Forty Five

5.3K 18 2
                                        

Hapon at tapos na lahat ng klase ko pero nakaupo pa rin ako sa isang bench at nakataas ang isa kong paa. Medyo lumaki ang pasa nito at pamamaga at sa totoo lang, hirap na rin akong maglakad. No joke! Akala ko nga mild injury lang ito, kinuhanan pa ko ng gamot ni Havana na ininom ko na. Ayoko naman na balahin si Yves o si Diorr dahil alam kong busy silang dalawa. Pinauna ko ng umuwi ang aking kaibigan ako ako naman ay kinukuha lang ang bwelo ko para maglakad ulit. Ang dami ko pa kasing dalang mga gamit, eh, kaya hirap talaga ako na makapunta sa parking. Paano ba toh? Need ko na talagang tawagan si Yves, si Diorr kasi may practice na naman sila. Kinuha ko ang aking phone at nakatingin lang ako sa screen nito.

"I told you hindi ka na makakalakad..." lumingon ako sa nagsabi nito at nakita ko si Louis na may nakasukbit na training bag sa kanyang balikat. Nilapitan niya ako at tinignan niya ang aking tuhod. "Pag nakauwi ka na, lagyan mo ulit ng ice compress para mawala ang pamamaga." may kinuha siyang bandage sa kanyang bag at nilagay niya ito sa aking tuhod.

"Ano ka? Boys scout?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin siya sa akin.

"No, I just need this... I need to bandage my leg first at ginagamit ko din ito para sa sore muscles ko after the practice." sagot niya at tinuloy na ang kanyang ginagawa.

"Are you planning to go pro after this? May offer na ba sa'yo?" tanong ko ulit sa kanya. Napangiwi ako nang hinigpitan niya ng konti ang bandage.

"No, I'm playing because it's fun. May mga offers ako to go pro pero after that injury parang may konting takot na rin ako. Pero gusto ko pa ring maglaro, it keeps me on my mind on things." nang matapos siya tumabi siya sa pagkakaupo ko sa bench. "Mabuti naman at hindi mo na ako sinusungitan. I hope hindi pa rin nagbabago ang isip mo." umiling naman ako.

"Hindi na, I already made up my mind kaya tigilan mo na ko. I don't back out with my words. Naisip ko rin na mas nakakabuti ito sa aming tatlo. If I end all this, anong gagawin mo sa nalaman mo, Louis?"

"I am going to keep it a secret until my grave, Jaeda. Wala akong pagsasabihan at walang ibang nakakaalam kundi ako lang. Habang kasama mo pa sila ngayon, mag-iingat ka. Don't do lewd things in the university at malaki ang risk na may makahuli sa inyo."

""Don't worry, hindi na namin ito uulitin pa." kalmado kong sabi sa kanya at natigilan naman siya.

"So, you mean you did it?" napakurap naman ako at biglang uminit ang aking mukha. Tumawa nman siya at pinalo ko ang malaki niyang braso. "Grabe, hindi ko akalain na magagawa mo 'yon. I mean you're not the type to do those things."

"Bakit ikaw? Hindi mo pa ba nagagawa?" tanong ko na naman sa kanya at matalim ang tingin ko. Napa-brush siya ng kanyang buhok using his fingers at ngumisi siya.

"Many, many times..." sabay kindat niya sa akin at pinalo ko siya ulit.

"You're a whore." natatawa kong sabi at tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Pareho lang tayo, cutie, dala-dalawa pa nga ang sa'yo" natigilan naman ako doon at tinapik niya ang aking balikat. "Don't be offended dahil totoo naman. Naiintindihan ko naman, eh. Minsan talaga hindi natin napipigilan ang feelings natin. Gusto ko rin na makaramdam ng ganyan one day. Yo'ng willing ako na i-give up ang lahat para sa babaeng gusto ko."

"Well, huwag kasing babae na pare-pareho ang ugali ang patulan mo. Tsaka itigil mo na rin ang pag sleep around mo tuwing may party o horny ka talaga. Paano naman darating sa'yo ang babae na sinasabi when you surround yourself with entitled or shitty friends? Pustahan tayo hindi mo naman sila totoong kaibigan." bahagya siyang ngumiti at tumango.

"Alam ko naman 'yon. But it's nice to be important, it's nice na maraming tao na nakapaligid sa'yo at hinahangaan ako. At least habang nasa college ako, I should enjoy it to the fullest. Malapit na rin naman akong mag-graduate."

"Sabagay... I can be a true friend though..." natigilan siya ulit tapo tumwa na naman na pinagtaka ko.

"I hope you are..." natahimik kami sandali tapos ay nag-vibrate ang aking phone. Tumawag si Yves at nasa parking na pala siya. Sinabi ko na papunta na ako. Nang mag-end ang call, kinuha ni Louis ang mga dala kong gamit. "Get on my back, cutie. Huwag ka ng umarte at male-late na ko sa practice. It will be your fault pag pinarusahan ako ni Coach Diorr, and you also owe me a coffee." sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at pumasan na ako sa kanyang likod. Binuhat niya ako with my things and all at pumunta na kami sa parking area. Nakita ko si Yves na naghihintay na at natigilan siya nang makita niya kami. "Profesor, may injury ng konti si Jaeda kaya tinulungan ko siyang pumunta rito." sabi niya rito. Napatingin naman ito sa naka-bandage kong tuhod.

"Thank you, Louis, I'll take it from here." sabi ni Yves. Nagpaalam naman ang lalake sa amin at umalis na siya. Hinawakan naman ako ni Yves, binuhat niya ako at dinala sa backseat ng kanyang kotse. Kinuha rin niya ang mga gamit ko at nilagay din doon. Sumakay na siya sa driver's seat, pinaandar ang sasakyan at umalis na kami. "Hindi mo ba sasabihin kung anong nangyari sa'yo?" tanong niya sa akin.

"I-I had an accident with one of my classes. My foot slipped at tumama ang tuhod ko sa edge ng hagdanan. Hindi ko naman akalain na mamamaga siya ng ganito. Pumunta na ako sa infirmary kanina at may pinainom na sa akin na gamot."

"Jaeda, kahit na ba boyfriend mo na ko, huwag mong kalimutan na guardian mo pa rin ako. Pinagkatiwalaan ako ng father mo na alagaan ka. Bakit hindi mo ako tinawagan agad sa nangyari sa'yo? Bakit ang lalake pa 'yon ang tumulong sa'yo? Nandito naman ako, di'ba?"

Sabi niya na may inis sa kanyang boses.

"Pero Yves, ayoko na kasi na abalahin ka pa. Alam ko na pareho kayong busy ni Diorr. Kaya ko naman na maglakad, eh, kaya lang marami rin kong gamit na dala. Nagkataon lang na nakita ako ni Louis. Masama ba na tulungan niya ako?" humigpit ang hawak nito sa manibela.

"Hindi naman sa gano'n... You should have told me nang tumawag ako sa'yo kanina. Napuntahan na sana kita at hindi mo na siya naabala pa. I am just saying that you can rely on me, on us. Na kahit gaano pa kami ka-busy, we always have time for you lalo kung nasaktan ka or may sakit ka. Bakit kailangan mong umasa sa kanya?"

"He was just helping me..." mahina kong sabi at yumuko. "I'm sorry, sa susunod tatawagan na kita o si Diorr. Ayoko lang na maistorbo ko kayo. Maliit na bagay lang naman ito."

"Maliit na bagay? Halos hindi ka na nga makalakad, eh. Paano pang lumala pa yan bukas? Paano pag serious na pala ang injury mo? Pupunta tayo ng ospital at ipapatingin natin yan."

"Sorry na, daddy... Hindi na ito muulit..." sincere kong sabi sa kanya at malakas naman siyang bumuntong hininga.

"Huwag mo muna akong kausapin, Jaeda, I am so pissed right now dahil sa ginawa mo. Imagine, hindi mo agad ito pinaalam sa akin. Tapos ng makita kita, pasan ka na ng lalakeng palaging nangungulit sa'yo. Just, just don't talk to me right now..." kinagat ko naman ang aking labi at tumango na lang.  

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon