Forty Seven

7.3K 20 1
                                        

Ilang araw din akong nahirapan na maglakad dahil sa natamo kong injury nang may nakaaway akong babae sa isang class namin. I am very thankful dahil walang kumalat na video na nangyari sa class nong isang araw. Hindi ako pumasok kinabukasan at si Yves mismo ang nag-excuse sa akin dahil sa injury ko. Pero pumasok na rin ako ng sumunod na araw dahil hindi na ito namamaga, mild na lang ang pain at nakakalakad naman ako, may strain nga lang. Hindi na ako nagtaka nang pinagtitinginan ako ng mga tao sa campus. I thought dahil sa paglalakad ko nang paika-ika pero hindi naman pala.

Kumakalat na naman kasi sa social media ang picture namin ni Louis na magkausap kami sa bench at ang pagpasan niya sa akin sa likod niya. The comments, hindi ko siya malunok dahil sa masasamang salita na pinagsasasabi nila tungkol sa akin. But there are some supportive naman. Hindi ko ba alam kung bakit ang big deal ng ginawa niya para sa akin. He's a nice guy kaya tinulungan niya ako. Tapos itong mga fans niya, maka-react wagas!

Kaya nga naging cautious ako nitong mga nakaraang araw at baka may sumugod na naman sa akin na babae na baliw na baliw sa kanya. So far, wala naman dahil hindi ko talaga mapipigilan ang sarili ko na lumaban din sa kanila. Habang lumilipas ang araw, lumalaki na ang takot ko at hindi ko na maalis sa aking isipan ang usapan namin ni Louis. The semestral break is getting near at sa totoo lang hinihiling ko na wala ng break pa.

Pero imposible naman 'yon at imposible rin na i-undo ang pagkakita niya sa amin sa resort. Maybe this was meant to be, para itigil ang kabaliwan na ito. Imagine, my father's friend and his boyfriend and I am sleeping with them both. Hindi man maganda na pakinggan, but for me they are best thing that happened to me. Pero kailangan ko na itong pakawalan pa at dapat ay isipin na lang ang kanya-kanya namin na future.

Pumunta ako sa cafeteria kung saan nagkita kami ng aking kaibigan. She's been eating a lot lately at hindi na ako magtataka dahil nga buntis siya. Hindi pa naman halata ang kanyang tiyan pero halata na nagbabago na ang figure ng kanyang katawan. Umupo ako sa kaharap niyang upuan at binati ko siya. Ngumiti naman siya sa akin at malaking sumubo ng pagkain.

"I am so glad you could join me..." tuwa niyang sabi sa akin. "So, kumusta ka naman? Wala bang baliw na nanugod ulit sa'yo?"

"Wala naman na. Pero nakakainis lang kasi at talk of the campus na naman kami. Parang pinapalabas na may something kami kung wala naman. Mabuti na lang 'yon lang ang nakuha nilang pictures at wala sa cafe. Nag-usap din kasi kami doon."

"Really? Ay naku, mukha naman kasi kayong mag-jowa sa pictures niyo noh! Pinasan ka ba naman sa likod, ang sweet kaya." sinimangitan ko naman siya at matamis siyang ngumiti sa akin. "Ingat ka na lang besh. Hindi na kita maipagtatanggol pa sa next semester. Kung ako sa'yo maging friends na lang kayo ni Louis. At least may support ka pa rin."

"Paano naman kami magiging friends kung lagi siyang pinagseselosan ng dalawa." mahina kong sabi sa kanya habang umiinom siya ng fruit juice. "I mean he's a nice guy, it's just that magugulo ang college life ko pag naging malapit kami sa isa't-isa. He's popular and many women want him. Yong nangyari pa nga lang a few days ago baka masama na ang kinalabasan pag nagsumbong talaga siya sa officials."

"True... Mga naiinggit lang kasi sa'yo ang mga 'yon."

"Malay ko ba doon. Hindi ko ba alam kung anong maa-achieve niya sa ginawa niya. Ano 'yon? For clout?" inis kong sabi. "I just want a peaceful life while nandito ako. Sanay naman akong maging invisible, eh, at magagawa ko ulit 'yon kahit hindi na kita kasama. I won't be lonely r something pero mami-miss ko ang kulitan at kwentuhan natin. Kainis ka naman kasi! Hindi mo ko hinintay, nagpabuntis ka kaagad sa mag daddies mo." tumawa naman siya at binato niya ako ng carrot stick.

Tumayo naman ako at sinabi na kukuha lang ako ng aking lunch. Kumuha ako ng tray at luminya na ako. Hindi ko pinansin ang mga tao na naroon pero feel ko na pinag-uusapan nila ako. Nang makakuha na ako ng pagkain, pabalik na sana ako sa table namin nang bigla na lang may kamay na pumalo sa tray ko. I was stunned dahil tumapon ang food sa damit ko, at pati na rin sa aking leeg. Nagtawanan ang grupo na malapit lang sa akin, at ang gumawa nito ay ang senior na babaeng nagtulak kay Havana.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon