Fifty Four

2.6K 10 0
                                        

"Louis..." sambit ko nang makita siya. Nandito kami ngayon sa isang orphanage para sa isang event. Makakasama namin ang bagong client ng Papa ko at in-organize daw ng asawa nito. I don't mind really dahil mahilig naman ako sa bata and I like helping people. I told myself that I am going to have fun at makikipaglaro na lang ako sa mga bata. I am looking forward na makilala ko ang sinasabi ni Papa. But I never expectes this!

Kanina lang pinag-uusapan namin siya dahil nanonood pala sila ng game ng football team. My father is not a football fan pero dahil na rin siguro sikat talaga ang team ng university. And since nanonood sila, nakikita nila ang mga nangyayari lalo na at laging nakatutok sa akin yo'ng camera. So totoo lang gusto kong mga-walk out dahil parang sinasadya nila. Buti sana kung may relasyon talaga kami. Kasama ko pa naman si Yves at nasa field si Diorr na salamat naman ay hindi nagpaapekto. Tapos ngayon makikita konna naman siya. Pinaglalaruan ba ko ng mundo? Yo'ng taong ayaw kong makita, siya naman ang sumusulpot!

"Anong gingawa mo rito?" tanong ko sa kanya na nakangiti pa rin. I want to rip that cute smile of his. "Why is he even here? Volunteer ba siya?

"Beats me... Pinilit lang ako ng Mom ko na pumunta rito. Mas gusto ko pang tumambay sa bahay na lang. It's my break after all." walang gana niyang sabi. "Ikaw? Anong gingawa mo rito? Volunteer?"

"I'm with my parents too. Kung gano'n Mama mo ang organizer ng event na toh?"

"Yeah, saling pusa lang ako. Wala rin naman daw akong ginagawa."

"Oh no... oh no..." sambit ko. Ibig sabihin ang father ni Louis ang bagong client ng Papa ko! This can't be happening! Not happening! Kaya ba gano'n na lang sila magtanong kung may something kami ng blackmailer na toh!

"Hey, I am not happy either. Buti na lang may kasama na akong magdurusa sa event na toh." Inis ko siyang tinignan at tinaasan niya ako ng kilay.

"Huwag mo nga akong itulad sa'yo. I like being here and I like helping people out. Tsaka mahilig ako sa mga bata 'noh! Ikaw naman, malaki ka na, sana hindi ka na lang sumama kung napipilitan ka lang. Anong gagawin mo? Stay still and just look handsome?"

"Hmmm? Pwede rin naman..." napa-roll eyes lang naman ako.

"Tumabi ka nga!" at bahagya konpa siyang tinulak. Bumuntong hininga siya at kinuha niya sa akin ang mga buhat ko.

"Bakit ang sungit mo na naman? Akala ko ba friends na tayo? Hindi ka ba natutuwa na nagkuta tayo ulit?"

"No... Ayoko kitang makita. Because you remind me na nandito ako at pagbalik ko, hindi ko na sila makakasama pa. Kaya huwag ka ng magtaka kung bakit masungit ako. Isa pa, of all people na pwedeng maging client ng Papa ko, father mo pa talaga!"

"What do you mean by that?" nagtataka niyang sabi.

"Siguro plinano mo lahat ng 'to, noh? You really want them gone from my life. Alam mo na nandito ako so you took this chance para lang makasama ako. Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ikaw ang lalakeng gusto ko."

"Teka, awat na nga muna. Ni hindi ko nga alam na nandito ka. Ni hindi ko pa nga nakikilala ang father mo. I never wanted to be here. Gusto ko lang ng tahimik na bakasyon. Alam ng mga magulang ko na ayaw kong sumama sa mga ganito. Kaya nga nagtaka ako kung bakit pinilit ako ng Mom ko." inis niya na ring sabi. "I never planned anything and I was just thinking about you at ang mangyayari sa pag nalaman ng lahat ang totoo mong relasyon kay Yves at sa boyfriend niya. I never planned this." tinitigan ko naman siya at mukhang nagsasabi siya ng totoo. Tumingin ako aa aking magulang na masayang nakikipag-usap sa isa ring couple ngayon that I presume is his parents. Posible kaya na sila ang may gawa nito?

"Well, sa susunod huwag ka ng sumama." lumakad ako at sinundan niya naman ako. Nilagay niya ang mga packs sa mesa at nakasunod pa rin siya sa akin.

"What do you mean sa susunod?" tanong na naman niya.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon