"Ano nga palang gagawin mo sa sembreak? Magbabakasyon na naman ba kayo?” tanong sa akin ng aking kaibigan habang nasa cafe kami ng araw na ‘yon. Masaya na naman ang atmosphere ng campus dahil na rin sa magaganap na namang game ng football team. It’s the second game before the sembreak kaya naman hype na hype ang mga tao. We are wearing our usual color clothes at medyo marami-rami ang tao ngayon dito sa cafe. Tapos na ang lahat ng class namin ngayong araw at nagha-hangout na lang kami rito habang hinihintay ni Havana ang kanyang sundo na late na makakarating. Natigilan ako sa tanong niya at naalala ko na naman na malapit na pala ang sembreak. In fact after this game, weekend na bukas and then uuwi na ako sa amin next week. Tinawagan na nga ako ng magulang ko at excited na sila na umuwi ako.
“Magbakasyon ako sa amin, besh. Pinapauwi ako ng parents ko at mukhang nami-miss na nila ang ganda ko.” biro kong sabi sa kanya at tumawa naman siya. “Ikaw? Malulungkot ako dahil hindi ka na papasok next sem.”
“Ako din naman, at least hindi ako bored pag nandito ako sa campus. Paano na lang pag nag-online class ako sa bahay namin di’ba? Pero sa sembreak, we are going on the cruise trip, excited na nga ang maliit na bata.”
“Wow naman! Nakakainggit ka naman talaga! Gusto ko rin na ma-experiend ang mag-cruise. Ang saya siguro lalo na at dumadaong sa iba’t-ibang country. Ang ganda nga ng mga pictures at videos na pinakita mo sa akin.”
“Sabihin mo sa mga daddies mo. I’m sure naman na hindi ka nila matatanggihan.” mahina niyang sabi sa akin at ngumiti lang naman ako. “Sayang naman at hindi mo sila makakasama, chance niyo na sana na makabuo.”
“Loka ka! Maaatake sa puso ang Papa ko pag nagkalaman ng baby ang tiyan ko! I want to be pregnant, pero gusto kong makatapos ng pag-aaral first. It’s more convenient that way, magagawa ko pa ang gusto kong mga gawin.”
“Tama ka naman dyan… Ganyan din sana ang plano ko, kaya lang may super sperm yata ang dalawang ‘yon na kahit ang iniinom ko na pills ay sumuko na. Kaya ikaw mag-ingat ka rin kung ayaw mo pang mabuntis. Lagi ka na kayang nadididligan.” namilog naman ang aking mga mata at bahagya kong pinalo ang kanyang kamay.
“Manahimik ka nga at huwag na nating pag-usapan yan.” tumwa lang naman siya ulit. “Sa totoo lang, malungkot talaga ako dahil hindi ko sila makakasama a break. One week din ‘yon ah! Si Papa kasi, hindi ko matiis.” hinawakan niya naman ang aking kamay.
“Ganyan talaga, magulang mo sila, eh. You should spend some time with them habang may oras ka pa. Ang swerte mo nga, may mga magulang ka pa rin hanggang ngayon.” nakangiti niyang sabi pero may lungkot sa kanyang boses. Ulila na kasi ito, namatay ang ang kanyang magulang dahil sa isang aksidente. Hindi naman sa ayaw kong umuwi talaga. Kaya lang, pag umalis na ako sa bahay ni Yves, baka hindi na ako bumalik doon. Nag-iisip na nga rin ako ng palusot sa Papa ko na sa dorm na lanhg ako tumira o mag-rent na lang ng studio apartment na malapit sa university. Ang kaso baka hindi talaga ako payagan.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na kailangan kong lumayo dahil may namagitan sa amin ng kaibigan niya at boyfriend nito. Isa pa, ano na lang ang mararamdaman ng dalawa kung tatapusin ko na ang ang lahat sa amin. Ni wala nga akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ng harapan. I only have limited time now at pag hindi ko ginawa, baka pagbalik ko sa rito kalat na ang pictures at video namin.
Tuluyan na akong mae-expel at mapapahiya pa silang dalawa. Ang hirap naman ng ganito. At hindi na ako pinagbigyan man lang ni Louis. Pero may point din naman talaga siya. Siguro nga at ngayon wala pang nakakaalam pero wala rin naman lihim na hindi nabubunyag unless mamatay na lang ang taong may alam nito. Naku, ano ba yan! Parang pinag-iisipan ko tuloy na tapusin na lang si Louis at ilibing ko siya sa field. Epekto lang ito ng murder documentary na pinanood ko.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
Любовные романыSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
