Chapter 51

65.7K 841 246
                                        

CHAPTER FIFTY-ONE

BETRAYAL

❥ ELISSE GARCIA ❥

As I stood there, gazing at the now fully drawn heart on the foggy shower door, I felt Hope's presence behind me, his warmth unmistakable. Agad ko siyang nilingon at naabutan ang malapad niyang ngiti habang nakatingin din sa puso, as if it was his masterpiece.

"Totoo ba 'yan? O ini-scam mo lang ako?" tanong niya.

Napairap ako. Akmang buburahin ko ang kapiraso ng pusong iginuhit ko ay agad niya akong nilapitan. In a flash, he grabbed my arm, pulling me back and away from the shower door, his grip firm but playful.

"Don't touch that," nakangisi niyang sabi. "Oo na. Alam ko naman talagang bibigyan mo na 'ko ng chance pagkatapos mong mangabayo. Sino ka ba naman para tumanggi, e, Hope Ryker Lee na itong nasa harap mo?" His voice was dripping with confidence, his bravado unshakable. "Kung hindi mo 'ko binigyan ng chance, hindi ko na ulit ipararanas sa 'yo ang pagtirik ng mata mo—aaah!"

Before he could finish his ridiculous declaration, agad ko siyang binigyan ng pinong kurot sa tiyan. "Yang kayabangan mo, kailan kaya mawawala sa pagkatao mo?"

Lumabas na ako sa banyo, pero agad niya akong sinundan. "Hindi naman kayabangan 'to. I'm just stating the fact. Alam ko naman kasing ako lang ang nakapagpatirik—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang lingunin ko siya at pukulin nang masamang tingin.

⫘⫘⫘

One week later...

Bumalik ako sa opisina namin ni Hope, bitbit na ang dalawang kape namin na tinimpla ko. Pero hindi ko siya inabutan sa desk. Instead, he was by the glass wall, one hand in his pocket, the other holding his phone to his ear. He was staring out at the surrounding buildings, his voice low, as if he didn't want anyone overhearing his conversation.

Medyo mahina ang boses niya, at hindi ko alam kung sino ang kausap niya, pero may narinig akong sinabi niya na, "Villasis Park."

The sound of the mug as I set it down on his desk must've caught his attention dahil napalingon siya sa 'kin. Nang makita niya ako, agad niyang tinapos ang pakikipag-usap sa nasa kabilang linya. He pocketed his phone and gave me one of those smiles—effortless and annoyingly charming.

Humakbang siya palapit at dinampot ang mug na nilapag ko sa desk niya. 'Yong sa akin ay hawak ko pa rin. Without a word, he brought it to his lips, taking a slow sip. His eyes met mine, and he smirked, clearly enjoying himself as he lowered the cup.

"Ang sarap ng timpla mong kape. Lasang minamahal mo na 'ko."

Hindi ko naiwasang mapairap sa banat niya. Isang linggo na niyang sinasabi sa 'kin 'yon. Sa tuwing ako ang naka-schedule na magluto sa bahay, oras na matikman niya ang luto ko ay gano'n ang banat niya. Na para bang hinihintay niya ang kompirmasyon ko kung may nararamdaman na ako sa kaniya.

Bumalik ako sa desk ko, bitbit ang sariling kape. Pag-upo ko, tinanaw ko siya. Nakatingin pa rin siya sa 'kin at nakangiti. Pansin ko rin na sinulyapan niya ang suot kong floral dress na siya ang nag-insist kaninang umaga para isuot ko. Pinatungan ko na lamang 'yon ng blazer coat, na bumagay naman.

"Nga pala, mauna ka nang umuwi mamaya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ipahahatid na lang kita kay Jonas sa bahay. May kailangan lang akong puntahan. Uuwi rin ako agad para sabay tayong makapag-dinner. Tapos, ikaw ang gagawin kong dessert."

I blinked as I tried to shake off the curiosity gnawing at me. Hindi ko pa nga naitatanong kung sino ang kausap niya kanina sa phone, may panibagong tanong na namang nabuo sa isip ko. Where was he going?

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon