Chapter 65

84.4K 1.1K 135
                                        

CHAPTER SIXTY-FIVE

CONFESSION

★HOPE RYKER LEE★

Ikalawang linggo na ngayon ng grace period sa 'kin ni Elisse, at simula noong nanggaling kami sa kasal ng ex-boyfriend niya, aaminin kong napapadalas na kinikilig ang itlog ko dahil mas naging okay kaming dalawa. Hindi na niya ako masyadong iniirapan at sumasabay na rin siya sa 'kin sa pagpasok sa kompanya.

At kung no'ng mga nakakaraan ay si Jonas ang nagdadala sa 'kin ng lunch at kape, ngayon ay siya na. Pero minsan, para hindi na siya maabala, mino-monitor ko na lang ang oras para kapag lunch break na ay ako ang pupunta sa opisina niya para yayain siyang kumain, sabay kami.

Pero simula no'ng huli naming napag-usapan ang divorce—noong nagpunta sa opisina niya ang ex niya para magbigay ng invitation—hindi pa uli namin na-open ang topic. Hindi niya ako tinatanong. Hindi ko alam kung hinihintay niyang matapos ang isang buwan na binigay niya sa 'kin bago niya 'ko tanungin uli. At p*tang ina, ngayon pa lang kabado na 'ko dahil baka kapag natapos ang isang buwan na binigay niya, magulat na lang ako na pinirmahan niya na rin ang divorce paper namin. Iniisip ko pa lang, parang kailangan ko na nang isang banig na biogesic. Para 'kong lalagnatin.

Bakit ba kasi hindi ko pinag-isipan ang bagay na 'yon? Bakit ako nagbase sa hindi niya pagsasabi sa 'kin ng I love you? Damn it! I needed to find those divorce papers before it was too late. There was no way I'd let her sign them.

"What are you doing?"

Halos napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Elisse. Nilingon ko siya, kalalabas niya sa banyo. She was wrapped in a bathrobe, a towel around her hair. Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto ng bathroom because my mind too tangled up with thoughts of that cursed paper.

"Why are you rummaging through my stuff?" she asked, her eyes narrowing as she took in the sight of me hunched over her cabinet. Magkabukod kasi kami ng cabinet para hindi magkahalo ang mga gamit namin, kaya alam kong natural sa kaniya ang magulat na sa cabinet niya ako nagkakalkal.

Napakamot ako sa itlog ko. 'De joke, sa batok ko. Ayokong magsinungaling sa kaniya, gusto ko straight to the point, kaya nagtanong na 'ko. "Where's the divorce paper I gave you?"

She frowned, her expression instantly skeptical. "Why are you looking for it? The month I gave you isn't over yet." Humakbang siya at lumapit sa 'kin, bahagya niya akong itinulak palayo sa cabinet niya para maglabas ng isusuot. "Atat ka na bang makita ang pirma ko ro'n?"

I watched her pull out an outfit, and every thought in my mind turned into a silent curse. Dammit! It was her maroon lace lingerie dress, that semi-sheer one that left almost nothing to the imagination. Even with it on, her curves would be completely visible. Papatayin n'ya ba 'ko ngayong gabi?

Magsasalita pa sana 'ko nang bigla siyang tumalikod. Bumalik siya sa banyo, mukhang doon magbibihis. Kinalma ko ang sarili ko, lalo na ang itlog kong agad nag-react no'ng makita ko ang lingerie. Hinintay ko na lang siyang makalabas.

Ilang sandali pa, bumukas uli ang pinto ng banyo, at p*tang ina. Para 'kong kakapusin ng hininga nang makita siya. May suot siyang lace rin na panty at bra sa loob, kulay maroon din, nakapatong doon ang lingerie dress niya. Kitang-kita pa rin ang kurba ng katawan niya dahil sa pagka-see-through no'n.

Ulalam!

Nang makita niyang nakaawang ang bibig ko at nakatulala akong nakatitig sa kaniya, ngumisi siya. Naglakad siya palapit sa 'kin. Noong nasa harap ko na siya, inabot niya ang baba ko at kusang inikom ang bibig ko.

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon