Pagkatapos ng aking morning class, dumiretso ako sa cafeteria para kumain ng lunch. Doon na rin kami magkikita ni Havana, a very sweet girl na naging kaibigan ko kaagad nang makilala ko siya sa first day. Maganda at matalino rin siya katulad ko, pero nakakalungkot lang dahil wala na ang kanyang mga magulang. Ang nag-aalaga sa kanya ngayon ay ang bestfriend ng kanyang ama na sobra ding gwapo. Isa pa may pinsan din ito na kasing gwapo nito kung saan salitan nilang sinusundo si Havana mula sa school. Ang swerte nga niya dahil may dalawang lalake sa buhay niya na nag-aalaga sa kanya. Swerte rin naman ako dahil inaalagaan ako ni Yves, pati na rin si Diorr. Kaya lang ang hirap na kasama ko sila sa iisang bahay, lalo na at may relasyon sila.
Attracted pa naman ako kay Yves mula nang makilala ko siya sa birthday ko at nalungkot tlaga ako nang sinabi niya na may girlfriend na siya. Pero hindi pala girlfriend kundi isang hot boyfriend na para akong tinutukso araw-araw mula nang tumira na rin siya sa bahay ni Yves. It's been difficult, pero habang tumatagal, may namumuo na akong feelings sa kanila. Is it too bad to like two guys at the same time? Hindi ko na kaya! Naka-survive na ako ng isang taon sa kanila at naging 19 na rin ako, going to 20 years old. Umuwi na rin ako noong sembreak namin sa bahay ng parents ko at talaga naman na na-miss ko silang dalawa. Gusto kong tawagan si Yves para marinig ang boses niya at hirap na hirap ako na pigilan ang sarili ko dahil nakakahiya naman pag tumawag ako sa kanya randomly. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at napahawak ako sa aking ulo. Ano bang gagawin ko?!
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong sa akin ni Havana na super blooming ang lovelife. Kailan ko lang nalaman ang kanyang nililihim sa akin na bestfriend niya. Nabalitaan ko na lang kasi na nasa ospital siya nang hindi pumasok sa aming klase. Nang dinalaw ko siya, buntis ang bruha at sinabi niya ang tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang guardian na bestfriend ng kanyang ama at sa pinsan nito na may isang anak. I mean sobrang nawindang talaga ako, lalo na at buntis pa siya. Kaya tatapusin niya lang ngayon na semester habang hindi pa halata ang kanyang tiyan. Sana all na lang ako, ang lakas din lang talaga ng alindog ng bestfriend ko. Hindi tulad sa akin na wala man progress. Hindi lang 'yon, ah, dalawa na silang gusto ko ngayon, dahil siguro naiinggit ako kay Havana. Hindi eh, dahil lagi nilang pinaririnig sa akin kung paano nila pinapaligaya ang isa't-isa every night. I am very curious kung ano ang feeling ng dalawang lalake na nagpapaligaya sa kama. Ayaw naman kasing magkwento ng babaeng toh! Malakas akong bumuntong hininga
"Sobrang naiinggit lang ako sayo bruha ka!" inis kong sabi sabay sabunot ko sa kanya ng bahagya. Napalabi naman siya at umupo sa aking tabi.
"Ano bang sinasabi mo? Kung pwede lang sana na magpalit tayo ng pwesto ngayon. Ikaw na ang palaging naduduwal at palaging pagod araw-araw." tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Natural lang na palagi kang pagod, dalawa ba naman ang kasama mo sa kama..." pabulong kong sabi sa kanya. Natawa naman ako nang namilog ang kanyang mga mata at kinurot niya ako sa tagiliran.
"Naku, ang pilya mo talaga! Ikaw din naman may dalawa ng kasama sa tinitirahan mo na ngayon. How is it? With the professor and the Coach of the football team? Sinong hindi maiinggit sayo."
"Manahimik ka nga, baka may makarinig sayo. Baka giyerahin ako ng mga babae rito pag nalaman nila na kasama ko sa iisang bahay ang hottest mature men dito sa campus. Alam mo naman na sila ang ang may pinakamaraming fans dito."
"Oo nga eh, mula ng grumaduate na si Axid Stone at iba pang seniors na kinababaliwan ng lahat, parang napasa na sa kanila ang atensyon. Hindi naman gaanong napapansin si Coach Diorr noon, eh, kahit nag-champion pa sila."
"Duh? Kung nagpalit tayo ng buhay ngayon, tingnan ko na lang kung makakaya mo ang marinig sila gabi-gabi. They are going at it like bunnies at hindi ako makatulog. Kaya ganito ang mukha ko ngayon, puyat at pagod ako. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko at mababaliw na talaga ako." napatawa naman siya at hinawakan niya ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomantikSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
