Nagulat ako nang biglang sumulpot sa aking likod si Diorr habang pinapatuyo ko ang aking buhok. Matamis siyang ngumiti sa akin, lumapit siya at hinalikan niya ang aking ulo. Dahil magaling din naman ako mula sa pagkakalagnat ko no'ng isang araw, nag-decide ako na maligo na basa ang aking buhok. Nasa kwarto lang ako all day, watching some movies reading books habang kasama ko silang dalawa. Ni ayaw nga nila akong pakilusin dahil nananakit din kasi ang aking katawan.
Pero ngayon, okay na ang pakiramdam ko, wala ng pain at tightness sa muscles ko. Hindi na rin namamaga at mahapdi ang aking down there na fully recovered na rin. Sa tingin ko nga handa na naman siya sa action, pero huwag muna ngayon at baka mabigla na naman ang aking katawan. I need to condition myself, since na-take na ako ni Yves, sana naman wala ng sakit.
Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang aking balikat. Kinuha niya sa akin ang blower at siya na mismo ang nagpatuyo ng aking buhok. It was just a sweet gesture at nanatili ang ngiti sa aking labi sa kanyang ginagawa. Siya na rin mismo ang nagsuklay nito at nang matapos siya, nagpasalamat ako sa kanya. Kumuha ako ng aking mga damit sa closet, it's Monday and I have an economic class kung saan nagtuturo si Yves. Hindi na ako nahiya na magbihis sa harap ni Diorr na wala yatang balak umalis sa aking kwarto.
"You should transfer your things in our room." bigla niyang sabi at natigilan naman ako. Lumingon ako sa kanya at matamis siyang nakangiti sa akin. "Pare hindi ka balik ng balik dito sa karto mo. We have a lot of space left in our walk-in closet, tsaka ayoko ng mahiwalay sa'yo." naptaili ako nang bigla niya akong binuhat.
"Okay lang naman sa akin, pero gusto ko rin naman na magkaroon ng space. Paano pag magkatampuhan tayo, at least may place ako para makapag-isip. Tsaka kasama niyo na rin naman ako sa bahay at pagtulog."
"You have a point." binaba niya ako at hinalikan niya ang aking noo. "Get dressed properly, I don't want any skin showing."
"Huh? Anong gusto mo? Mag-coat ako? Diorr, hindi naman revealing ang mga sinusuot ko. Don't worry, walang lalake na makakapansin sa akin and also sa inyo lang naman ako nakatingin pag nasa campus tayo. Isa pa, you're more attractive than your players." napatawa siya at hinila niya ako palapit sa kanya at agad niya akong hinalikan sa labi, isang mainit na halik, ver possessing and full of desire.
"Bilisan mo na dyan, iiwan na kita at baka kung ano pang magawa ko sa'yo. Wait, you are fully healed right?" tanong niya at tumango naman ako. "Great! Humanda ka sa'kin mamayang gabi." malalim ang boses niyang sabi sabay palo niya sa pisngi ng aking pwet. Lumabas siyang tumatawa at uminit naman ang buo kong mukha. Tinuloy ko na ang pagbibihis ko. Kinuha ko ang aking bag kung saan nilagay ko ang aking mga gamit at bumaba na. Nadatnan ko sila sa kusina na kumakain na kaya tumabi na ako kay Yves na naglagay ng pagkain sa aking plate.
"I have a meeting with the faculty today kaya baka matagalan ako. You can go home first or pwede mo naman kaming hintayin. Diorr has a practice as well." sabi sa akin ni Yves.
"Gano'n ba, gusto ko sanang hintayin na lang kayo, pero hindi ko alam kung saan ako tatambay. I can go home first na lang, I need to review pa kasi at may exam kami sa susunod na araw sa major class ko."
"Perfect timing, you can use my own study carrel sa library. Doon mo na lang ako hintayin." may kinuha siya sa kanyang bulsa na isang susi at binigay niya ito sa akin. Nagulat naman ako.
"Yves, hindi ba't para sa mga faculty lang 'yon at seniors?" ngumisi siya. Kinuha niya ang aking kamay at nilagay ang susi sa aking palad.
"It's okay, baby, nirerentahan ko naman 'yon so I can do anything I want with it. You can do your studying there and wait for us, para sabay-sabay na rin tayong umuwi." tinanggap ko ang susi at nilagay ko ito sa compartment sa aking bag.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
Storie d'amoreSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
