Fifty Five

2.7K 8 2
                                        

"Oh my gosh! Ang arte mo!" natatawa kong sabi sa kanya habang nagpapaligo kami ng mga aso. After a day at the orphanage na in-enjoy ko naman kahit kasama ko pa si Louis, we are here sa isang rescued for animals na shelter. Syempre nandito naman ang parents niya pero hindi ko inaasahan na sasama siya dahil binanggit nga niya na hindi siya mahilig sa mga ganito. He surprised me again by coming at mukhang hindi na siya napilitan ngayon. The only problem is, masyado siyang maarte and I think hindi siya masyadong mahilig sa mga dogs. "Kaya mo pa ba? Huwag na kasing ipilit, Louis." kinuha ko ang hose sa kanya tapos pinatay ko ito.

"How do you even bath them kung ganito sila kakulit." inis niyang sabi. Hindi ko naman maiwasan na tumawa dahil mukha na siyang basang sisiw. "Huwag ka ngang tumawa dyan. Hindi ako mahilig sa aso!"

"Halata naman... Bakit ka pa kasi sumama? Parang pati yata ang mga aso gusto kang asarin." natatawa ko paring sabi. "Alam mo kung pwede lang na kunan kita ng picture ngayon or video dahil sa itsura mo. But, you may be funny to me, pero alam kong lalo ka lang pagkakaguluhan ng mga babae na baliw na baliw sa'yo." matalim niya lang naman akong tinignan.

"Stop making fun of me and just help me out." parang bata niyang sabi na nagtatampo at tumawa lang ulit ako.

"Huwag mo kasing iparamdam na takot ka. Mababait naman sila, pero ang iba hindi lang talaga sanay na maligo. Now, ako na ang magsasabon at ikaw ang magbanlaw. Nakakahiya naman sa iba pang volunteers at sa staff kung hindi natin ito ginagawa ng maayos." binalik ko ulit ang hose sa kanya. Timuloy ko ulit ang aking ginagawa at nag-focus naman siya sa pag-rinse ng mga aso.

Pagkatapos namin, pareho na kaming basa. Mabuti na lang at binigyan kami ng shirt kanina at mern naman akong pamalit dahil alam kong marami kaming gagawin. Namilog ang aking mga mata nang alisin ni Louis ang kanyang tshirt for all the people to see ag ma-muscle niyang katawan. Hindi ko pa ito nakikita in the flesh but I know na malaki ang katawan niya dahil halata naman ito. But never expected na ganito ka fit at parang mga batong nagtitigasan ang kanyang mga muscles. Sabagay, defense ang position niya sa team kung saan nakikibalagbagan talaga siya ng katawan kaya hindi na ako magtataka.

"What?" tanong niya sa akin na nakatulala lang sa kanya. Binato ko siya ng tshirt na binigay sa amin kanina na sinalo niya.

"Pati ba naman dito ibibilad mo pa talaga ng katawan mo for all the people to see?" irita kong sabi sa kanya.

"Bakit? Selos ka?" napa-roll eyes lang ako at tinalikuran ko siya. Pumunta ako sa banyo para magbihis at chineck ko rin ang aking phone kung mya message o tawag akong nakaligtaan mula kay Yves o Diorr. Pero wala nama! Hanggang ngayon ba hindi pa rin nila nakikita ang letter? Mukhang hindi maganda na idea 'yon, ah! Lumabas na ako at bumalik sa aming sasakyan. Kumuha ako ng alcohol na pinahid ko sa aking mga braso at kamay at nag-spray din ako sa aking damit para hindi ako mangamoy aso. Nakita ko si Louis sa di-kalayuan na nakabihis na rin at binibigyan ng merienda ng staff.

"Oh, tapos na kayo?" tanong ng aking ina. May kinuha rin ito sa sasakyan. Tumango lang naman ako at uminom ako ng tubig.

"Oo, Ma, nagpalit na rin ako ng damit. Need niyo ng tulong?" tanong ko.

"Naku, anak, kaya na namin. Samahan mo na lang si Louis, ah, mukhang hindi siya sanay sa ganito." napasimangot naman ako.

"He should have stayed in their house na lang." mahina kong sabi. Napaaray ako nang bigla niya akong pinalo sa braso.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Natutuwa nga ang parents niya dahil kusa siyang sumama. Hindi na siya kailangan pilitin pa. Ito naman ngseselos ka kaagad porke't napapaligiran siya ng mga babae ngayon."

"MA! Hindi ako nagseselos!" inis kong sabi at tumawa naman siya. "Siya naman ang mga sabi na ayaw niyang sumama sa mga ganito. Tapos ayaw niya pa sa mga aso."

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon