♥MPMB (20): Pretend to be my girlfriend..

9.3K 134 4
                                    

Kissing scene sa gilid ^^Yohohoh.

♥♥

 

Candice's POV

 

"We need to talk" Ba! ang kapal kapal ng mukha niya! Ilang foundation ba ang ginamit niya?! Peste!

"We need to talk mo mukha mo! Lumayas ka nga sa bahay ko! Pagka---" naputol ang sasabihin ko nung pigilan ako ni mama. DUH! pwedeng pwede ko naman siyang pagsalitaan ng ganito dahil in the first place HINDI KO NA SIYA BOSS!

"Candice ganyan mo ba kausapin ang boyfriend mo?! baka magsawa sayo yan! *lipat ng tingin kay cedrick*  hijo pasensya ka na sa anak ko ha.Naku ganyan lang talaga yan kapag mainit ang ulo" sabay ngiti ng malapad. Pesteng buhay! Sabi ng hindi ko boyfriend yan eh! Ayoko ng masungit at bipolar na boyfriend! At saka DUH! Ako ang biktima dito pero bakit iba ang nakikita ko?!

Peste! pagpasok ko kasi sa bahay ayun nadatnan ko si cedrick na kausap ang mama ko.Malay ko ba kung anong pambobola ang ginawa nito kay mama.

"AIST! Hindi ko nga yan boyfriend ma! *lipat ng tingin kay cedrick* At ikaw? anung pinag---"

"CANDICE!!!" pota! ayan! ayan yun eh! sumigaw si mama sakin at ano pa nga bang magagawa ko? Tsk! buhay nga naman parang life!

"Oo na mama. Sige na po mag-uusap lang kami"  suko na ko.Hindi ko keri ang mader ko.kahit naman maganda yan aba! nanay ko yan.shete naman. Kapag yan na ang sumigaw wala na akong palag.

"sige,iiwan ko muna kayo jan"

>.>

Hinintay ko munang maka-alis si mama at siguraduhing di niya maririnig ang pagsigaw ko.Saka ako humarap kay cedrick.

"HOY!ANONG PINAGSASASABI MONG BOYFRIEND KITA!! MAY PAGKA---" 

"Sige candice, gusto mong isumbong kita kay tita?"

O.O

Ano daw? TITA?! TINAWAG NIYANG TITA ANG MAMA KO?! ABA'Y MAKAPAL ANG MUKHA!

"ASSUMING KANG MASYADO! ANONG TITA?! FOR YOUR INFORMATION! WALA KANG KARAPATANG TAWAGING TITA ANG MAMA KO! KAYA MABU---HMMMMM"

O__O

Halos hindi ako makagalaw sa sumunod niyang ginawa.Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang itulak pero ayaw sumang-ayon ng peste kong katawan sa halip ayaw nitong matapos yung nangyayari. OMAYGAD! AIR please! AIR please!

My PRINCE is My BOSS ?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon