KABANATA 18: ARROWMANCE
ARROWMANCE BY ROB DENIEL"ANG sakit ng ulo ko." Narinig kong sabi ni Noah habang nasa harap kami ng hapag-kainan para mag-almusal. Alas-sais pa lamang ng umaga at ramdam ko pa ang pagod sa katawan ko. Mahaba-haba ang magiging biyahe namin papunta sa Puerto Prinsesa pero wala naman akong choice, bisita ko ang lintek.
"Alak pa." Sagot ko sa kaniya at uminom ng kape.
"How can I say no to your family?" Depensa niya at kumain ng pandesal. "Nakakahiya."
Hindi na ako sumagot dahil wala na rin naman akong gana na makipag-argumento ng ganito kaaga. Mabilis lang naman kaming kumain na dalawa at saktong alas-siete ay inilalagay na namin ang gamit niya sa compartment ng sasakyan.
"Thank you, Tita for allowing me to stay here." Noah is bidding a goodbye to my parents. Definitely, nakuha niya ang loob ng mga magulang ko. Mukhang kalalabanin pa ako nito sa pagiging paboritong anak ng parents ko, ah.
"Ay wala 'yon, ikaw naman ang nagbabantay sa anak namin kapag nasa Manila siya." Nagulat ako sa sinabi ni Mama pero hindi na ako nagsalita. Anong ako ang binabantayan!? Sus! Kung alam lang nila kung gaano pinasasakit ni Noah ang ulo ko.
"Sobrang kulit nga po ni Kelvin, I always having a hard time na bantayan siya." Ngumisi sa akin si Noah.
Kumunot ang noo ko. "Suntukin ko baba mo, aga-aga puro kasinungalingan lumalabas sa bibig mo." Reklamo ko sa kaniya. Napaka sinungaling ng kupal.
"Shh. Caloy" Suway ni Mama at natahimik ako ulit. Bumaling ang tingin niya kay Noah. "Basta kapag naisipan mong bumisita rito ulit sa El Nido, laging bukas ang bahay namin sa 'yo."
I checked the clock and it's already 7:05am. "Tara na, tara na. Baka hindi ka pa umabot sa boarding ng flight mo kung magkataon." Sumakay na ako sa sasakyan at sumunod na si Noah na sumakay sa passenger seat. Inilabas ko ang kotse sa garahe at nagmaneho papaalis.
Pinabaunan kami ni Mama ng maraming tsitsirya dahil nga sa sobrang tagal ng biyahe.
Sumasabay lang si Noah sa mga Scusta Clee niyang tugtugan sa sasakyan. Sinasabi niyang ibang level na ang friendship namin dahil naririnig ko na daw ang mga geng-geng niyang tugtugan.
"Bakit hindi ako ang pinag-drive mo? I can do long drive." Pagmamayabang niya sa akin. Kumuha siya ng Nova para kainin.
"Sa dami nang ininom mo kagabi, sa tingin mo ay iaasa ko ang buhay ko sa 'yo ngayong araw?" Sarkastiko kong sagot sa kaniya. Baka mamaya ay bigla siyang makaramdam ng sakit ng ulo, tumilapon na lang kami sa bangin ng wala sa oras.
"I am not drunk. Hindi nga ako nagsuka." Yabang niya.
"E 'di congrats. Tumataas na alcohol tolerance mo. Sana pina-billboard mo."
"Why so grumpy. Si anger ka ba ng Inside out?" He chuckled. Malayong-malayo ang personality ni Noah sa first impression ko sa kaniya. He has this beagle personality na very friendly and outgoing. But at the same time, can be chill. Tumingin siya sa akin at bahagya akong nagulat ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa balikat ko.
"Ano na naman trip mo?" Tanong ko. I tried to focus on the road.
"You are wearing my gift." He smiled noong makita niya na suot ko ang coral necklace na binigay niya.
"Sayang, eh. Aesthetic. Bagay sa porma ko." Sagot ko sa kaniya.
"Hoy, according to mediterranean culture the red coral associated with protection and good fortune." Depensa niya. Sus, nakuha niya lang naman sa google 'yong mga facts na 'yon. "Kahit lagi mo akong inaaway, I still want the best for you."
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...