Tiningnan ko ang lahat ng mga cocktail dresses ko sa aking closet. I thought okay pa ang iba na hindi ko pa nga nasusuot kahit minsan lang. So kampante ako sa may maisusuot ako sa dinner party mamaya ng father ni Louis. Ayoko talaga sanang pumunta, pero personal na niya akong inimbitahan, kaya pumayag na ako. Nakakahiya naman kung hindi. But I maybe in a lot of trouble dahil na rin mukhang wala akong dress appropriate for the party. I don't know pero mukhang nag-shrink ang mga dresses ko na nandito o kaya naman lumaki lang talaga ako.
Sabagay, pansin ko rin na medyo tumangkad ako, lumaki ang size ng aking boobs at mas matambok ang aking pwet ngayon. Naku naman, sana nag-check muna ako kung may susuotin ba ako. Mamaya na ang party, eh! Bumuntong hininga ako at pumunta sa kwarto ng aking mga magulang. Kumatok ako sa pinto at nanag marinig ko ang 'pasok' sa loob, binuksan ko na ito. Nadatnan ko ang aking ina na nakaligo na at mukhang aayusin na niya ang kanyang buhok at face.
"Jaeda, bakit hindi ka pa nagre-ready?" tanong niya sa akin.
"Ma, pwede bang humiram ng cocktail dress mo? Wala kasing kasya na sa akin na nakalagay sa closet ko. Sayang at hindi ko pa man din nasusuot."
"Really? Sabagay, parang ang different na rin kasi ng structure ng katawan mo. Tumingin ka na lang dyan, alam ko naman na magkakasya sa'yo ang mga damit ko." nagpasalamat ako at pumasok sa kanilang walk-in closet. Tinignan ko ang mga cocktail dresses na meron siya. Nakita ko ang isang spaghetti strap dress, blush pink color at may twisted bow design detail sa silk fabric. I like it at mukhang kasyan naman sa akin kaya naman kinuha ko ito. "Hmmm, maganda ang napili mo, anak, siguradong babagay sa'yo yan." sabi niya nang pinakita ko sa kanya ang dress.
"Thanks, Ma, ibabalik ko rin ito. Mabuti na lang nandito ka." bahagya ko siyang niyakap at pinakilos niya naman ako na mag-ready na. Mabilis akong bumalik sa aking kwarto at nag-shower na rin. Pinatuyo ko ang aking buhok and I was wearing a robe. Simple g style lang ang ginawa ko sa aking buhok. A simple wave curl at the end at naglagay ako ng maliit na sparkling clip. Sunod ako na nag-apply ng natural makeup with a classic red lips look, then gold stud earrings on my ear.
I spent three hours glamming myself up, dahil hindi naman talaga ako sanay sa ganito. Tinignan ko ang aking sarili sa full length mirror at mukhang okay naman ang itsura ko. Gusto ko ang teal length ng dress and I also paired it with pointed gold high heels. Nilagay sa aking sparkling blush pink na bag ang aking phone, some money, lipstick, at mint para hindi mangamoy ang aking mouth.
Lumabas na ako ng aking kwarto at pumanhik na sa baba. Nandoon na ang aking mga magulang na umiinom ng champagne at hinihintay ako. My mother was beautiful with her emerald green cocktail dress na long sleeve, and my father is handsome with his black suit with an emerald green tie that matches my mother's dress. Napangiti sila nang makita nila ako at nilapitan ko naman sila.
"Hija, manang-mana ka talaga sa Mama mo. I'm sure Louis won't take his eyes of you." sabi sa akin ni Papa at napangiti ako.
"Pa, pwedeng huwag mo muna akong tuksuhin kay Lousi this night? I already told you, magkaibigan lang kami." sagot ko sa kanya. Nagkatinginan naman sila ng aking ina at nagkibit balikat ito.
"Narinig mo na siya honey, tigilan na natin siya at baka mawala pa ang magandang mood niya." sabi naman ng aking ina which I am thankful for. Tinignan niya ang oras at niyaya na niya kaming umalis. "Anak, stop fidgeting, ano bang problema?" tanong niya sa akin habang nasa daan na kami.
"Do I really look okay? Parang hindi ko kasi bagay, eh. Ayokong mapahiya kayo nila Papa." alala kong sabi sa kanila at ilang ulit ko ng inayos ang aking dress.
"Maganda ka na, Jaeda, the dress, the hair, the makeup and the shoes fit you. Dapat mag-alala para sa'yo ang Papa mo at baka maraming lumapit na lalake sa'yo sa party. Hindi lang natin alam." tukso niyang sabi at napatawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomanceSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
