Maagang natapos ang practice ng football team ngayon kaya sabay-sabay kaming umuwi. Hindi dinala ni Diorr ang kanyang motor dahil alam niya na mangyayari ito. Nasa harapan silang dalawa at nag-uusap habang nasa likod naman ako at ka-message ko ang aking kaibigan. Pinag-uusapan kasi namin ang mga nangyari sa cafeteria. Alam na rin naman nila Yves at Diorr na nangyari dahil na rin sa post na kumalat na naman sa social media. Hindi mo na alam kung ano ng nangyari kay Louis after niyang umalis na lang nang makita niya ang post. Gaya nga ng sabi ko wala akong pakialam. Tinanong ko siya kay Diorr at sabi niya nandon naman ito sa practice at mas intense daw ang lakas na pinapakita niya. I don’t know what that means, but I think it is a good thing. Suot ko pa rin ang jersey na pinahiram niya sa akin kaya lalabhan ko na lang at ibabalik ko sa kanya.
Tumingin ako sa aking mga daddies na mukhang may importanteng pinag-uusapan. Gusto ko sana ng kanilang lambing dahil konting araw na lang ang natitira na kasama ko silang dalawa. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano tatapusin ang lahat ng sa amin. Aish! Ano ka ba naman, Jaeda! Sana ng simula pa lang hindi na ako pumayag, eh. I should have just stayed in my room that night at hinayaan na lang sila. Sana hindi na lang ako nagpakita ng interes sa kanila. Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko at nakutento na lang sa pag-focus ko sa aking studies. Sana hinintay ko na lang kung sino man ang lalakeng ka-edad ko at pareho kaming student na naging boyfriend ko sana. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
Tumingin ako kay Yves na masayang nakikipag-usap sa kanyang boyfriend, and their like in their own bubble. They look so happy together at bagay na bagay talaga sila. In the first place, hindi na nila ako kailangan pa, I mean they fit each other at pag dinagdag pa ko, it's gonna ruin everything. Hinayaan ko na lang sana kayong dalawa. Siguro hindi pa gugulo ng relasyon niyo kung wala ako. Sana maintindihan niyo ang gagawin ko, mga daddies ko. Para rin naman sa atin tatlong ito. Ayokong masira ang buhay niyo dahil sa akin.
“Jaeda… Are you crying?” narinig kong sabi ni Yves at nakatingin siya sa akin sa rearview mirror. Mabagal ang usad ng sasakyan dahil traffic na rin. Natigilan naman ako at pinahiran ko ang tumulo kong luha. “Iniisip mo ba ang meme na pinost nila?”
“Ha? Hindi, hindi Yves, walang kaso ‘yon,” mabilis ko namang sagot sa kanya.dahil sa iniisip ko, hindi ko napansin na may luha na palang tumulo sa aking pisngi. Bigla namang pumunta sa backseat si Diorr, tumabi siya sa akin at mahigpit niya akong niyakap.
“It’s okay, baby… Walang panama sa’yo ang mga taong bumubully sa’yo. You’re a strong girl, alam kong hindi ka magpapatalo sa kanila. Hindi ka man lumaban physically, mas lamang ka naman sa kanila in every aspect.” sabi niya sa akin at hinalikan niya ang ulo ko. Yumakap na rin ako sa kanya at sinamyo ang kanyang manly scent na naghatid ng comfort sa akin. Mami-miss ko ang amoy na ito, mami-miss ko silang dalawa.
“Huwag ka ng mag-alala… Pina-take down na rin naman ang post kaya lang marami na rin ang nag-share. Huwag mo na lang pansinin, Jaeda. Besides, I took care of it, isang mabigat na sanction ang ipapataw sa kanila. At pinakawalan ko na rin si Regina, hindi na ako ang kanyang research adviser, maghanap siya ng iba.” napatawa naman ako at nagpasalamat ako sa kanila.
“Hindi naman ako umiiyak dahil doon, mga daddies ko. Hindi nila ako mapapahiya ng gano’n lang. Hindi ko ba alam kung anong purpose nila at ginawa nila sa akin ‘yon. Bawal na ba na maging friends kami ni Louis? Hay… Wala na talagang magawa sila sa buhay nila. Pero yo’ng Regina na ‘yon, problema ba pag hindi siya agad nakahanap ng research adviser niya?”
“Yes, baka hindi siya grumaduate niyan dahil hindi pa naman tapos ang kanyang paper. I told the faculty na hindi ko siya kayang makatrabaho sa kanyang research dahil guardian mo ako at binully ka niya. That means parang binully niya na rin ako sa ginawa niya sa’yo.”
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomanceSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
