Napatingin ako sa dalawang kaharap ko ngayon na si Louis ang ang lalake na nakabungguan ko kanina habang palapit ako sa aking mga magulang. I heard voice like they are fighting kaya sinundan ko dahil feeling ko ay kailangan kong tignan kahit naman ayaw kong makialam. Siguro ganito ang nararamdaman ng mga marites pag sumasagapsila ng chismis. Pero sobrang nagulat ako sa aking nakita and I thought that the guy, who was really handsome pero nakakatakot lang na makatingin, is forcing himself to Louis.
Akala ko nga naha-haraas na ito kaya pinukpok ko siya ng aking heels na matibay naman kahit ilang beses ko itong pinalo. Si Louis mimo ang pumigil sa akin at sinabi nga ng llake na boyfriend siya nito. Nabitawan ko ang hawak kong heels habang nakatitig ako sa kanilang dalawa. Lalong-lalo na kay Louis na sinabi sa akin ni Yves na parang tshirt na magpalit ng babae niya. Kung gano'n recently lang ba sila na nagkarelasyon o matagal na?
"You guys are together? Together?" tanong ko sa kanila na hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. I mean he is the most popular guy in school at lahat ng mga babae ay pinagkakaguluhan siya. So hindi lang talaga ako makapaniwala na ang saing tuld niya ay may gwapong boyfriend. Was he confused from the start kaya nagkaroon siya ng maraming babae sa kanyang buhay?
"I know this is shocking, but I have a boyfriend. Well, I have now after all the confused moments and all those women who came into my life. I can finally admit that I like men too. Actually, sa kanya lang ako attracted wala ng iba." sagot ni Louis. "Walang nakakaalam, well, alam mo na ngayon." inis niyang sabi at tumango ako.
"Wow... The most popular on campus, may boyfriend pala. I mean it's okay, wala akong problema sa same s*x relationship because kasama ko din sa iisang bahay ang katulad niyo. Ang pinagtataka ko, bakit mo pinapalabas sa magulang mo na gusto mo ako. Na may namamagitan sa ating dalawa kung may boyfriend ka naman pala! Para ba pagtakpan ang preference mo? Gano'n ba 'yon? So, are you using me?"
"No, It's not like that..." sagot naman ng boyfriend niya. "Ako nga pala si Rolex." inabot nito ang kamay at tinanggap ko naman ito. "Louis just cares for you, you're the first one who actually became her true friend. Ayaw niya lang na masira ka."
"Then, paano siya? Kayo? Hindi ba't masisira ka rin Louis pag nalaman ng lahat na may boyfriend ka. Hindi ba't same na tayo ng sitwasyon ngayon?" napayuko naman siya. "Eh di tama rin ang sinabi ko sa'yo noong isang araw, na wala ka talagang gusto sa akin. So, is this going to be a secret?"
"Of course it is, hindi pa ko handang sabihin sa kanila. lalo na at si Rolex ay bestfriend ng kapatid ko." namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
"Bestfriend ng brother mo?!" malakas kong sabi at inawat nila akong dalawa. "I'm sorry... Gulat lang talaga ako sa mga revelations ngayon." nagkatinginan silang dalawa.
"I know this is a shock to you, pero alam ko na maiintindihan mo. Na-inlove ka nga sa dalawang lalake na magkarelasyon. Their careers are till on the line, at ikaw ay hindi pa nakaka-graduate ng college. Ano na lang ang sasabihin ng iba pag nalaman nila ang tungkol sa inyo?"
"Hindi ko alam, pero ang alam ko, ipagtatanggol pa rin nila ako. That they will not leave me at kaming tatlo na lang ang magkampihan. I guess we have both dirty little secrets now. Masaya nga ako at mukhang intact pa rin ang relasyon niyo. Huwag kayong mag-alala, wala akong sasabihin at sana maging masaya kayong talaga. I just need to breath kaya lalabas na muna ako." pagkasabi ko nito, tinalikuran ko na silang dalawa at lumabas sa balcony ng hall. Huminga ako ng malalim doon at mahigpit kong hinawakan ang rails. Hindi ko kinakaya ang gabing ito! Si Louis Vitton na hunk, na magaling na player ng football team at hinahangaan ng lahat, who would have thought that he fell for a man.
"Jaeda..." napalingon ako at sinundan niya pala ako. "I'm sorry, I'm sorry sa lahat ng ginawa ko." sabi niya. Huminga naman ako ng malalim at hinarap ko siya.
BINABASA MO ANG
Desiring My Prof. And His BF
RomanceSa kanyang pagsisimula ng pag-aaral ng college, pinakilala siya ng kanyang ama sa bestfriend nito na matagalng hindi nakikita ng kanyang ama. Yon pala ay professor ito sa university kung saan siya mag-aaral. Ang hindi niya inaasahan ay pinakiusapan...
