Twenty Two

7.9K 25 4
                                        

Tama nga ang sinabi ng aking kaibigan kahapon nang tinawagan niya ako. Pagpasok ko pa lang sa campus kasama sina Yves at Diorr, pinagtitinginan na ako ng mga tao. They were whispering something, ang iba kumukuha pa ng pictures na parang celebrity kami. Hindi ko what is the fuzz about at kinakabahan ako baka may nakaalam na sa ugnayan ko sa dalawa. Pero hindi naman dahil mukhang karamihan sa mga student body dito sa uni ay hindi alam na guardian ko talaga si Professor at nakatira ako sa bahay nila. Parang mas lalo pang naging maingay ang aking pangalan overnight at ang dami na din na nagkalat na picture at video ko with Louis sa social media. They are making a big deal out of it, actually, na kinaiinis ko naman. Ano ngayon kong nag-usap kami sa cafe? Ano ngayon kung binigyan niya ko ng bagay na ‘yon? Am I the luckiest girl in the world now? Kung maka-react sila parang may ginawa akong masama. I don’t like this, I don’t want to gain any attention at nangyari ang lahat ng ito dahil sa isang popular guy na lumapit sa akin.

“Can I just stay at your office?” tanong ko kay Yves habang sabay kaming naglalakad papunta sa klase niya which I am also taking. 

“I want to, pero baka may masabi ang ibang tao na dahil guardian mo ako, pinapaboran kita.” napalabi naman ako at ngumiti siya. “Hey, huwag ka ng mag-alala, this will tone down in a few days. Mainit ka pa sa mata ng lahat dahil sa nangyari kahapon. Pag nilapitan ka ulit ni Louis, iwasan mo siya, okay?” tumango lang ako. Pumasok na siya sa classroom at sumunod ako sa kanya. Akita ko si Havana sa dati naming upuan at kumaway siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at lumapit ako tapos ay umupo sa kanyang tabi. 

Yves fix his things on his desk at natigilan ako nang maalala ko kung anong ginawa namin kahapon sa kanyang office. Actually, nawala sa isip ko ang pag-invite sa akin ni Louis sa game dahil na rin sa ginawa naming tatlo as we lay in our bed. Sabay silang umuwi no’ng gabing ‘yon and it was kind of pretty late. Sinabi sa akin ni Yves one hour lang pero nag-stay pa siya hanggang sa matapos ang practice ng football team. They were really hungry though at natuwa ako dahil naubos nila lahat ng niluto ko. Then we watched a football game and Diorr was really focused on watching. Ni hindi niya napansin na anglalambingan na pala kami ni Yves. nang malakas akong umungol, doon na siya lumingon sa amin, game forgotten and he joined us. Let’s just say na late na rin akong nakatulog kagabi at tumigil lang sila nang maalala na maaga pa kami ngayon. 

Napa-sigh ako habang nakatitig ako sa kanya and the way his voice is stern and calm while he is doing his lecture. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya at para akong nagising nang sikuin ako ni Havana. Inis ko naman siyang tinignan at pinandilatan niya ako ng kanyang mga mata. 

“Sige, titigan mo pa siya at malalaman ng lahat na may namamagitan sa inyo. You look all dreamy na parang gusto mong kainin ang professor natin.” mahina niyang sabi sa akin at nag-peace sign naman ako sa kanya. Pinakalma ko naman siya at baka ma-stress pa siya sa pinaggagawa ko. Nag-concentrate na ako sa klase at namalayan ko na lang nang may malaking tao na umupo sa katabi kong upuan. Lumingon ako rito at natigilan nang makita ang nakangiting si Louis at may dala siyang ice coffee na binigay niya sa akin. Napakurap naman ako at kinurot ko ang aking sarili at baka imagination ko lang siya. Pero hindi, he is sitting beside me at nagdala siya ng ice coffee para sa akin. Ang kulit naman talaga ng lalakeng ‘to! Hindi ko naman pwedeng sabihin na may boyfriend ako at baka alamin pa niya kung sino ito.

“Anong ginagawa mo rito?” pabulong kong sabi sa kanya. “You are not part of this class. Nananadya ka ba?” 

“This is for research… And I brought your favorite. Gusto ko lang humingi ng sorry sa’yo dahil na-involve ka pa sa mga social post dito sa campus.” 

“Pwedeng sa ibang oras ka na lang humingi ng tawad? As you can see my klase ako, and you can have the coffee. Baka may kumalat na naman na picture natin at sabihin ng mga fans mo na inaalipin kita.” irita kong sabi at mahina naman siyang tumawa. 

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon