♥♥
Candice's POV
"HAPPY BIRTHDAY KUUUUUUUUUUUUUUYA! waaaaaah! matanda ka na! matanda na si kuya wane! Babaero padin! Ang tanda tanda mo na! magbago ka na!" sabay sipa sakanya na dahilan para mahulog siya sa kama.
"A-aray! candy ano ba?! Big deal ang birthday ko? tumigil ka nga dyan! para ka namang si mama eh!" sigaw niya saakin at bumalik sa pagkakahiga niya.
"ayaw mo bang buksan ang gift ko sayo? sige ikaw din...."
*silence*
Bigla naman siyang natauhan at biglang bumangon saka hinablot yung paperbag na hawak ko.
"teka? ito yung ...."
"oo alam ko kuya.Alam mo bang pinag-ipunan ko yan? Nakita kasi kitang tinitingnan yan sa isang store kaya ayan.."
"Ang sweet talaga ng kapatid ko!" sabay yakap saakin.
Aba letche talaga itong si kuya pero hayaan na birthday naman niya eh ^O^ Niregaluhan ko nga pala siya ng relo! At nagsinungaling ako sa part na pinagipunan ko yon! Dahil INUTANG ko ang perang pambili don!
**
"Oy yuni ano na? game na? nasaan ka na ba?"
"wait lang candice.Give me 5 minutes on the way na ko"
"Osig---aray!" napahawak ako sa ulo ko na bigla nalamang sumakit. Grabe tatrangkasuhin pa yata ako.Buhay nga naman! Wag sana.
"what happened?!"
"wag kang O.A kinagat lang ako ng lamok.Bilisan mo na" sabay patay ng cellphone.
I shook my head para mawala yung sakit pero lalo lang sumakit -____-
Pumunta nalang ako sa kwarto ni kuya para sabihing may lakad sila kami.
Pagpasok ko naabutan ko siyang nagkukutingting sa desktop niya at parang may form na fini-fill upan.huh? ano yun? sasali ba siya sa contest? raffle?
itinutok ko yung mata ko sa screen.Di naman niya ako napansin kasi mukhang busyng busy siya sa pagsasagot sa mga blangkong nakalagay dun sa form.
"teka? ano nga bang physical attributes ko?" tanong niya sa sarili still hindi padin ako napapansin sa may likuran niya.
"Gwapo,Matalino,Hot" sagot ko.
"Ah oo nga! ang galing mo talaga can---- CANDY?!" sabay tayo at hinarangan yung monitor nya.
BINABASA MO ANG
My PRINCE is My BOSS ?! (COMPLETED)
RomanceYou can never know who's your better half is. Maybe some stranger in the street or maybe someone from your dreams. But what if that someone turns to be your boss? Yes, your boss.