Fifty Two

3K 14 2
                                        

Maaga na naman akong nagising kinabukasan dahil bibiyahe na ako pauwi sa amin. Nilabas ko na lahat ng aking dadalhin sa pag-uwi ko at nagtaka pa sila kung bakit ang dami kong dala. Nagpalusot na lang ako at sinabi na lumang mga gamit ko ang mga ito na hindi ko na ginagamit pa, at naglalaman ng pasalubong na rin para sa aking mga magulang. I was relieved dahil mukhang naniwala naman silang dalawa. Binaba nila ang mga ito habang ako ay nagbibihis naman. 

Nang masigurado ko na wala na sila, kinuha ko ang letter na sinulat ko noong isang araw. Huminga ako ng malalim at pinigil ko ang aking sarili na huwag maluha. Ito na lang ang naisip kong paraan para sabihin sa kanila na tapusin na ang lahat. Masakit man at alam kong masasaktan din sila, sana ay maintindihan nila ito. Kasama naman nila ang isa't-isa, and they were both happy bago pa man ako dumating sa kanilang buhay. I know, and I am sure that they will get over it easily.

Nilagay ko ito sa ilalim ng aking unan matapos ko itong bigyan ng isang halik. Pinat ko pa ang unan at sana ay makita nila ito. But I am sure they will. Kinuha ko ang aking hand carry at lumabas na ako ng aking kwarto. Pagpanhik ko pababa, nakasalubong ko pa si Yves at matamis akong ngumiti sa kanya.

"Yon na lang ba ang dadalhin mo?" tanong niya, at tumango ako.

"Kung pwede lang isiksik ko kayo sa malaki kong bag, ginawa ko na," biro ko sa kanya at malakas siyang tumawa. Lumapit ako at mahigpit kosiyang niyakap. "I will miss you every day, Daddy," malambing kong sabi sa kanya. Niyakap niya rin ako, at hinalikan niya ang top ng aking ulo.

"I will miss you too, baby girl... Lagi mong alagaan ang sarili mo. And enjoy your bonding with your parents, okay?"

"Okay..." sambit ko. Hinawakan ko ang kanyang mukha at buong puso ko siyang hinalikan sa labi. "I will miss your kisses too." humiwalay ako sa kanya at sunod kong mahigpit na niyakap si Diorr. "Mami-miss din kita, Daddy..." matamis ko rin siyang hinalikan sa labi.

"And I will miss you too... Huwag kang magpapalapit sa mga lalake. Kami lang ang lalake sa buhay mo." Tumawa naman ako at hinalikan ko ulit siya. Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan. Hinatid nila ako sa terminal ng bus at hindi sila umalis hangga't hindi ako nakakasakay. Kumaway ako sa kanila nang makita ko sila sa tapat ng window ko. Ngumiti silang dalawa at kumaway din. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanila hanggang sa nakalayo na nga ang bus. Nang hindi ko na sila maaninag, doon na ko tuluyan na umiyak. Tinakpan ko ang aking mukha at humihikbi na lang. This will be the last time na makakasama ko sila, and I regret na hindi ko nasabi ang tunay kong nararamdaman sa kanila.

Limang oras ang naging biyahe ko pagbalik sa amin. Nang malapit na akong dumating, chineck ko talaga ang aking mukha para tingnan kong halatang umiyak ako. Hindi naman na, naglagay ako ng powder sa aking mukha at inayos ko ang aking buhok. Pagkababa ko ng bus natuwa ako nang makita ko ang aking magulang na kumakaway sa akin. Kinawayan ko rin sila at mabilis silang lumapit sa akin. Niyakap ko silang dalawa tapos ay tinulungan nila ako sa aking mga gamit.

"Anak, bakit ang dami mo naman yatang dala? Parang aalis ka na sa bahay ni Yves, ah!" tanong sa akin ng Papa ko habang sakay na kami ng aming SUV at nasa daan na. Nakatingin lang naman ako sa labas ng bintana at para akong nagising nang magtanong siya.

"Mga luma kong gamit, Pa. Nakakalat lang kasi doon kaya inuwi ko na muna." sagot ko.

"Kumusta na pala ang tuhod mo, hija? No'ng tinawagan kami ni Yves, alalang-alala ang boses niya at ilang beses siyang humingi ng tawad." sabi naman ni Mama.

"Okay na po, Ma, fully recovered na rin. Nahihiya nga ako sa kanya dahil hindi ko sinabi agad. Hindi ko naman akalain sa pagka-clumsy ko, magkaka-injure ako ng gano'n."

"Basta sa susunod, pag may nangyari sa'yo, sabihin mo agad para hindi siya gaanong mag-alala. Mukhang maganda ang relasyon niyong dalawa?" sabi ulit ni Papa.

Desiring My Prof. And His BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon