Twenty Three

8.3K 29 0
                                        

Nang matapos ang lahat ng klase ko ng araw na ‘yon, agad kong tinawagan si Havana at kinumusta ko siya. Nakauwi na raw sila galing sa ospital at normal lang daw ang dull pain sa pagbubuntis, at na-stress lang daw siya siguro dahil sa bigla niyang pagkatumba. Talaga humingi ako sa sorry sa kanya dahil nabangga ko siya, sa nag-ingat pa ako o iniwas ang aking katawan. Pinagtawanan lang naman ako ng lokaret at sinabi na wala akong kasalanan. In fact siya pa nga daw ang may kasalanan dahil pumwesto siya sa likod ko. Para matapos na ang sisihan namin, nag-ayos na lang kami na kaming dalawa ang may kasalanan. Pero sobrang alala daw ng mga lalake sa buhay niya at ayaw pa daw siyang papasukin bukas. Kaya lang ayaw niya namang mag-skip dahil mabo-bore lang daw siya sa bahay nila. 

Pagkatapos namin na mag-usap, pumunta na ako sa parking kung saan naghihintay na sa akin si Yves. Palapit pa lang ako sa sasakyan niya nang bigla kong makita si Louis na palapit sa akin. Malakas naman akong bumuntong hininga at hinarap ko siya. Kahit naman iwasan ko siya, magpupumilit pa rin. 

“I heard about your friend… I’m sorry.” sincere niyang sabi at tumango naman ako. 

“Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Where is your girlfriend? Siya ang humaharang sa amin kanina. Paano na lang pag napahamak ang kaibigan ko?” nalungkot naman siya at napahawak sa kanyang batok. 

“She’s not your girlfriend at pinagsabihan ko na siya. I’m really sorry, Jaeda. Okay lang ba ang kaibigan mo? Nasaan siya para makahingi rin ako ng tawad.”

“She’s okay at nakauwi na siya mula sa ospital. Huwag ka ng mag-alala.” hinawakan ko ang kamay niya na kinagulat niya. “You’re a good guy Louis, wala ka namang kasalanan at hindi mo naman kontrolado ang nangyari. Hindi ko alam kung anong gusto sa akin ng babaeng ‘yon pero sana hindi na ito maulit pa. Sige, uuwi na kami. Pumunta ka na rin sa practice niyo at baka ma-late ka pa.” tinapik ko siya sa kanyang balikat at lumakad na ako papunta sa sasakyan. Pinagbuksan ako ni Yves nang pinto at sumkay naman ako. 

“So, what did he tell you?” tanong niya habang nasa daan na kami. 

“Humingi lang siya ng tawad sa nangyari kay Havana. He’s a good guy naman kung iisipin, pero mga fans lang niya talaga ang may mali. Who is that girl, anyway? Kilala mo ba siya, Yves?” tanong ko at bumuntong hininga naman siya. 

“Isa rin siya sa mga graduating students and I am also her research adviser.” nagpanting ang tenga ko sa kanyang sinabi at unti-unti akong tumingin sa kanya. 

“You handle her?” tumngo siya. Oh, okay…” napataas siyang kilay at ngumisi siya. 

“Parang may meaning ng pagkakasabi mo niyan.” tumingin naman ako sa harapan at hindi ko mapigilan na mag-pout. “Huwag mong sabihin na nagseselos ka?” 

“Hindi ah! Naiinis lang talaga ako sa babaeng ‘yon… Did she flirt with you?” malakas siyang tumawa at inis ko naman siyang pinalo sa kanyang braso. “Ihhhh! Nakakainis ka!” 

“Ano ba naman kasi yang tanong mo? It’s kind of funny… A woman flirting with me?” tumatawa niyang sabi at napahalukipkip naman ako. 

“Hmp! Nag-flirt ka kaya kanina sa kalse natin! Nandito naman ako eme-eme ka pa! Akala mo ba nakalimutan ko yon? Ang landi-landi mo!” inis kong sabi sa kanya. Hindi siya tumigil sa kanyang pagtawa at pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. Kinuha niya ang kamay ko, hinaplos niya ito at hinalikan pa. 

“Baby girl… Hindi naman ako seryoso doon, I just want him to get out of my class, kaso makulit talaga siya. It looks like he’s smitten by you. Well, hindi na rin naman ako magtataka, your lovely as you are.” kinilig naman ako ng konti sa kanyang sinabi pero hindi ako kakagat sa paglalambing niya. Inirapan ko lang siya at magtatampo pa ako ng konti. “Jaeda… that girl didn’t flirt with me. Si Louis lang ang nakikita niya wala ng iba. Isa pa, you're forgetting na may boyfriend ako kaya walang nakikipaglandian sa akin.” 

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon