my direction. Napalagok ako ng sarili kong laway dahil ang angas niya kahit simpleng lakad lang naman ang ginagawa ng tukmol. Siyempre, hindi ko iboboses 'yon dahil papalakpak na naman ang tainga niyan sa tuwa.
Ilang buwan na kaming magkarelasyon and Noah doesn't failed to made me realize na hindi maling desisyon na sumugal ako sa kaniya. It just... my feelings for him keeps growing and growing kahit pa apat na sulok lang ng unit 24-C ang nakakaalam ng tungkol sa aming dalawa.
May ilang estudyante ang nagpa-picture sa kaniya bago siya nakarating sa akin. He smiled.
"Ngiti ka pa diyan. Tagal mo." Pakunwaring reklamo ko kahit hindi naman ako ganoon katagal naghintay.
"Sorry na, may diniscuss pa si Coach tungkol sa training namin kanina, eh." Sagot niya sa akin.
Naglakad na kami papalabas ng university. Dapit-hapon na kung kaya't karamihan sa mga estudyante ay umuuwi na rin.
"Sandali lang. I think I forgot something in Science lab." Sabi niya.
Napakunot ang noo ko. "Science lab? Kailan pa kayo nagklase doon na engineering?"
"Kanina? We have Physics subject this semester. Nakalimutan mo ba?" Tanong niya at napatango na lang ako. Hindi ko naman din inaalam kung ano ang mga subject niya. Basta ang alam ko lang ang schedule ng pasok niya dahil chinat niya sa akin iyon.
We ended up going to Science lab at wala ng estudyante gaano sa bandang ito. He entered the restroom and nagulat na lang ako ng higitin ako ni Noah. The next thing I knew? Nakatama ang labi niya sa labi ko. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya at ginantihan ko naman ito.
Ilang segundo na naging ganoon ang sitwasyon namin bago ko siya nagawang itulak. Noah chuckled. "That was good. Your kissing skill is improving day-by-day."
"Tangina mo talaga." Umiwas ako ng tingin at inayos ang kuwelyo ng uniform ko. "May sinasabi ka pang naiwan dito. Ano na naman masamang hangin ang pumasok sa utak mo." Lumabas ako ng CR at sinigurado na walang tao sa paligid. Safe naman.
"Wala lang. I just find you cute while you are sitting at the bench kanina." Sabi niya.
"Ulitin mo pa 'yan. Dadagukan kita pito sunod-sunod." Banta ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...