Chapter 64

64.4K 1K 146
                                        

CHAPTER SIXTY-FOUR

"YES"

★HOPE RYKER LEE★

ISANG linggo kong inobserbahan ang pakitungo sa 'kin ni Elisse, pati ang mga galaw niya matapos kong i-open sa kaniya ang tungkol sa divorce. Gusto kong malaman kung tama ba si Love Andrei na may feelings na sa 'kin ang asawa ko, at hindi ko lang napapansin dahil dinadaan nito sa gawa imbes na sa salita.

Noong una niya kasing sinabi sa 'kin 'yon noong nasa club kami, duda ako. Hindi ako naniwala. Pero nabuksan ang isip ko noong araw na pinadalhan ako ni Elisse kay Jonas ng lunch sa opisina ko, idagdag pa no'ng umaga na kahit hindi kami okay, nagawa niya pa rin akong ipaghanda ng almusal bago siya maunang pumasok sa kompanya.

One week and the result f*cking confused me to hell. Sobrang cold niya sa 'kin, madalas niya rin akong iniirapan at iniiwasan, pero... sobrang alaga niya. Kinagabihan noong araw na nagpunta sa opisina niya ang ex niya, nagkunwari akong nagtatampo pa rin at sinadya kong matulog sa sala nang sweatpants lang ang suot, walang pang-itaas, dahil 'yon ang nakasanayan ko. Hindi ako nagdala ng kumot no'ng gabing 'yon, pero kinaumagahan, nagising ako na may nakabalot na sa 'kin. No'ng tinanong ko si Edward kung siya ang naglagay no'n sa 'kin, sabi niya hindi raw.

Kapag naman kumakain kami ng dinner sa bahay, once na matapos si Edward, nauuna siyang tumayo at bumalik sa kuwarto niya or sa living room para manood. Habang si Elisse naman, kahit tapos na siya, hindi siya aalis. Mag-i-scroll lang siya sa cell phone niya at mananatili sa upuan niya para hintayin ako. Hindi siya tumatayo hangga't hindi ako tapos. Sinasamahan niya 'ko kahit pa sa tuwing titingin ako sa kaniya, panay irap siya sa 'kin.

May pagkakataon din na habang kumakain kami, nasamid ako. Pero bago pa 'ko tumayo para kumuha ng sariling inumin, nagawa na niya akong salinan sa baso at in-slide niya papunta sa harap ko. At kapag wala ng kanin sa serving plate namin at napansin niyang gusto ko pa dahil napapasarap ako ng kain, kusa siyang tatayo para kumuha ng kanin sa rice cooker.

Pagdating naman sa trabaho, hindi niya 'ko nakakalimutan padalhan kay Jonas ng lunch o kape sa tamang oras, lalo na kapag nabababad ako sa ginagawa at walang time na tumayo sa upuan ko. But what really touched me—and caught me completely off guard—ay no'ng nalaman ko na bago pala dalhin sa 'kin ni Jonas ang pagkain, dumadaan pa pala 'yon kay Elisse para i-double-check kung may mushroom.

It's like, despite everything, there's a part of her that still cares, even if she'd never say it out loud. Kaya medyo may pagsisisi sa 'kin na nagpadalos-dalos ako na i-open sa kaniya ang tungkol sa divorce. Pa'no kung gano'n lang pala talaga ang paraan niya ng pagmamahal? Sh*t.

"Let's go," Elisse said, snapping me out of my thoughts as she finished getting ready in front of her vanity mirror. I hadn't even realized I'd been staring at her reflection, captivated, for who knows how long.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at kinuha ang susi ng sasakyan ko sa lagayan namin. Ngayon ang kasal ng ex-boyfriend niyang si Miles. Sinabihan ko siya na ayoko siyang pumunta, pero pinagalitan pa 'ko ng dragon. Kaya ang naging kondisyon ko, hindi siya pupunta nang hindi ako kasama.

Palabas na sana 'ko sa pinto nang bigla niya 'kong tinawag. "Hope, wait."

Pumihit ako paharap sa kaniya. Humakbang siya palapit sa 'kin at inangat ang mga kamay sa kuwelyo ng long sleeve shirt ko para ayusin 'yon. Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin, and the gentle way she straightened my collar sent a jolt through me. My heart skipped a beat, and I could catch the faint, familiar scent of her perfume, warm and sweet, filling the space between us. It was intoxicating, and for a second, I forgot what I was supposed to be doing.

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon