Nagising ako na sobrang sakit ng aking ulo. Napaungol ako at gumulong sa kama at unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Kumurap kurap ako because I was not in my room in my apartment. I thought nakatulog na naman ako sa random na kwarto sa bahay ng isang barkada, pero hindi pala. I'm in a more proper room sa penthouse ni Rolex, the irritating man na bestfriend ng kapatid ko. Napahawak ako sa aking ulo at napamura ako. How did I even get here? Ang huli kong natatandaan nasa party ako ng kaibigan ko at hindi ko naiwasan na uminom ng marami. Umuwi ba kong mag-isa o inuwi ako ng mga kaibigan ko? F*ck wala akong matandaan!
Bahagya akong nagulat nang bigla na lang bumukas ang pinto. Pumasok si Rolex na may dalang naso ng tubig at mukhang gamot para sa hangover. Seryoso ang mukha nito, walang nakakatuksong ngiti sa kanyang mga labi. I can feel that his pissed off and I can understand that dahil hindi ko sinunod ang bilin niya. But, come on, it's a party, we were supposed to get drunk. Ayoko naman na maging killjoy. Bingasak niya ang baso sa side table at humalukipkip siya.
"Do you know kung anong ginawa mo kagabi?" matigas niyang tanong na nagpipigil ng kanyang galit. "Are you really out of your mind?"
"I went to a birthday party of my friend." mahina kong sagot sa kanya.
"Yes, pinayagan kita, pero uminom ka pa rin ng marami! Mabuti na lang alam ko kung nasaan ka. I came to get you and what did I see? You're tongue tied with a girl and you would have ended up sleeping with her!"
"Eh, ano bang pakialam mo?!" inis ko na ring sabi at bumangon ako. Dahil doon, lalo pang sumakit ang ulo ko kaya napaungol ako sa sakit.
"You are living in my house now, kaya responsibilidad kita! Binilin ka sa'kin ng magulang at kapatid mo! Paano pag may nangyaring masama sa'yo, ha?!"
"I was at my friends house kaya walang mangyayari sa akin. Look, I appreciate what you are doing, pero hindi na ako bata at kaya ko na ang sarili ko."
"Really? Yan ang sasabihin mo after what happened last night?" natigilan naman ako nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano bang pinagsasasabi nito?
"May iba pa bang nangyari kagabi? Maliban sa paglalasing ko at pakikipaghalikan ko sa isang babae?" napansin ko na natigilan rin siya. Nagtaka na talaga ako nang sarcastic siyang tumawa at napasabunot ito sa kanyang medyo mahabang buhok dahil sa frustration niya.
"Seryoso? Are you f*cking kidding me right now?! Hindi mo talaga natatandaan ang pinag-usapan natin sa sasakyan habang pauwi na tayo?" napakunot noo naman ako.
"I was drunk, and now I have a terrible hangover. I'm sorry, wala akong matandaan. Kung may nagawa man ako o nasabi na hindi maganda, sorry." napapikit siya at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay.
"Fine... Mas mabuting hindi mo matandaan because you are really spouting nonsense." kalmado na niyang sabi, but I know that he is still pissed. "Get ready, may checkup ka ngayon." pagkasabi nito, lumabas na siya. Kinuha ko naman ang gamot at tubig at ininom ko ito. Tapos ay pumasok na ako sa banyo pra maligo at mawala ng konti ang hangover ko. Nakabihis na ako nang lumabas ako ng aking kwarto. Nadatnan ko siya sa kumakain sa kusina at hawak niya ang kanyang phone kung saan may tinitignan siya. Gumawa ako ng black coffee at kumain na rin ako. "Do you feel anything with your injury?" tanong niya. I roll my shoulders at wala naman akong sakit na nararamdaman.
"It's okay..." sagot ko. Tumango lang naman siya. After half an hour, bumaba na kami at sumakay kami sa kanyang magarang sasakyan. Habang papunta kami sa ospital at nakasakay ako sa front seat, parang may flashes na eksena na pumapasok sa aking utak. I was on the same seat last night. It's like paunti-unti ko ng natatandaan ang nangyari kagabi. He was there when I was making out with a girl. Kinaladkad niya ako palabas at pinasakay dito sa sinasakyan namin ngayon. Napakunot noo ako at napahawak sa aking noo at sa aking dibdib na rin. Parang naninikip din kasi ito na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomansaSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
