76 - Louis x Rolex

2K 12 4
                                        

Tangina lang! Parang ginagawang drama ang buhay ko, eh! Pumasok ako sa kwarto ni Rolex para tawagin siya dahil nandito ang kanyang lalake na secretary. Mukhang may affair pa nga ang dalawa, sa tingin ko lang naman. Napapamura ako sa isip ko dahil bigla akong nagselos. Oo! Nagseselos ako! But of course I won't show it!

Kasabay ng pagpasok ko ay ang paglabas naman niya sa bathroom na nakatapis lang ng tuwalya. Natigilan ako dahil kitang-kita ko ang kanyang magandang katawan, with those abs, broad shoulders, pectoral muscles at may tattoo siya sa kanyang tagiliran. Ngayon ko lang rin nakita na may piercing pala siya sa isa niyang n*pples. Napadila ako ng aking labi seeing him like this and the below part of my body is reacting na hindi niya dapat makita.

"Do you need anything?" tanong niya sa akin.

"Uhm, your secretary is here." sagot ko. Hindi ko na siya hinintay na may sabihin pa na iba at mabilis akong lumabas ng kwarto niya. Sa kusina ako dumiretso at nagkunwari na may tinitignan sa ref. Maya-maya, nakarinig ako ng mga boses, at nang sumilip ako sa living room.

Nakita kung nakabihis na si Rolex at may pinag-uusapan sila ng secretary nito. Ngayon lang ako nakakita ng lalake na secretary. Ano kaya? May something kaya sila? Parang wala naman dahil may mga documents lang silang tinitignan at nagsa-sign si Rolex. Tsaka mukhang wala namang gusto yo'ng secretary niya sa kanya. Nagtago ako nang tumingin sa gawi ko si Rolex. Kumuha na lang ako ng soda sa ref, chips at lumakad ako papunta sa balcony na hindi sila pinapansin.

Ewan ko ba kung bakit ginagawa ko 'to? Para kong binabantayan ang boyfriend ko, eh, wala namang namamagitan sa amin. Kung bakit kasi naalala ko pa ang usapan namin kagabi and that damn kiss! Malakas akong bumuntong hininga, binuksan ko ang soda can at uminom. Binuksan ko rin ang plastic ng chips at patingin-tingin ako sa kanila habang kumakain. Minsan, pumapasok ako, kukuha ng kung ano at ilang beses ko yata 'yon ginawa. After a few hours, umalis na ang secretary na lihim kong ikinatuwa. Lumabas si Rolex at lumapit siya sa akin.

"Louis, may pupuntahan lang ako. Don't wait for me. Magpa-deliver ka na lang ng food pag nagugutom ka." pagkasabi nito, dahil nakabihis naman siya agad na itong umalis. Naiwan naman akong nakatulala lang at nakatingin sa pinto. Ni hindi man lang hinintay na magtanong kung saan siya pupunta.

Tsk! Malamang susundan niya ang secretary niya at itutuloy nila ang hindi nila nasimulan dito sa penthouse dahil nandito ako. Tangina! Binasura ko ang aking ininom at kinain tapos ay pumasok ako sa aking kwarto. Doon ako nagmukmok at hindi ko inaasahan na umiyak ako. Feeling ko na-reject na naman ako ni Rolex! Pero huli na 'to! Bwisit siya! Magpakasaya siya sa mga cherry boy niya! Bagsak akong dumapa sa kama at ilang beses kong sinuntok ang aking unan, tapos ay nakatulog ulit ako.

Nagising ako na madilim na naman sa labas. My mouth and throat are dry and I feel so weak. Hindi pala ako kumain ng lunch at pati na rin dinner. Nakauwi na kaya si Rolex? F*ck! Who cares! Baka kasama na niya ngayon ang isa sa cheery boys niya and they are f*cking all night long. Huwag mo na siyang isipin, Louis. Hindi din naman kayo palaging magkikita dahil start na ng klase bukas. Iwasan mo na lang siya. Naghugas ako ng aking mukha at nagmumog sa banyo at lumabas ng aking kwarto. Mabuti at wala akong nadatnan sa living room like last time

At mukhang hindi pa siya umuuwi. Pumunta ako sa kusina, kakainin ko na lang ang cake na nakita ko kanina.

"Gising ka na?" muntik na akong mapasigaw at lumingon ako kaagad. Napamura ako nang makita ko si Rolex sa harap ng pinto ng kusina at matalim ang tingin niya sa akin. Ano na naman bang problema niya? Hindi naman ako lumabas ng penthouse, ah! "Nananadya ka ba?"

"Ano na naman bang ginawa ko? I have been here all day, hindi ako lumabas." masungit kong sagot sa kanya.

"Yes, you've been here. Pero hindi ka kumain, hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Pati mga meds mo nakalimutan mong mag-take!" bumuntong hininga naman ako.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon