Chapter 60

69.7K 905 160
                                        

CHAPTER SIXTY

FLOWERS & SNACK

★HOPE RYKER LEE★

"Hope?" Habang nakatalukbong ako sa kumot, narinig ko ang boses ni Ate Emy nang bumukas ang pinto ng kwarto ko matapos niyang kumatok. "Nar'yan ang asawa mo sa baba. Kararating, hinahanap ka."

"Pakisabi ho wala akong pake," I mumbled sleepily. Mukhang nasa tapat din ng pinto ang dalawang kakambal ko dahil narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Faith bago tuluyang sumara ang pinto.

Alam ko kung bakit ngayon lang si Elisse pumunta rito. Nabanggit sa 'kin ni Mommyla ang tungkol sa pag-aasikaso niya sa kapatid niyang si Ella kaya kahit sa trabaho nagpahinga muna siya. It had been two weeks since I last saw her at Lee Entertainment, and, yeah, I'll admit it: I missed her like f*cking crazy.

Pero hindi ko pa rin maiwasang magtampo dahil sa loob ng dalawang linggo naming magkabukod hindi man lang niya 'ko kinumusta. Not a single text or call to ask, "Hey, how are you? Umutot ka na ba? Natae ka na ba ngayong araw?" I mean, come on! A guy needs to feel loved, even if it's through the most ridiculous questions. It's the little things that count, right?

Dahil masarap ang pagkakahiga at pagkakabalot ko sa kumot, nakaidlip uli ako kahit na alam kong nasa baba si Elisse. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaidlip, pero ang sunod na gumising sa 'kin ay ang dalawang beses na katok sa pinto at pagpasok ng dalawang kakambal ko. Their laughter echoing around me. But I kept my eyes shut.

"Hoy, Hopia. May manliligaw ka sa labas. Napakagilas!" natatawang sabi ni Faith. Nasa kama ko na sila ni Love, tinatampal ako sa pwet. But still, hindi pa rin ako kumilos. Kung si Elisse 'yon, dapat siya ang magkusang lumapit sa 'kin, lalo na kung siya ang may kailangan. Hindi p'wedeng siya lagi ang pagbibigyan ko. Dapat matuto rin siyang magpakumbaba at manuyo.

"Get up if you don't want your suitress to leave. Hurry!" Love slapped my leg this time and tried to yank the blanket off me.

Hindi ako bumangon, nagtulog-tulugan pa rin ako dahil gusto kong si Elisse ang kusang pumunta rito sa kwarto ko at manggising sa 'kin.

"May sunog! Sunog! Bangon, Hopia!" tarantang sigaw ni Faith. Pero wala pa rin effect 'yon sa 'kin, lalo at nagloloko lang siya. Pero kung totoo ngang may sunog, ano ngayon? Okay lang matusta ako rito, tutal wala namang pakialam sa 'kin si Eli-

"'Yong asawa mo nasa labas! Kapal ng makeup! Naka-cropped top! Litaw pusod!"

My eyes shot open in shock sa naging sigaw ni Love. It felt like an electric shock ran through my body. The last thing I knew, I was sprinting out of my room, grabbing my jacket from the coat rack para may ipangtakip sa katawan ni Elisse. Halos nagkandatali-talisod pa 'ko pababa sa hagdan at noong nasa ikalimang baitang na, 'tsaka pa 'ko natapilok at gumulong pababa.

"The f*ck are you doing?!" Love shouted, barely able to keep from laughing. Gano'n din si Faith dahil mabilis pala nila 'kong nasundan at nasaksihan ang katangahan ko.

Tumayo ako, pero yumuko ako sa tuhod ko para hilutin 'yon dahil tumama sa hagdan. Pero napaangat agad ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na footsteps ni Elisse.

F*ck.

Naisahan ako ng dalawa. Wala siyang makapal na makeup. Hindi rin siya nakasuot ng crop top dahil... sundress na tadtad ng bulaklak ang suot niya, hanggang kalahati ng hita. 'Yong style na alam niyang pupuso ang mga mata ko. And her hair was down, framing her face, the loose waves giving her a delicate, effortless look. Litaw na litaw pa ang makinis at maputi niyang balikat dahil off-shoulder ang dress niya, and her legs... damn, those legs. Smooth, bare, and so maddeningly perfect, they had me imagining things I shouldn't in the middle of the living room.

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon