Thirty Six

8.7K 35 5
                                        

Naglakad-lakad kami ulit sa buong resort matapos kaming mag-swimming sandali sa dagat habang hindi pa gaanong masyadong mainit ang araw. Naghabulan kami sa tubig at hindi mawawala ang landian. Pero tumigil lang kami nang may matanaw kaming mga tao na parating kaya naman dumistansya kami sa isa’t-isa at sinabihan pa ako ni Yves na umahon na at takpan ang aking sarili. Nakasuot lang kasi ako ng white two piece bikini, the top is tinatakpan na lang ang n*pples ko at ang pang-ibaba ko ay string bikini na thong kata kitang-kita ang pisngi nga aking pwet. Umahon na rin sila at bumalik kami sa aming cottage dahil medyo dumadami na ang tao. We decided na libutin ang buong resort. Sa pinakagitna nito which is considered to be the public place, doon na marami ang tao at malayo ito ng konti sa cottage na tinutuluyan namin. 

May nakita akong ice-cream shack kaya niyaya ko sila na bumili ng ice-cream. Kumuha ako ng dark chocolate waffle cone with banana ice-cream and nuts. Napataas ang kanilang kilay sa in-order ko and I just giggled like a schoolgirl at them. Gusto kong hawakan ang kanilang kamay sa paglalakad namin pro siguradong magtataka ang mga tao. Pero sila naman ang magkahawak kamay at hindi ko maiwasan na makita ang reaksyon ng mga nakakakita sa kanila. I don’t know if it is because their looking so hot and sexy or halata na may something silang dalawa. Naiinggit na nga ako dahil para na ako ngayong third wheel. Lumayo ako ng konti sa kanila pero biglang hinawakan ni Yves ang aking brso at hinila ko sa kanyang tabi sabay akbay niya sa akin. Bahagya naman akong nagulat at busy naman silang nag-uusap ni Diorr. Napangiti naman ako and I keep eating my ice-cream. 

Kumain din kami ng ibang snacks na nadadaanan namin. After a few hours of walking, nagpahinag muna kami sa isang umbrella shade na nagkalat sa beach na may upuan at maliit na mesa sa gitna nito. Iniwan muna ako ng dalawa para kumuha ng maiinom namin. Habang naghihintay ako, kumukuha ako ng pictures ng dagat, tamang selfie lang. Pero natigilan ako nang my tatlong lumapit sa pwesto ko. They seem a little bit older than me at may kakaiba silang ngiti sa akin. Kinabahan naman ako ng konti at tinignan kung saan nagpunta sina Yves at Diorr. 

“Hello, girly… Mukhang nag-iisa ka.” sabi ng isang lalake at umupo sa katabi kong upuan. 

“Hindi, may mga kasama ako. Kumuha slang sila ng maiinom namin.” sagot ko. “Parating na nga sila, eh.” sabay turo ko sa isang direksyon and I was relieved nang makita ko na silang dalawa na palapit. 

“Teka, kasama mo ba ang mga faggots na ‘yon?” natigilan naman ako. “Kawawa ka naman, ang mabuti pa sumama ka na lang sa amin. We are real men and you will have a good time with us.” 

“Excuse me?” inis kong sabi. “Don’t ever call them that again! Isa pa, mas gugustuhin ko pang kasama sila. They are real men for me, not like you guys na ang yayabang, akala mo naman kagwapuhan na!” tumayo ako at lalayo na sana nang hinawakan ng isa pang lalake ang braso ko at malakas niya itong pinisil. 

“Ang arte mo naman! Ikaw na nga itong nilalapitan nagpapakipot ka pa! Unang kita pa lang namin sayo alam na namin ang gusto mo.” hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya. Hinila niya naman ako at napaaray ako dahil ang higpit na ng hawak niya sa akin. May sasabihin pa sana siya nang may humablot rito at malakas siyang sinuntok ni Diorr. Natumba agad ito sa buhangin. Humarang naman sa harap ko si Yves para protektahan ako. Hinigit ni Diorr ang shirt ng isa at pinagbantaan niya ang mga ito.

“Come near her again at lulunurin ko kayong tatlo!” galit na galit niyang sabi. Malakas niya itong tinulak at lumapit na rin siya sa akin. Niyaya na nila akong bumalik sa cottgage at mabilis naman kaming lumakad. Nang makabalik na kami agad akong hinarap ni Yves. 

“Jaeda, did they touch you? Anong ginawa nila?” alala nitong sabi sa akin habang chine-check niya ang buong katawan ko. 

“I’m fine… Dumating na kayo bago pa man may magawa pa sila sa akin.” sabi ko naman sa kanila. Napaaray ako nang maramdaman ko ang kirot sa aking braso at pagtingin ko roon, namumula ito at halata ang marka ng kamay doon.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon