77 - Yves x Diorr - First Meet

1.4K 4 0
                                        

Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang pagtawag sa akin ng nurse. Nasa clinic ako ng aking doctor, the one who treated my knee injury. I am an athlete, one of the best players of my team but shit happens at nagtamo ako ng malalang injury sa aking tuhod. I have been rehabilitating for months. Ginawa ko lahat ng sinabi ng aking doctor, ginawa ko ang aking therapy para lang gumaling ako fully, to recover fully para makapaglaro ako ulit. Kinakabahan ako ngayon para malaman kung makakapaglaro pa ba ako. My legs are stiff and I want to get back in the field again. 

Feeling that hype, that thrill na nakikipagbalagbagan ako sa ibang players. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naghintay, parang ilang oras na akong naroon, eh. Maya-maya pa, tinawag na ako ng nurse at pinapasok na. Binati ako ng doctor at nag-shake hands pa kami. Pinaupo niya ako sa harap ng kanyang desk habang tinitignan niya ang lahat ng aking test result, X-rays and other stuffs tapos ay bumuntong hininga siya. That does not sound good to me.

"So, I have seen all your test, mukhang okay naman ang kinalabasan ng therapy mo." napangiti naman ako.

"When can I play again? I have a massive offer for a pro and I can't miss that." sabi ko sa kanya. Hoping na magandang balita ang sasabihin niya sa akin.

"I'm sorry, Diorr..." natigilan ako. "Malubha ang natamo mong injury and you can't play like the way you used to. Pag na-strain ang tuhod mo, baka tuluyan ng maapektuhan ang pagkilos mo. We can't risk that. I am really sorry, pero mas mabuting i-give up mo na lang ang paglalaro mo ng football kaysa tuluyan masira ang buhay mo."

"You're saying that I can't play again? Na hindi na ako makakapaglaro ng pro and just give up my dream, gano'n ba? I did everything you said!" galit kong sabi.

"That's for your recovery... Pero sinabi ko na sa'yo, hindi pa natin sigurado kung makakabalik ka sa paglalaro gaya ng dati. Wala na akong magagawa pa, Diorr, alam kong masakit. But you're a talented guy. I'm sure marami pang opportunities na darating sa'yo."

"Opportunities?! Ang pagiging pro lang ang chance ko at tinanggal 'yon sa akin ng peste kong injury! Damn it! Thanks a lot doctor!" pagkasabi nito, mabilis na akong umalis sa hospital. Sumakay ako sa aking truck, mahigpit kong hinawakan ang manibela at dahil sa galit ko, malakas ko itong pinaghahampas! Hindi ko rin maiwasan na umiyak dahil naglaho na lahat ang mga pangarap ko. My dreams of being a pro, of being in the NFL are gone! Nang dahil lang sa injury na ito na alam kong sinadya ng player na 'yon! I thought I can go back, pero hindi na pala! Anong gagawin ko ngayon?! Pinaandar ko ang aking sasakyan tapos ay pinaharurot ko na ito paalis.

A Few Weeks Later...

I was so drunk, so drunk again this night habang nandito ako sa isang pub. Nang malaman ko na hindi na ko makakalaro at cancel na rin lahat ng offers ko sa pro, doon na nasira ang aking buhay. Kahit nga mga taong kakilala ko, na mga inakala kong kaibigan tinalikuran ako. Now I learned my lesson not to trust people around me. Noon, sobrang supportive lagi nila akong kasama at laging binabati, ngayon parang hindi na nila ako kilala. Mga puntangina nilang lahat! Sana magka-injury din sila na mas malala pa ng akin!

Lagi na ngayon akong tambay sa pub, umiinom at kilang-kilala na nga ako rito. Sila na rin ang tumutulong sa pagpapauwi sa akin. Mabuti pa sila hindi ako pinagtatabuyan dahil nasabi ko na lahat sa kanila ang pinagdadaanan ko kaya naawa sila sa akin. Inubos ko ang baso ng whiskey at ibinagsak ko ang baso sa bar. I feel so empty at sa totoo lang, nabo-bore na ko sa ginagawa ko. Siguro tama nga si Doc, may magbubukas pa sa akin na opportunities. Wala rin namang mangyayari kung parti akong ganito. Nasira na nga ang pangarap ko, tuluyan ko pang sisirain ang buhay ko. Tangina lang! Sira na rin naman ang buhay ko!

In-order ko na ang isang bote kaya nagsalin ulit ako sa aking baso. Halos matumba ako paglabas ko ng bar. Mas gusto ko na nga na mawala na lang ako. Why am I even living kung ang gusto kong gawin at gusto kong abutin ay naglahong parang bula. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta, I was just mindlessly walking. Isang nakakarinding tunog ng sasakyan ang narinig ko at nasilaw ako sa ilaw nito na papalapit sa akin. Hinarap ko naman ito willingly para mawala na talaga ako. Pero huminto ang sasakyan just a few inches from me at napamura ako.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon