Yves POV
Hindi maganda ang aking mood ng araw na 'yon dahil sa mga sinabi sa akin ni Diorr kagabi at kaninang umaga. Ang tagal ng nag-aaral rito si Jaeda at no guy even notice her kaya naging kampante ako. I was waiting for someone to show interest, so I can ruin that, pero wala naman. Dahil na rin siguro sa pinaalam ko sa lahat na guardian niya ako, na ako ang nag-aalaga sa kanya and she lives with me. That's why walang naglakas ng loob na lapitin siya or even befriend her because of me. Okay naman ito sa dalaga pero nakikita ko ang frustration niya na magkaroon ng isang relationship. Nakikita ko kasi noon ang inggit sa kanyang mga mata sa tuwing nakatingin siya sa amin ni Diorr. But I can also see the desire that she wants to be with us. Ngayon na official na kaming tatlo, may susulpot naman na isang bata that wants her.
Nang sinabi sa akin ni Diorr ang narinig niyang sinabi ng Louis na 'yon, pinigilan ko ang galit ko. But I feel like punching the kid and say to him hard that Jaeda is off limits. Mukhang walang takot sa akin ang batang 'yon, dahil ba naging easy ako sa kanya as his research adviser. I grit my teeth at bagsak kong sinara ang aking laptopna kaharap ko ngayon. I'm in my own office at hindi ako makapag-focus. Baka ngayon kinukulit siya ni Louis and saying sweet words to her. Aaminin ko that he is charming, pero sana walang epekto ito kay Jaeda. I trust her though, at mabuti sinabi niya sa amin ang pag-uusap ng mga ito kahapon.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok roon, bumukas ito at napabuntong hininga ako nang pumasok si Professor Quielle na may seductive na ngiti sa kanyang labi. She is one of my friends in the uni and we know each other way back in senior high school. She's wearing her signature fitted pencil skirt at button down blouse na nakabukas ang ilang butones nito kaya nakikita ng konti ang kanyang cleavage. She has a simple makeup on, but her lips were cherry red just the way she likes it. To add to her seductive look, she has a black rimmed glasses on her eyes. Hindi ko alam kung bakit ganito siya magdala pero dahil na rin siguro sa kanyang main course na tinuturo, which is Human Sexuality.
"Hello, Professor Yves, mukhang bad mood ka ngayon." sabi nito na may kakaibang lamyos sa kanyang boses. "Right timing then because I like it when you are in a bad mood..." napamasahe naman ako sa aking noo at matalim ko siyang tinignan.
"What do you want, Professor Quielle? I don't have time for your teasing." inis kong sabi sa kanya at bahagya naman itong tumawa.
"I need you to sign something, you know from the faculty meeting." uampit siya at binigay sa akin ang folder na tinanggap ko naman at nagpasalamat. "So, how are your guardian duties? Masaya ba?" tanong niya at napakunot noo naman ako.
"Why are you asking? You never had an interest." nagtataka kong sabi sa kanya.
"Well, you see my sister-in-law begs me to take care of her children since they will be studying too in the next school year. Ayaw niya na tumira ang mga ito sa dorm kaya nakiusap siya sa akin na patirahin muna sila sa bahay ko. Although I don't want it, alam mo naman na mahalaga sa akin ang personal space."
"Marami sila?" bumuntong hininga ito at tumango.
"Yeah, triplets, three young guys in my place. Sana nga lang at hindi sila sakit sa ulo. Kaya nga tinatanong kita. Jaeda seems like a sweet girl."
"Just establish some rules, at kung hindi sila sumunod, punish them." ngumisi ito at alam ko na ang iba ang iniisip niya.
"Pero ibang punishment ang alam ko..." she said in a sweet voice lace with lust at napa-roll eyes lang naman ako. "Fine, I will handle it myself, since sila naman ang titira sa place ko. Sign the documents at ibalik mo sa akin, okay?" tumango lang ako. "Bye, Professor..." ;lumakad na ito sa pinto, binuksan niya ito at lumingon siya sa akin. "Mukhang nakuha na ni Jaeda ang pansin ni Mr. Overachiever, just so you know." natigilan ako. Kinindatan niya ako at tuluyan na itong lumabas. Napakuyom ang aking kamay at binagsak ko ito sa aking desk. Kinuha ko ang aking phone at minessage ko si Jaeda na pumunta sa aking office. Wala na rin naman akong klase.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomansSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
