Forty One

5K 21 4
                                        

This can’t be happening! Nananaginip lang ako di’ba? Sabi ko sa aking sarili habang nandito ako ngayon sa cafe. Nakaupo sa harapan ko si Louis Vitton na bigla na lang sumulpot at umupo doon. He was asking how my long weekend was at sinagot ko naman siya, wala nga lang ako sa mood at hindi ako interesado. Ang mga sumunod niyang sinabi ang nagpagulat sa akin, kung bakit ang bilis at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. I was scared and nervous at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi na ako pwedeng mag-deny kasi kitang-kita naman sa picture na kami ‘yon. We were not on the safe position, hindi mo aakalain na guardian ko sila, na walang nangyayari sa amin dahil naghahalikan kami. Hindi ko alam na nandoon siya! Hindi ko rin alam kung siya lang ang nakakita sa amin o kaya ang mga kasama niya pa! Paano pag isumbong niya kami? Anong mangyayari sa amin?! 

“Are you still going to ignore me, cutie?” tanong niya sa akin na may ngisi sa kanyang mga labi. “Don’t bother to delete that dahil marami pa ko niyan. I have a video too.” kinuha niya ang kanyang cell phone ulit at pinakita sa akin ang video, pero saglit lang ‘yon. Napakuyom naman ang aking kamay at galit ko siyang tinignan. 

“What do you plan to do with it?” galit kong sabi sa kanya at nilapit naman niya ang kanyang mukha sa akin. 

“Sa totoo lang, hindi ko alam… Hindi ko rin alam kung bakit kinuhanan ko kayo ng pictures at video. I was skeptical at first at baka hindi kayo ‘yon pero habang tumatagal, despite all that outfit and makeup you have, alam ko na ikaw ‘yon.” hindi ulit ako sumagot. “Gusto kong malaman kung ano ang relationship mo talaga sa kanila. Hindi ba’t silang dalawa na? And they have been together for years. Hindi ko maintindihan, Jaeda.” 

“Well, what you see is what you get. Wala ka ng dapat intindihan dyan, nakikita mo na in it’s all glory, Louis. Sa lahat ng pupuntahan bakit doon pa?! Uhm, Ikaw lang ba ang nakakita sa amin? Yo’ng mga kasama mo, did-did they see us too?” 

“I am the only one sobered. Lasing na lasing na sila non, and I guess you are too. Is this a one time thing? Nalasing ka ba kaya ginawa mo yan?” malakas akong bumuntong hininga. 

“I was drunk a little bit at alam ko ang ginagawa ko. I like them both, okay and we did things na pare-pareho naming ginusto. They like me and they want me to be a part of their lives too. Alam ko na silang dalawa, pero gusto nila na maging parte rin ako ng kanilang relasyon. Pumayag ako dahil gusto ko, hindi nila ako pinilit, gusto ko.” madiin kong sabi. “I have been very happy since then. Kaya sana kung anuman ang nakita mo, itong mga pictures at video, please… Nakikiusap ako sa’yo, ilihim mo na lang, and delete all of it.” pakiusap ko sa kanya. “You’re a nice guy and I really like you to be my friend. Sana naman maintindihan mo ko, hindi ko mapigilan ang feelings ko sa kanila.” 

“My god, Jaeda!” malakas niyang sabi. Napakagat labi naman ako at nagpapsalamat ako dahil kamimg dalawa lang ang naroon. “Alam mo ba kung ano itong pinasukan mo? You're still a student and you're having a secret affair with your professor and his boyfriend, my coach! Alam mo ba kung anong mangyayari pag nalaman ito ng university?” 

“Pero hindi ko na rin naman magiging Professor si Yves sa next semester…” mahina kong sabi at napapikit siya at sumadal sa kanyang upuan. 

“Kahit na! What will the people say, what will the university do pag nalaman nila kung anong relasyon ninyong tatlo? I thought you were a smart girl, pero bakit pumayag ka na samantalahin nila ang pagka-inosente mo.” naiiyak na akong nakatingin sa kanya and his face is full of disappointment. Gano’n din ba ako titignan ng aking ama pag nalaman niya ang tungkol sa aming tatlo? Naninikip na ang dibdib ko at hindi ko na alam ang gagawin ko! Pag na-expose kami, malala ang magiging implikasyon nito kay Yves at Diorr. 

“They didn’t take advantage of me. Ilang beses nila akong tinanong if I will accept them or not. Ako ang may gusto nito. Masaya ako sa kanila kaya nakikiusap nga ako sa’yo ngayon. Ayoko silang masira dahil sa akin.” 

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon