CHAPTER FORTY-EIGHT
BULAKLAK
❥ ELISSE GARCIA ❥
MATAPOS namin mag-church, sa isang buffet restaurant ang naging direksyon naming lahat. Mas nauna lang sa amin ang pamilya ni Hope dahil nag-asaran pa kami bago sumunod sa kanila.
Buong biyahe namin ay sumusulyap ako sa kaniya at nag-b-beautiful eyes para asarin siya. Sa tuwing ginagawa ko kasi 'yon ay namumula ang mukha niya pati tainga kaya naaliw akong ulit-ulitin. Tumigil lamang ako nang bantaan niya ako at sinabing, "Humanda ka sa 'kin sa bahay. Kung ilang beses kang nag-beautiful eyes, gano'n ang bilang ng rounds na gagawin natin. Lupaypay ka sa 'kin mamaya."
Then, I told him, "Ginusto mo naman 'to, 'di ba? Sinabihan mo si Poppy na turuan akong mag-beautiful eyes, tapos ngayong ginagawa ko, naaasar ka?"
"Hindi ako naaasar. Naiinis ako! Naiinis ako dahil... ang ganda mo!" Ang sinabi niyang 'yon ang nagpatahimik sa 'kin hanggang sa marating namin ang restaurant. Naramdaman ko kasi ang pag-iinit ng mukha ko, at feeling ko ay ako naman ang namumula. Kaya kaysa malipat sa akin ang pang-aasar niya, I decided to just zip my mouth.
The meal at the buffet restaurant turned out to be enjoyable, mostly because of Hope's antics. He was the comedian of his family, always cracking jokes even while eating. Kaya imbes na mabusog ang pamilya niya sa pagkain ay mas nabusog pa sila ng hangin dahil sa katatawa.
Hope, sitting beside me, didn't miss a beat with his playful jabs at everyone, including me. Every now and then, he'd throw a quick tease in my direction, causing me to roll my eyes or elbow him lightly, but honestly, as much as I pretended to be annoyed, a small smile would always sneak its way onto my lips. His energy was infectious, and despite how awkward I usually felt around his family, his lightheartedness made it easier. A lot easier.
"Mom, oh, gusto raw mag-take out ni Elisse ng baka," hirit niya sabay halakhak kahit na wala naman akong sinasabi. Nagtawanan tuloy ang pamilya niya.
Pero aaminin kong medyo nanibago ako dahil hindi ganito kagaan ang pakiramdam ko noong huling nagsalo-salo kami. Noon, kapag kinakausap ako ng mommy ni Hope o kahit sino sa pamilya niya ay sobrang tipid kong sumagot dahil ayokong humaba pa ang usapan. But today, something shifted. When his mom would ask me something, I found myself answering with more than just the usual short replies. We even had longer conversations, and I didn't feel the urge to escape. It was... new, and honestly, it felt kind of nice. I wasn't just "there" anymore. I was present.
Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa madalas na pagbibiro at pagpapatawa ni Hope kaya active ang pakiramdam ko ngayon. Or maybe it was because I was finally starting to feel a little more comfortable, like I wasn't just some outsider forced into this picture. It was weird but also refreshing. His family wasn't so bad. Poppy and Summer were sweet, and even his dad, who used to intimidate me a bit, felt more approachable.
Ilang sandali pa, tumayo si Hope sa upuan niya para bumalik sa buffet table. Sakto naman ang pagbalik ni Faith at Poppy, galing din sa buffet, nag-refill ng pagkain sa plato nila. Dessert ang nakita kong laman ng pinggan ni Poppy ngayon at hindi ko naiwasang mapalunok sa itsura no'n. Kakaning hugis bulaklak, na parang kutsina. Pero kulay ube iyon. Napaka-cute at mukhang masarap.
Nag-excuse ako sa kanila at tumayo sa upuan ko para tunguhin ang buffet at hanapin ang katulad ng kay Poppy. Pero kahit anong silip ko sa mga nakahaing desserts, wala akong makitang kakaning hugis bulaklak. May halo-halo, leche flan, mga salad, at iba't-ibang cakes, pero wala 'yong hinahanap ko.
"Ano'ng hinahanap mo?" Narinig ko ang boses ni Hope sa bandang likuran ko, nakasilip siya sa balikat ko.
As I faced him, I spotted the last flower-shaped dessert on his plate—the exact one I had been searching for. Kaso... nag-iisa na lang. Mukhang naunahan niya ako dahil mas nauna siyang pumunta rito kaysa sa 'kin.
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
