Nakatulala lang ako habang hawak ko ang bouquet, jersey at tickets. Ito namang kaibigan ko, tumatawa pa rin hanggang ngayon. Hinatid ko siya sa kanyang klase at nagpaalam na rin ako sa kanya. Naglakad ako sa hallway ng campus building na hawak ang mga binigay sa akin ni Louis. Aanhin ko naman ang mga ito? Syempre manonood ako ng game, pero hindi dahil sa kanya kundi dahil kay Diorr. Hays! Akala ko pa naman maliwanag na sa kanya ang lahat and I told him na huwag niya na akong kulitin pa. Bakit may paganito pa? Kaya naman pala pinagtitinginan ako ng mga students, eh! Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko ang aking phone. Pumunta ako sa page ng university and doon nga ay nakita ko ang mga pictures namin ni Louis at isang video kung saan binigay niya sa akin ang mga ito. Malakas akong bumuntong hininga at hindi ko na lang ito pinansin.
Naglakad ako ulit at nakasalubong ko ng grupo ng babae na nakita ko sa cafe na nagte-take ng pictures kanina. Tumigil sila nang makita nila ako at bahagya naman akong ngumiti sa kanila. Lumapit ako tapos ay inabot ko ang mga binigay sa akin ni Louis kanina. Nagulat naman ang mga ito at kinuha ng isa ang inabot ko.
“You girls deserve this better…” sabi ko sa kanila. “Enjoy the game!”
“Teka, binigay sa’yo ito ni Louis.” sabi ng isang babae at tumango naman ako.
“Sorry, ayaw niyo ba? Allergic ako sa flowers, may ticket na rin ako sa game, sayang naman. Ibibigay ko na lang sa iba.” kukunin ko sana kaya lang inilayo niya. Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na. Nag-message ako kay Yves at Diorr na mauuna na akong umuwi. Sumakay ulit ako ng Grabcar at bumalik na ako sa bahay. Nang makarating ako roon, agad akong pumanhik sa taas, pumunta sa aking kwarto at naligo na. The disposable underwear was not comfortable at nanglalagkit na talaga ako. Tinignan ko ang oras nang makapagbihis na ako at nakitang 5pm na pala. Kaya ang ginawa ko ay pumunta sa kusina para magluto. Nag-message ulit ako sa dalawa na lulutuan ko sila ng dinner. Habang naglalabas ako ng ingredients, tumunog ang aking phone at nakita ang pangalan ni Yves sa screen.
“Hey, daddy… Pauwi ka na ba?” tanong ko sa kanya nang sinagot ko ang kanyang tawag.
“I was going to talk to you pag nakauwi na ako, but I can’t wait.” irita niyang sabi at natigilan naman ako.
“May problema ba? May nakarinig ba sa atin sa office mo?” alala kong sabi. Hindi siya sumagot kaagad tapos ay narinig ko ang kanyang pagtawa.
“No, baby girl, we are safe. Ang tinutukoy ko ay ang picture niyo ni Louis sa cafe at ang video na nagbigay siya ng mga basura habang kasama mo ang kaibigan mo. Akala ko ba umuwi ka na after our sweet encounter in my office. Do you want to be punished, baby girl?” napalunok ako sa huli niyang sinabi. Syempre naman gusto ko! Pero hindi ko ito sinabi sa kanya.
“Ihahatid ko lang sana si Havana sa klase niya. Ikaw naman kasi, Yves, kung hindi mo sana pinunit yo’ng panty ko, eh di sana nakauwi na ako kaagad. It’s dripping and I had no choice kundi magpabili ng disposable underwear.” hindi siya sumagot. “Isa pa, nag-usap na kami sa cafe.I told him na wala siyang maaasahan sa akin kung anuman ang binabalak niya kaya niya ako nilalapitan. Ewan ko ba doon, hindi yata nakakaintindi kung matalino naman siya.” narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga.
“Sorry for my sudden outburst, Jaeda, nagulat lang talaga ako sa nakita ko sa uni page. I’m just worried sa magiging reaksyon ni Diorr. You know naman na player niya ‘yon at baka pahirpan niya ang bata sa training nila.”
“I told him that too… Ang sabi ko protective kayo sa akin kaya baka pahirapan niyo siya. Mukhang hindi siya nakinig sa sinabi ko talaga. Hindi ko naman tinanggap yo’ng bigay niya, bigla na lang kasi siyang sumulpot, at bago pa ako maka-react inabot niya ito sa akin. Since hindi ko naman ito kailangan, binigay ko sa iba.”
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomanceSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
