♥♥
Candice's POV"Uy vincent! Infaireness ang cute mo kapag naka-apron." sabay dunggol sa tagiliran niya. Thankful ako kasi pagkatapos ng confession niya. back to normal kami wala ring mga awkward moments saming dalawa. I hate to see vincent cry and be hurt. Pero kasi iba yung kay cedrick I made a promise well hindi naman actually promise kasi parang kasunduan yun. Na siya lang naman yung magbebenefit. Kumbaga sa trabaho eh walang philhealth, SSS at kung anong ekek ang alam nyo.
"Pero ikaw hindi ka cute kapag naka-apron. Ano nalang ang sasabihin ng magiging asawa mo niyan? Ang taba taba mo at para kang manikang binalutan ng tela." yan lang yung panira sa lahat. Niyurakan ang pagkatao ko. -_-
"Thank you vincent sa napakaganda, inspiring at nakakatouch na compliment mo saakin.Ipagpatuloy mo yan para mapa-aga ang pagpanaw mo." sarkastiko kong sabi. Piste sya ha. Kala mo naman sobrang gwapo. eh gwapo naman talaga!
Ipinagpatuloy nalang namin yung pagchichit-chat namin habang nagluluto ng breakfast. Puro fried lang naman ang lulutuin kaya madali lang.
"nasan yung bread? saka lettuce vincent?" tanong ko nung makitang kulang yung panggawa ng sandwich.
"tingnan mo sa fridge" sagot naman niya habang nagagayat ng gulay. Ang arte eh diet daw siya at baka madeform ang abs niya kaya nag peprepare siya ng vegetable salad. Isa sa mga pagkaing ayaw ko. Puro damo este gulay pala -__-
Pumunta ako sa fridge para sana kuhanin yung tinapay at lettuce kaso biglang may bastos na inunahan ako at kinuha yung sinabi ko tapos nagsuot siya ng apron at ayun pumunta malapit sa stove na pinaglulutuan naman ni vincent ng bacon. then nagpalipat lipat yung tingin niya sa mga ingredients na nakaprepare duon.
Seriously? Anong problema niya?
"Kuya? magluluto ka?" nakakunot ang noo niyang tumingin kay vincent. SUSKO PO! hanggang kelan sila ganyan?
"No, maybe i came here to wash my car vincent or maybe I am in front of this stove to take a bath. What do you think?" wow! sarcastic nahawa na siya kay vincent -____- nga naman kasi haha! May point naman nga kasi siya.
"Seriously kuya, The last time you cook muntik mo nang masunog ang buong bahay natin" tatawa tawang sabi ni vincent. -_- isa pa kasi to eh kaya nasasapak walang preno ang bunganga kung laitin ang kapatid.
pero lumambot din naman yung expression niya then tumingin siya sakin.medyo nagulat pa nga ako eh. HAHA! Ang ganda ko kasi XD
"Sweetheart! tuturuan mo naman ako diba?" sabi niya with smiling face and kislap ng mata.
"Sweet---- WHAT?! argh! ang cheesy kuya ha? Kelan ka pa naging cheesy? Kadire" hindi padin ako mapaalis sa pag kakatulala ko kasi shet! Anong tawag niya sakin? CORNY man para sa iba sakin it sounds like heaven! OMAYGULAY! baka naman swerte yung vegetable salad ni vincent OMG kakainin ko yun mamaya kahit puro dahon siya.SWEAR!
BINABASA MO ANG
My PRINCE is My BOSS ?! (COMPLETED)
RomanceYou can never know who's your better half is. Maybe some stranger in the street or maybe someone from your dreams. But what if that someone turns to be your boss? Yes, your boss.