Pagkapasok ko kinabukasan, mukhang nasasanay na rin ako sa pagtingin sa akin ng mga students sa tuwing nakikita nila ako, tapos sabay bulong pa. What’s so interesting in my life anyway at nagi-invest sila sa buhay ko na dapat naman ay hindi nila dapat pakialaman. Did I do something wrong? Ako pa nga dapat ang victim ng pambu-bully dahil sa mga babaeng ‘yon. I am in a good mood today dahil buong gabi na naman ako pinaligaya ng aking mga daddies. Tsaka isa pa, naparusahan ang bwisit na Regina na ‘yon dahil sa ginawa niya sa akin. The meme was still there pero ako na mismo ang natatawa doon, at least beautiful pa rin ako kahit natapunan na ako ng oily sauce. After kumalat ang meme na ‘yon, sumunod naman ang post na hawak ni Louis ang aking kamay at hinihila niya ako. That was the time na pinagpalit niya ako ng kanyang jersey kasi nga ang dumi na ng top ko at amoy ulam pa. Then lumabas din ang ibang pictures ko na suot ang kanyang jersey. Todo bash ang lola niyo and I just laugh at them dahil ang bobo lang!
Masaya akong pumunta sa aking first class at nakasalubong ko si Regina na masama ang tingin sa akin. Matamis lang naman akong ngumiti sa kanya, pero nagulat ako nang hinablot niya ang braso ko na mahigpit niya pang hinawakan.
“So, you’re playing a dirty game now, huh?” galit niyang sabi at naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi ka pa ba titigil?” matapang kong sabi sa kanya at pinalis ko ang kanyang kamay.
“Magsusumbong ka pa talaga sa guardian mo! Ano? Masaya ka na? Wala na akong research adviser dahil sa’yo! Pinakawalan na ko ni Professor Laurente!” napakurap naman ako at hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi.
“Bakit parang ako ang may kasalanan?” ma-drama kong sabi tapos ay sumeryoso na ako. Tinulak ko siya na kinagulat niya ng konti. “Sino ba ang nagtapon sa akin ng pagkain kahapon? Parang nakalimutan mo na ang ginawa mo. In-upload mo pa nga sa social media para pahiyain lang ako. Well, sorry ka na lang dahil may consequence ang ginawa mo. Kaya nga pati ako ay tumatawa na lang sa meme ko. Wala akong kasalanan sa nangyari sa’yo. And now, susugurin mo na naman ako. Isa pa, hindi ako nagsumbong ‘no! Syempre nakita niya ang meme kaya alam niya ang ginawa mo sa akin. It’s as clear as the sky ang mukha mo doon sa video na kumalat rin. Hindi ka naman kasi nag-iisip.”
“Bwisit ka! Papansin ka talaga, eh! Huwag mong isipin na dahil guardian mo si Professor, safe ka na.”
“Ano na namang gagawin mo sa akin? Tsaka bakit mo ba ginagawa ‘to? Wala naman akong ginagawa sa’yo. Ni hindi nga kita kilala o nakikita dito sa campus. Tapos bigla mo na lang akong susugurin.”
“Because! I don’t like your face! At ang feeling mo! Super feeling!” pasigaw na niyang sabi.
“Miss Tañag!” pareho kaming naplingon sa boses na ‘yon at nakita namin si Yves na palapit sa amin. “Ano na naman ba ang kailangan mo kay Miss Venetta? I told you na huwag ka ng lalapit at kakausapin siya, and yet here you are.” matigas nitong sabi. “Is the sanction you got not enough? Gusto mo na bang tuluyan na ma-suspend?” natigilan naman ang babae. Mabilis siyang humingi ng sorry sa akin na parang robot at umalis na siya. bumuntong hininga naman ako at ngumiti kay Yves.
“Tama ba ang narinig ko, suspension?” tanong ko sa kanya at tumango siya.
“Yes, suspension na ang makukuha niya pag gumawa ulit siya ng kalokohan. This isn’t the first time na nam-bully siya ng student. Let’s just say na mayaman ang kanyang pamilya kaya lagi siyang nakakalagpas. Ngayon lang na-reprimand dahil pumalag na ko.” sabi niya.
“Hindi ba sila magtataka?” alala kong sabi sa kanya at ngumiti siya ng konti.
“I’m your guardian, ibig sabihin para na rin akong parent na nagreklamo sa kanila. And I always got my way.” Napa-giggle naaman ako at pumasok na kami sa classroom. Agad kong nilapitan si Havana at umupo sa kanyang tabi. The class started at wala namang nangyari na kahit na ano. I can say that my day went smoothly at pati si Louis ay hindi ko rin nakita. Mabuti naman at baka may lumabas na naman na bagong picture namin pag nagkita kami. Pero naninibago lang ako. Since I need to do some research at mag-review na rin, pumunta ako sa library carrel ni Yves. Alam naman niya dahil nagpaalam ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomanceSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
