Sixty Six

2.4K 14 1
                                        

It's been a few days nang bumalik na ang classes sa university. Medyo malungkot nga lang ako dahil wala na akong ka-chika na kaibigan. Nag-usap na rin naman kami ni Havana at she showed me the picture of her baby bump. Masayang-masaya naman ang kaibigan ko at mukhang excited na rin na maging mommy. Naiisip ko, paano pag nabuntis rin ako 'no? Hay! Sigurado akong magwawala ang aking mga magulang pag nangyari 'yon, lalo na at nag-aaral pa rin ako. Gusto ko rin naman na magkaroon ng maraming anak, pero not right now. Mas gusto ko na makapagtapos muna ako ng pag-aaral kaya sinisigurado ko talaga na lagi akong nagte-take ng pills.

Naglalakad ako sa hallway nang matigilan ako at nakita si Yves kasama si Prof. Quielle. They were arguing with something at hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil malayo rin naman ako. Nang madaanan ako ni Yves, tumango lang siya sa akin at matamis na ngumiti sa akin ang Human Sexuality Professor ng university. She is really beautiful, with cat-like features and she's very seductive looking. Kaya bagay na bagay ang course niya rito at hindi mapagkakaila na maraming lalake ang humahanga sa kanya. Akala ko nga siya ang girlfriend ni Yves, pero hindi naman pala. Nakahinga ako ng maluwang dahil doon, kasi ano naman ba ang alaban ko sa isang Professor Tempest Quielle 'no! Parang plain nail polish lang ako sa kanyang almond nails. No'ng una talaga nagseselos ako, pero ngayon okay na. Walang selos dahil alam ko naman na baliw na baliw sa akin si Yves!

The start of the classes in my university turned out okay. Walang chismis, hindi ako pinag-uusapan, wala ding kumakalat na pictures namin ni Louis. And speaking of him, hindi pa kami nagkikita at nag-uusap. It's peaceful, lonely nga lang ng konti dahil nag-iisa na lang ako. Wala na akong ibang friend kundi si Havana. Pumunta ako sa cafeteria for a late lunch matapos ang isa ko pang klase. Iilan lang ang mga students roon, kumuha na ako ng tray at pumili na ako ng aking kakainin.

"Hello, cutie, long time, no see..." napalingon ako sa aking tabi at hindi ko napansin na may tao na pala roon. Napangiti ako nang makita si Louis at kumukuha na rin siya ng pagkain na nilalagay niya sa kanyang tray. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Hello, Mr. Vitton, ngayon ka lang nagparamdam, ah." tukso kong sabi sa kanya.

"Bakit? Na-miss mo ko 'no?" tumawa lang naman ako at nagkibit balikat na lang. "So, how are you? Okay na ba kayong tatlo?"

"Yeah, hindi nila nabasa ang letter ko." tuwa kong sabi sa kanya. "Maybe it was meant to be dahil nahulog ito sa kama at natago pa sa ilalim nito. Mabuti na lang talaga. Salamat nga pala ulit at hinayaan mo na ko."

"Wala 'yon, may dahilan din naman kung bakit binawi ko na." sabay kindat niya sa akin at tumawa ulit ako.

"Teka, nakatira ka rin ba sa bestfriend ng kuya mo?" tumango siya. "Must be nice.." siya nman at tumawa at tinulak niya ako ng konti.

"Hindi mo lang alam... I guess hindi mo pa nakikita ang page ng university kaya maganda ang mood mo." natigilan naman ako.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong sabi. Kinuha niya ang aking kamay at hinila niya ako papunta sa isang bakanteng table. Magkaharap kami na umupo tapos ay nilbas niya ang kanyang cellphone. May pinidot siya doon tapos ay pinakita sa akin. Nagulat ko nang makita ang picture namin ni Louis na magkasayaw sa dinner party ng kanyang ama. Meron pa yo'ng picture ko kasama with his parents. "Naman!" inis kong sabi at tumang-tango lang siya habang kumakain.

"My mother has an IG kaya post lahat ang mga yan sa kanyang profile. Mukhang may nakakita at pinagpiyestahan na naman sa page ng university."

"Wala na ba silang ibang magawa na matino? Whatever! I don't even care kung anong i-post nila dahil alam naman nating dalawa kung ano ang totoo. Wait, okay lang naman ito kay Rolex hindi ba? Yo'ng napagkakamalan tayo na may something." umiwas siya ng tingin sa akin at biglang namula ang kanyang mukha sanhi ng pagkurap ko. "Louis?" tumingin siya sa paligid at wala namang taong malapit sa amin pero inilapit niya ang kanyang mukha.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon