CHAPTER SISTY-SIX
COOLING EFFECT
★HOPE RYKER LEE★
HINDI mawala-wala sa labi ko ang ngiti habang naghahanda ng almusal. Sinadya kong gumising nang maaga ngayon para si Elisse naman ang pagsilbihan. Alam ko rin kasi na hindi siya makakabangon nang maaga dahil lupaypay siya sa 'kin kagabi.
Hindi ko napigilan ang sarili ko matapos niyang mag-confess. Binuhos ko lahat ng lakas, kapangyarihan at pagmamahal ko sa mga sumunod naming rounds. Kada matatapos ang isang round, magpapahinga lang kami ng fifteen minutes bago ako umisa uli. Hanggang sa inabot kami ng alas dos nang madaling araw. li
Nagluto ako ng paborito niyang fried rice na maraming bawang at ang dried pusit na gustung-gusto niyang sinasawsaw sa suka na may timpla. Mayro'n din bacon at scrambled egg na may grated cheese dahil alam kong gusto niya rin 'yon. Habang nag-aayos sa mesa, napapakanta pa ako ng kanta ni Michael V na "Mas Mahal Na Kita Ngayon".
"Aba, ang Kuya Hope ko, mukhang good mood, a?" nakangising sabi ni Edward nang maabutan niya 'ko sa kusina. Dumeretso siya sa counter para magtimpla ng kape niya. Mukhang kagigising niya lang din, patunay ro'n ang gulo niyang buhok na mukhang pugad ng ibon. Pagharap niya sa 'kin, hawak na niya ang mug. "What's the occasion? And why are you the one cooking?" he asked, lifting his mug for a sip.
"Kailangan kong pagsilbihan ang mahal na dragona para hindi magbago ang isip." Bahagya akong natawa, pero bago pa siya makapagsalita, agad ko siyang inunahan. "Maupo ka. Kumain ka na muna at pagkatapos mo, dumihan mo ang buong bahay, lilinisin ko. Lahat ng kasangkapan dito sa kusina, kahit hindi nagamit, tambak mo sa lavabo, kukuskusin ko. Kapag tumae ka, sabihin mo sa 'kin, ako rin maghuhugas ng pwet mo."
Edward burst into laughter, nearly spilling his coffee. "You're insane! Daig mo pa sabog, a!"
Natawa rin ako. "Hindi ako sabog. Very inspired lang. Very motivated." I leaned in closer at bahagyang hininaan ang boses ko. "Nag-confess na kasi sa 'kin ang ate mo kagabi."
"Oh? 'Di nga?" Napansin kong bakas din sa mukha niya ang saya. Tulad ko, malapad din ang pagngisi niya. "Napaamo mo na ang dragon? E 'di kinilig itlog mo?"
"Aba, oo. Muntik na 'kong mangisay kagabi, buddy!"
"Congrats, then! Guess that means you two won't be separating anymore?" he replied, a bit of excitement in his tone.
Umiling ako. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko, lalo nang maalala ko ang sinabi ni Elisse kagabi kung nasaan ang divorce paper namin. Noong gabi na binigay ko 'yon sa kaniya, paglabas niya raw sa restaurant, nilukot niya 'yon agad at shinoot sa basurahan.
"Wala nang hiwalayan 'to, buddy. Habangbuhay na kaming mag-u-ungguyan ng ate mo." Sabay halakhak ko.
Dahil hindi pa gising si Elisse, si Edward muna ang naunang kumain. Hindi ko siya sinabayan dahil gusto kong hintayin ang asawa ko, para kami ang sabay mamaya. But I stayed in the kitchen with Edward, keeping him company. Nakaupo ako sa tapat niya. At dahil nga nag-uumapaw ang saya sa puso ko, hindi ko naiwasang i-share sa kaniya ang binabalak ko.
"I'm planning to re-marry your sister. You know, make it official all over again."
Edward chuckled, clearly pleased. "Masaya 'ko para sa inyo, Kuya Hope. Para naman hindi na rin ako maghanap ng ibang matitirhan. Habang nakatali sa 'yo si Ate Elisse, dito rin ako." Muli niyang dinala sa bibig ang kutsara, at kahit may laman ang bibig, nagpatuloy siya. "Mas gusto ko talaga rito kaysa sa bahay namin, to be honest."
"Bakit? Okay rin naman sa inyo, a?"
Umiling siya agad. "Iba rito," sabi niya, lumambot nang kaunti ang tono niya, nawala na ang pagbibiro. "Parang natural lang dito. Noon, alam mo ba, 'di naman kami close ng mga kapatid ko kay Dad. Para kaming may sari-sariling mundo. Pero simula no'ng napunta kami rito, naging okay kami ni Ate Elisse at Ate Ella. Si Kuya Ezekiel naman, kahit papa'no minomonitor na rin ako kahit busy siya sa trabaho. Nag-cha-chat siya at tumatawag minsan para alamin ang lagay namin dito ni Ate Elisse. Parang... ewan... 'di ko ma-explain, pero parang ikaw dahilan kaya kami nagkalapit-lapit magkakapatid kahit na iba-iba kami ng ina. Plus, every time your family comes over, it's like... I don't feel out of place. And the way they treat me? I feel like I'm part of the Lee family, too."
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
