Mabilis akong naglalakad papunta sa school building at marami akong dalang materials ngayon dahil sa aking report. I woke up early pero hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at hinayaan ang aking mga daddies na gawin ang gusto nila sa akin. That was the reason na baka ma-late pa ako ngayon sa isang class ko. I mean wala namang problema, pero ako ang magre-report ngayon!
Nakahinga ako ng maluwang nang makita na wala pa ang professor namin sa class. Nakita ko si Havana na kumakaway sa akin at nilapitan ko naman siya. Habang umaakyat ako sa stair bigla na lang may pumatid sa akin. Tuluyan na sana akong natumba at baka tumama pa ang ulo ko kung hindi ako napahawak sa mesa. Mabuti na lang at good ang reflexes ko. Akmang lalapit si Havana sa akin pero pinigilan ko siya. Ayoko na madamay na naman siya.
Matalim akong tumingin sa babaeng gumawa nito at nakangisi siya sa akin. Kinuha ko ang aking bag na nag-slide sa aking balikat. Wala akong sinabi, pero hinataw ko ang aking bag sa kanyang ulo na kinagulat ng lahat. Isang malakas na 'pak' din kasi ang narinig sa buong classroom sa lakas ng ginawa ko. Napaaray ang babae at humawak ito sa kanyang ulo. Magsasalita sana siya nang hinataw ko ulit siya ng aking bag.
"Ikaw pa ang may ganang pagsalitaan ako ha!" galit kong sabi rito. "You almost got me killed! Pano pag nabagok ang ulo ko sa ginawa ko ha?!" binitawan ko ang aking bag at sinampal ko naman siya.
"Aray! Tama na! Tatanga-tanga ka naman kasi!" masungit niyang sabi habang hinaharang niya ang kamay ko. Mas lalo pa akong nainis sa kanyang sinabi at sinabunutan ko siya.
"Ako pa ngayon ang tanga, eh, ikaw ang pumatid sa akin na wala namang dahilan! Bakit mo ginawa 'yon? Paano pag nagka-brain damage ako? Maibabalik mo pa ba pag nangyari 'yon? Ikaw ang tanga dahil gusto mo kong masaktan kahit wala naman akong gingawa sa'yo! Sige, gawin mo pa! Gawin mo pa!" napasigaw na siya sa sakit at binitawan ko lang siya nang may umawat na sa akin. Humihingal ako na binitawan ko siya at galit na galit na tumingin sa aking babae. "Kalbuhin kita dyan!" bago pa ito may maisagot, may pumasok na at natigilan ako nang makita ko si Louis na pumasok kasama ang professor namin.
Napangiti siya nang makita niya ako pero nawala ito nang makita niya ang nagkalat kong mga gamit sa hagdan. Agad din siyang umakyat para lapitan ako at malakas naman akong bumuntong hininga. Tinulungan niya ako sa aking mga gamit at hinatid sa upuan ko, sa tabi ng aking kaibigan. I know that he wants to talk to me pero pinigilan nito ang sarili at bumalik siya sa harapan.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Havana at tumango lang ako. Hindi na siya nagtanong pa at nag-start na ang aming klase. Louis was on the front again giving his lecture at tinawag niya na ako para mag-start ng aking report. Actually, nawalan na ako ng gana but I tried my best to give it all para na rin sa aking grades. Nasagot ko naman lahat ng tanong at pinabalik na ako sa aking upuan nang satisfied na ang professor namin. Agad kaming lumabas ng aking kaibigan ng matapos na ang klase at tumigil lang ako sa paglalakad nang humarang sa akin ang babaeng muntik ko ng kalbuhin kanina.
"Akala mo tapos na tayo? Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo! Halos mapunit ang scalp ko dahil sa'yo!" galit niyang sabi sa akin at ngumisi naman ako sa kanya.
"Alam mo, hindi naman kita kilala at ngayon lang kita nakita. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang laki yata ng galit mo sa akin? Sabihin mo, anong ginawa ko sa'yo before mo ko pinatid at muntik na akong mamatay."
"Ang OA mo naman! Dapat lang 'yon sa'yo noh!" sabay duro niya sa aking noo. Pinalis ko naman ang kanyang kamay at akma ko siyang sasampalin pero mabilis siyang lumayo. "Humanda ka dahil mas malala ang mangyayari sa'yo."
"Jaeda!" tumingin ako sa pagtawag na 'yon at palapit sa amin si Louis. Nagtaka siya nang makita niya ang kaharp kong babae na bigla umamo ang mukha at nagpa-cute pa sa lalake. Pinigil ko naman ang aking inis dahil mukhang alam ko na kung bakit niya ako binubully kaagad. "May problema ba?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomanceSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
