Fifty Eight

2.4K 8 0
                                        

Bumalik ako sa party na malawak ang ngiti sa aking labi. Nakita ko si Louis na nakikipag-usap sa aking mga magulang at medyo kinabahan ako sa sinasabi niya sa kanila. Mabilis akong lumapit at ngumiti sa akin ang binata. Masaya naman ang aking mga magulang at sinabi ng mga ito ang mga compliment sa akin ni Louis, and he made it clear that we are just friends at walang anuman na namamagitan sa amin. Pero kahit gano'n, alam kong umaasa pa rin sila na kami ang magkatuluyan. 

Si Louis kasi ang type of guy na magugustuhan talaga ng magulang ko. Matalino, athlete and he is very charming kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang parents ko. Niyaya niya akong sumayaw at pumayag naman ako. Pumunta kami sa dance floor, nilagay niya ang isa niyang kamay sa aking bewang habang magkahawak kami at nasa balikat niya ang isa kong kamay.

"You don't have to do that..." sambit ko sa kanya habang nagsasayaw na kami sa band na tumutugtog ng classical music. Napakunot noo naman siya.

"Do what?" tanong niya at ngumiti naman ako.

"Ang kausapin ang parents ko at i-clear ang lahat sa kanila. Baka isipin kasi nila na pinilit kita na sabihin 'yon." bahagya naman siyang tumawa.

"Hindi naman siguro, sincere rin naman ako na nagsabi sa kanila. Gaya nga ng sabi mo, ayaw mo ng isipin pa nila na may chance tayong dalawa. Actually, I will be honest with you..." mahina niyang sabi at tumango naman ako. "Rolex and I, we had a little misunderstanding. Masakit ng loob ko sa kanya for the past few days and nagdalawang isip ako sa relasyon namin. So I figured, maybe it was not meant to be. Me and him together, that's why I want to pursue one with you. Na siguro naguguluhan lang ako at sa babae ako magiging masaya."

"Louis... You can't be in denial with your feelings. Kung anuman ang dahilan kung bakit masakit ang loob mo sa kanya, dapat kausapin mo siya. You should also sort put your feelings at huwag kang mandamay ng iba. So, mas matimbang ba ang feelings mo sa akin kaysa kay Rolex? Mas magiging masaya ka ba sa akin kaysa sa kanya?" umiling siya at lumambot ang kanyang mukha.

"I had fun being with you, talking with you, teasing you, sa mga pinuntahan nating events. Doon ko nakita kung gaano ka kabuting tao. Tsaka tama ka sa sinabi mo noong nasa shelter tayo, I like you, but as a friend or maybe a little sister. I amt to have one pero hindi na humabol ang mga magulang ko. Ang boring kasi ng kuya ko, mabuti na lang at may asawa na siya at anak. Siya rin ang inaasahan ni papa ngayon kaya hindi ako pressured sa kanila."

"Gusto rin talaga kitang friend, Louis, kaya lang sobrang sikat mo kasi sa campus kaya lagi tayong nai-issue. Magkasama lang tayo, nag-uusap lang tayo may kakalat agad na picture natin. I really don't want to stand out, ang gusto ko lang ay peaceful ang college ko."

"I'm sorry about that... Hindi ko na lang kasi pinapansin ang mga 'yon. Pero kinuap ko na rin naman na tigilan na nila tayo. I even talk to Regina and the other girls na nanggugulo sa'yo. Pero hindi ko alam kung saan aabot ang powers ko."

"I know, at dahil napapansin rin naman ako, I don't mind to hang out with you in school. Wala na rin naman akong makakasama kasi hindi na papasok yo'ng kaibigan ko next sem."

"That's good then, huwag kang mag-alala at ako na ang bahala kung sino man ang bumu-bully sa'yo. I am sure na wala na din naman dahil sa ginawa ni Professor Yves. He was cruel with it sa ginawa niya kay Regina." napangiti naman ako. Big deal din naman talaga na mawalan ka ng research adviser sa kalagitnaan ng school year. Pinaliwanag sa akin ni Yves na kapag hindi ito nakahanap ng ibang adviser, maaaring hindi na rin siya maka-graduate. Well, kasalanan naman ito ni regina na hindi nag-iisip nang i-post niya ang meme ko at ang video na kita ang kanyang mukha. Pero kailangan namin na mag-ingat sa kanya dahil maraming pera ang pamilya nito.

"Kaya nga, nagulat ako sa ginawa niya, pero masaya rin ako. That made her show that she can't mess with me gaya ng ginagawa niya sa iba. Uhm, naging kayo ba ni Regina?" saglit siyang natigilan at umiling siya.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon