Sixty

3.8K 15 1
                                        

It was the weekend at nilalagay ng aking Papa ang mga bagahe ko sa likod ng truck ni Rolex. Kasama siya at si Louis, sasabay ako sa kanila pabalik ng lungsod. Matatapos na ang aming sembreak, ngayon pa lang ay aalis na kami para may time pa kami na makapag pahinga before Monday morning comes. Natutuwa nga ako nang tumawag sa akin si Louis at sinabi na kung gusto ko na sumabay na sa kanila. Tinawagan niya rin si Papa at pumayag naman siya. Napalapit na rin kasi ang magulang ko sa kanya kaya tiwala naman sila rito.

I have my carry on at pinabaunan ako ni Mama ng maraming pagkain na nakalagay sa isang malaking lunchbox para kainin daw namin for lunch. Hindi nga siya mapakali at ilang ulit na akong tinanong kung wala na akong nakalimutan. Nang okay na ang lahat, hinarap ko silang dalawa at mahigpit ko silang niyakap. Naiiyak nga ako dahil matagal naman kaming hindi magkakasama.

"Galingan mo sa studies mo, ah. But remember, wala akong pakialam kahit hindi ka honor student, okay na sa akin na maka-graduate ka." sabi sa akin ni Papa at tumango ako. "And don't cause any trouble for Yves pati na rin kay Diorr."

"Yes, Pa, don't worry about it. Alagaan niyo ang sarili niyo. Babalik ulit ako on summer break. Mas matagal na tayong magkakasama." ngumiti silang dalawa at niyakap nila ulit ako. Pumasok na ako sa backseat ng sasakyan at kinausap naman ni Papa si Louis. After a few minutes, sumakay na rin siya at lumingon siya sa akin.

"You ready?" tanong niya at tumango lang naman ako. Gumalaw ang sasakyan at kumaway ako sa aking mga magulang. Nag-heart symbol pa ako sa kanila sanhi ng kanilang pagtawa. Mami-miss ko silang dalawa, naging masaya rin naman ang bonding namin. I am glad na umuwi ako, na pinilit ako ni Papa na bumalik sa kanila kung hindi, baka tuluyan na akong nakipaghiwalay sa dalawang lalake na special sa buhay ko.

Nagku-kwentuhan kaming tatlo habang nasa daan kami. Medyo matagal rin ang biyahe, at nakatulog pa ako ng konti. I managed to wake up when we decided to eat. Kinain namin ang ginawa na food sa amin ng Mama ko as we managed to stop by in a park. Doon kami kumain sa isang bakanteng picnic table. We enjoyed eating the food na sobrang sarap naman talaga. Nagpahinga lang kami saglit tapos ay bumiyahe ulit na kami.

Tinawagan ko na kahapon si Yves at sinabi na baka makabalik na ako ng hapon. Nanginig ako as I hear his smooth, sexy voice at sinabi na excited na silang bumalik ako. Syempre ako rin naman kasi akala ko hindi na ako makakabalik pa sa kanila. Sa ginawa naming pag-uusap ni Papa, I thought I was gonna say na mas mabuting tumira na lang ako sa apartment na sinasabi niya. I would have left their house, and maybe I would have hurt them so badly that they would hate me both dahil sa ginawa ko.

But luckily, magkasama kami ni Louis sa aming break, and we talk things through. Kasama namin ngayon ang kanyang boyfriend na nagda-drive. Minsan magkahawak kamay pa sila kaya sobra naman talaga akong naiinggit sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang popular guy sa campus ay may boyfriend na pala at ang mga babae na nakakapit sa kanya at hinahayaan niya lang para hindi sila mapahiya. He really is a nice guy, and he doesn't even sleep around gaya ng naririnig ko about sa kanya.

Hindi ako mapakali sa sasakyan habang malapit na kami sa bahay ni Yves. Pagkarating namin doon, tumigil ang truck ni Rolex sa harap ng gate. Mabilis naman akong bumaba kasabay nito ay ang pagbukas ng gate at paglabas ng dalawa. Pinigilan ko ang aking sarili na huwag silang yakapin at halikan, at binati ko na lang silang dalawa. Bumaba rin naman ang mga kasama ko at binaba nila ang aking mga gamit na kinuha ni Yves at Diorr.

"Louis, maraming salamat!" tuwa kong sabi at niyakap ko siya. "Maraming salamat din at binalik mo ako sa kanila." bahagya naman siyang tumwa at niyakap niya rin ako.

"Gusto ko maging masaya ka, cutie. Take care, okay at huwag na huwag mong kalimutan ang sinabi ko sa'yo." tumango lang naman ako. Nagpasalamat rin ako kay Rolex at sumakay na ulit sila sasakyan at umalis na. Una silang pumasok na dalawa dala ang aking mga gamit at sumunod ako sa kanila. Nang makapasok na kami ng bahaym hindi ko na pinigilan ang sarili ko.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon