Forty Six

4.1K 11 2
                                        

"Yes, pauwi na kami ngayon... The doctor said she has a mild knee contusion." narinig ko na sabi ni Yves habang pauwi na talaga kami sa bahay. Kagagaling lang namin sa ospital, pina-xray pa talaga ako at baka may fracture or break daw sa bone at nagpapasalamat ako dahil wala naman. So, my knee is swelling, a blue-purple bruise, and of course pain. Binigyan ako ng gamot at ice compress and rest ang aking kailangan. Hindi naman siya malala pero mahihirapan ako na maglakad sa school ngayon. Yves was really worried at ayaw niya akong kausapin ngayon dahil hindi ko sinabi agad sa kanya ang nangyari. That's because hindi naman simpleng fall ang nangyari sa akin. May nagsadya na pumatid sa akin para lang ipahiya ako dahil matindi ang crush niya kay Louis.

If these two found out what really happened, ano na lang ang gagawin nila? Isa pa may kasalanan din ako because I retaliated, muntik ko na ring makalbo ang babaeng 'yon. Nakayuko lang ako sa backseat at hindi ako nagsasalita at baka mas lalo pa siyang magalit sa akin. Naririnig ko ang boses niya na may galit pa rin kaya tahimik na lang ako. Hindi ko ba maintindihan kung bakit parang ayaw niya na tinulungan ako ni Louis. Siya ang nandoon, eh, tatanggihan ko pa ba?

"She's okay, she just needs rest, a cold compress and she needs to take her meds. Hindi ko alam kung makakapasok pa siya bukas. Alam mo, pag-usapan na lang natin ito sa bahay. Yeah, love... Bye..." at natapos na ang kanilang pag-uusap.

"Papasok ako bukas..." sabi ko kay Yves pero matalim lang siya akong tinignan at hindi siya nagsalita sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Nang makarating kami sa bahay. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya akong lumabas at nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at dinala sa loob. Agad niya akong dinala sa kwarto namin, pinaupo siya ako sa kama na nakasandig ang aking likod sa headboard. Kinuha niya ang ibang unan at in-elevate niya ang injured kong binti. Lumabas siya, at maya-maya bumalik rin na may hawak na cold compress. Binigay niya ito sa akin na kinuha ko naman. Dinampi ko ito sa aking tuhod at lumabas ulit siya. Bumalik siya ulit para ibigay ang aking bag at iba pang gamit ko.

"Stay here, huwag kang gagalaw. Magluluto lang ako ng pagkain natin para makainom ka ng gamot mo." sabi niya at hindi na niya akong hinintay na sumagot at pumunta siya sa banyo. Lumabas siya na nakaligo na, nagbihis siya ng pambahay at lumabas ulit ng kwarto. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. Nilabas ko ang aking phone mula sa aking bag nang mag-vibrate ito. Sinagot ko ito nang makita ang pangalan ng aking kaibigan sa screen.

"Hey..." mahina na sabi ko sa kanya.

"Oh? Bakit ganyan ang boses mo? Kumusta ka na?" alala niyang tanong sa akin. Huminga naman ako ng malalim at diniin ko ang compress sa aking tuhod.

"Heto, ayaw akong kausapin ni Yves. Pumunta kami ng ospital bago kami umuwi and I have a knee contusion. Akala ko pasa lang 'yon at gagaling din kaagad pero namaga na lang bigla."

"Kinuha ka ba ni Professor? Sinabi mo ba ang totoong nangyari sa'yo?" tumingin ako sa pinto at sinigurado na wala siya doon.

"Hindi naman pwede na sabihin ko ang totoo. Ano na lang ang gagawin nila? Tapos sisisihin na naman nila si Louis. Eh, siya nga ang tumulong sa akin, di'ba? Kung hindi niya dinelete yo'ng video, baka ako na ngayon ang usapan sa campus at napatawag pa ako."

"Bakit malungkot ka yata? May nangyari ba sa inyo ni Yves?"

"Well, nagalit siya sa akin dahil hindi ko sinabi agad sa kanya ang nangyari. Tapos tinulungan pa ako ni Louis na pumunta sa parking kung saan siya naghihintay. Masama ba ang ginawa ko? Ayoko lang naman na abalahin sila kasi alam ko na busy silang dalawa."

"Nag-aalala lang sa'yo 'yon. Paano pag may nangyari pang mas malala sa'yo tapos hindi niya agad nalaman? Put yourself in his shoes, magtatampo talaga siya sa'yo. Lalo na at kasama mo pa ang guy na alam nilang may gusto sa'yo. Of course mafi-feel niya na wala siyang nagawa para sa'yo dahil nasaktan ka."

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon