Sixty Nine

2K 14 1
                                        

Napabalikwas ako ng bangon sa isang masama kong panaginip. Humihingal ako at tumingin ko sa bunong paligid. I was confused at first hanggang sa naalala ko na bumalik na pala ako sa bahay ni Yves at nagkausap na kaming tatlo. Napahawak ako sa aking ulo na biglang nanakit tapos ay huminga ako ng malalim. Nagsimula na namang mag-init ang aking mga mata na parang iiyak na naman ako. Pilit ko itong pinigilan dahil ayoko ng lumuha pa. Diniin ko ang aking mga kamay sa aking mga mata and I feel just so tired.

Pero masaya ako na bumalik ako sa kanila at maliwanag na sa akin ang lahat. I am just so stupid na naniwala agad ako sa sinabi ng babae. She was so convincing, and it's either her o sila Yves at Diorr ang paniniwalaan ko. Of course silang dalawa dahil matagal ko na rin naman silang nakasama. They took care of me, at hindi nila pinaramdam sa akin na outsider lang ako.

I was just so confused and hurt kaya ang daming kong iniisip na hindi maganda sa kanila. Pero ang pinagdaanan nila sa babaeng 'yon ay talaga namang mas masakit pa. That woman is so bad na pinatay niya ang magiging anak nila. It maybe a miscarriage, pero siya ang may dala ng baby at inalagaan siya ng dalawa. Kaya there's no reason na malaglag ang baby, unless may ginawa itong kapabayaan kaya gano'n ang nangyari. Imbes na galit ang nararamdaman ko para sa kanila, naaawa na ako ngayon. They've lost a baby and I didn't trust them. What have I done? Worthy pa ba ako na babae para sa kanila?

"Hey... Gising ka na..." lumingon ako at nakita ko si Diorr sa may pinto. Pumasok siya at lumapit siya sa akin. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"I-I have a little headache..." mahina kong sagot sa kanya.

"Teka at ikukuha kita ng gamot. Do you still need anything?" tinitigan ko siya tapos ay hinawakan ko ang kanyang mukha. Ngumiti ako at niyakap ko ulit siya sabay halik ko sa kanyang leeg.

"Daddy, huwag kang magalit sa akin..." pakiusap ko sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa akin at hinaplos niya ang aking ulo pababa sa aking likod.

"Of course not, hindi ko galit sa'yo, Jaeda. Hindi kami galit ni Yves sa'yo,okaya tayong lahat. Don't even think about anything anymore. At huwag na huwag mo na rin iisipin ang babaeng 'yon. Kami na ang bahala sa kanya." humiwalay ako at nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Bumuntong hininga siya at hinaplos niya ang aking pisngi. "Makikipagkita ba kayo sa kanya?"

"Yes, we need to talk to her and stop her sa anuman ang pwede niyang gawin. Alam niya kung sino ka sa buhay namin at baka may gawin siya para i-reveal sa lahat kung anong meron sa ating tatlo. Although may pinirmahan siyang NDA about sa kontrata namin sa kanya, hindi ko alam kung tutuparin niya pa 'yon."

"She can do that?" tumango siya. "Anong gagawin natin?"

"Gaya nga ng sabi ko, kami na ang bahala. If she wants money, ibibigay namin sa kanya pero sisiguraduhin namin na hindi na siya makakalapit sa'yo, sa atin. Baby, hindi na kami makapapayag pa na may manakit sa'yo. Kaya gagawin namin ang lahat para mapabuti ka."

Sincere niyang sabi at tumango lang naman ako. Iniwan niya ako sandali para kumuha ng gamot sa sakit ng ulo.

Pagbalik niya, kasama na niya si Yves na may dalang tray na puno ng pagkain at tubig. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at malakas na kumalam ang aking sikmura sa pagkakita ko sa food. Tumabi ako at nilapag nito ang tray sa kama.

"I was gonna say breakfast in bed, pero lunchtime na. Mukhang gutom na gutom ka na , baby girl. Kaya kumain ka ng marami, at kung gusto mo pa ikukuha kita." nagpasalamat naman ako sa kanya at hinalikan niya ang aking noo. Hinayaan lang nila akong kumain at nanatili sila sa aking tabi while talking to me and making me comfortable. Nawala na ang bigat sa aking dibdib and I can breathe freely again. It's like I have been freed from a ton of weight at super happy ako na nandito na sila sa aking tabi.

Ayoko na sanang bumalik pa dahil nasaktan talaga ako ng husto. Pero kinausap ako ni Havana and she convinced me to give them a chance to explain. Tama naman ang kaibigan ko na hindi dapat one side lang ang pakikinggan ko. She also reminded me na mas matagal kong nakasama ang dalawa kaysa sa babaeng bigla na lang sumulpot isang araw spouting those nonsense to me. Nang kumalma na talaga ako, nakiusap ako sa kanila na ihatid ko rito which I am really thankful for. Mabuti na lang talaga at nakinig ako sa kanya. I mean compare sa aming dalawa, mas malala ang pinagdaanan niya dahil dating may asawa si Kloss, at may anak na si Jibi.

Nang matapos akong kumain, tinabi nila ang tray tapos ay pinainom na ako ni Diorr ng gamot. Saka ko lang naalala ng mga oras na 'yon na may klase pala ako ngayong araw at hindi ako pumasok. I skipped one class yesterday either. They assure me na okay lang ang lahat at sila na rin ang bahala na mag-excuse sa akin. I was resting in the room at iniwan nila ako saglit nang mag-vibrate ang aking phone. Sinagot ko ito nang makita ang pangalan ni Louis sa screen.

"Cutie! Ayos ka na ba? Nandyan ka pa ba sa kaibigan mo? I am worried about you dahil hindi ka raw pumasok. Pati si Professor at Coach wala rito." alala niyang sabi.

"Nakabalik na ako sa kanila at kasama ko sila ngayon. Huwag ka ng mag-alala." sagot ko sa kanya. "Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kahapon. Baka kung wala ka, sa iba na ako pulutin."

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, at sabi ko naman na kung may problema ka, nandito lang ako. Pero teka, okay na ba kayo? Nag-away ba kayo?"

"Medyo... Pero okay na kami. Nakapag-explain din naman sila sa akin. Ang stupid ko lang dahil mas nauna ko silang pagdudahan kaysa makinig sa kanilang paliwanag. Everything is clear up, pero nag-aalala pa rin ako."

"Tungkol saan naman? Hindi ka ba panatag kahit kasama mo na sila?"

"I am... Ang mga tao lang na parte ng kanilang nakaraan ang inaalala ko. You know what I mean right?"

"Yes, cutie, I know... Pero ito ang tatandaan mo, walang past ang makakahigit kung anuman ang meron sa inyo ngayon. Just be strong at kumapit ka sa kanila ng mahigpit. Ganyan din ako kay Rolex, hawak ko siya ng mahigpit at hindi ko siya bibitawan." napatawa naman ako sa sinabi niya. Nag-usap pa kami sandali hanggang sa tinapos ko na ang call nang pumasok ulit si Yves at Diorr. Seryoso ngayon ang kanilang mukha at alam ko na may sasabihin sila. Ngayon pa lang kinakabahan na naman ako.

"Jaeda, gusto sana namin sabihin sa'yo toh after na nakapag-rest ka ng maayos but we decided to tell you now." simula ni Yves at napakunot noo naman ako. Nakapag-usapa na kami ni Diorr and gusto sana namin na sabihin na sa parents mo ang relasyon nating tatlo." natigilan naman ako at napakurap ng ilang beses. Parang nagpanting ang tenga ko sa kanyang sinabi at namilog ang aking mga mata nang mag-sink in na ito sa akin.

"Naisip na mas mabuting malaman na nila na sa amin manggagaling kaysa sa ibang tao." sabi naman ni Diorr. "I think it's time to tell them the truth kung gugustuhin mo lang naman. Nandito naman kami sa tabi mo all the way at kami ang magsasabi sa kanila."

"Pero... Pero natatakot ako! Paano kung paghiwalayin tayo ni Papa?" nanginginig ng boses kong sabi at puno ng kaba ang dibdib ko. "Ayoko! I don't want to leave you guys."

"Jaeda, nasa tamang age ka na para magdesisyon sa sarili mo. It's up to you kung mananatili ka sa amin o susundin ang gusto ng parents mo. Ayoko na rin naman na magsinungaling sa Papa mo na naging kaibigan ko. He deserves to know that I love his daughter." sabi ni Yves na puno ng sincerity. Natigilan ulit ako sa huli niyang sinabi.

"And I also want to tell him that I love you too..." nakangiti na sabi ni Diorr. "Mahal ka namin, Jaeda, at gusto namin na tayong tatlo sa matagal na panahon. We want to have a family with you. At hindi ka namin ginagamit, sana hindi mo na isipin 'yon." napatitig ako sa kanilang dalawa at natutop ko ang aking bibig. Bago ko pa silang masagot at masabi ang totoo kong nararamdaman para sa kanila, narinig namin ang doorbell sa labas. Nagtaka kami kung sino 'yon kaya bumaba kami para tingnan ito. Binuksan ni Yves ang pinto at nagulat ako nang makita kung sino ang nasa harap ng pinto.

"PAPA!"          

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon